Kung ang ibang artista ay ayaw munang mag-trabaho dahil sa tumataas pa ring cases ng Covid-19 at sa paniwalang mas mabilis makahawa ang bagong Delta variant nito, iba naman sa case ng energetic na si Xian Lim na raring to work all the time.
Of course, dobleng ingat pa rin naman daw siya pero hindi niya pina-iiral ang takot. In fact, during the pandemic, isa siya sa mga maraming natapos na projects kabilang na ang pagho-host, for the first time, ng isang game show, ang The Wall Philippines sa TV-5 at isang drama series para naman sa streaming app na Vivamax, ang Parang Kayo Pero Hindi (PKPH).
Nabanggit din niya sa press conference na inihanda sa kanya ng GMA-7 kamakailan na may natapos pa siyang isang online series pero as director naman.
May pagka-restless ang personality ni Xian. Even in between projects, hindi p’wede walang siyang pinagkaka-abalahang iba—naroong mag-ventriloquist, mag-paint, masgsulat ng script, mag-ayos ng bagay-bagay sa bahay nila, o kaya naman ay magpaka-busy sa mga sports that catch his interest. Currently, mukang motorcrossing ito.
Pero nang dumating ang offer ng GMA-7 for the Love.Die.Repeat teleserye, drop everything si Xian dahil number one passion niya ang acting. Wala na raw pag-iisip nang malalim na naganap lalo pa’t alam niyang ang prized talent ng GMA-7 na si Jennylyn Mercado ang makaka-trabaho niya. Big-time ang project, so to speak. Flattered si Xian na na-consider ang name niya ng mga network executives ng Siyete.
Kaya no room for apprehension daw sa kanya kahit totally new environment ang gagalawan niya.
“Hindi po ako nagkaroon ng apprehension,” ani Xian sa GMA-7 virtual press conference. “I think dito pa nga po mas ginanahan, mas matuwa dahil meron pong trabaho, meron pong venue to express… para maging isang artista, maging actor. Dahil kung wala pong venue, kung hindi po nabibigyan ng opportunities, d’yan ako magkakaroon ng anxiety, d’yan ako mapa-praning.”
Pero aminado siyang dumanas din siya ng anxiety during the pandemic gaya ng karamihan. He just made sure he surrounded himself with positive people para hindi ito lumala.
“Definitely ngayon pong pandemic, yes, I’ve suffered anxiety po,” saad niya. “Ako, just like everyone else… because bigla nalang tayong natigil, bigla na lang parang [di na] umikot ’yong mundo natin.”
“So, what I would like to say d’yan is sa lahat nang nagsa-suffer nang ganyan ngayon, it’s completely normal. Just always have your loved ones with you and be sure to talk to people dahil ang bigat na nang nangyayari sa mundo natin. Make sure you’re surrounded by positive individuals,” may halong payong dagdag niya.
Habang sinusulat ito ay nangangalahati na ang pagka-quarantine ng aktor at sasabak na sila ni Jennylyn and the rest of the cast ng Love.Die.Repeat. Aniya, ginugugol daw nila ang quarantine days sa mga virtual workshops and meetings para mas magka-kilanlan.
Ani Xian, karamihan naman sa cast ay kilala naman niya, pati na rin ang director na si Irene Villamor na naka-trabaho na niya noon sa Star Cinema. May ilang ding never pa niyang naka-trabaho including Jennylyn at isa daw iyong “freshness” sa mas nagpapa-excite sa kanya.
In Die.Love.Repeat., isang civil engineer who works in a company that renovates old houses pala ang role niya. And na-in love daw agad siya sa script nito na maglalaro sa time-loop concept.
(According to dictionary.cambridge,org., time loop, in books and movies, is “a situation in which a period of time is repeated, sometimes several times, so that the characters have to live through a series of events again.)
“First page pa lang ng script, gustong-gusto ko na. I’m a huge fan of the genre ng time loop. Unang basa ko pa lang ng script, tuwang-tuwa at excited na ako sa tatahakin ng characters naming lahat.
“The material is really fun and exciting for everyone to watch. At the same time, noong nakita ko ’yung mga makakasama kong artists, they look really fun to be with and magda-jive kaming lahat to make this project great.”
Samantala, nilinaw ni Xian na taga-Viva Artists Agency pa rin siya at ito palang Love.Die.Repeat ang napapag-usapang proyekto niya sa Kapuso Network. But very open ang aktor na gusto pa niyang makagawa ng ilang projects pa sa GMA, possibly in collaboration with its roster of leading ladies gaya nina Marian Rivera, Heart Evangelista, Lovi Poe, and ang bagong sign up na si Bea Alonzo.
Moreover, kung bibigyan daw siya ng chance makapag-direk ng isang Kapuso project ay mas ikalalaki daw ng ngiti niya ’yon.
YOU MAY ALSO LIKE:
Tambalang Jennylyn Mercado at Xian Lim, tuloy na tuloy na!
Exclusive: Xian Lim-Jennylyn Mercado project, kasado na sa GMA-7
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
0 comentários :
Post a Comment