This is Showbiz #42: Ken Chan, versatile actor na; versatile businessman pa

PART 2:

Aminado si Ken Chan na hirap na hirap siya ngayon sa multiple roles niya sa Ang Dalawang Ikaw, where he plays not just two characters but three (and possibly more in the coming weeks).

May dissociative identity disorder kasi siya dito at ang original good boy na si Nelson ay “lalabasan” ng iba pang separate entities na sina Tyler, na isang syndicate leader; at si Major Alberto, isang senior military man.

Nakakapagod daw magpalit-palit ng identities sa taping. Kaya kung siya ang masusunod, sana daw ay light romcom ang maging kasunod niyang project para maging breather. Tutal ay ganoon naman daw ang naging pattern ng mga trabahong binigay sa kanya since his biggest break na Destiny Rose in 2016. Nasundan ’yon ng romcom na Meant To Be, then ang mabigat din role na My Special Tatay, tapos ay magaan na naman na One of The Baes, at ngayon nga ay itong Ang Dalawang Ikaw.

Pero biro nga namin sa kanya, kahit mahirap ang role niya ay may bonus naman siyang palit-ulit na kissing scene sa ka-lovetean niyang si Rita Daniela. Mag-asawa kasi ang role nila dito and they do lots of “mag-asawa” scenes. Natawa naman si Ken at ang sabi pa ay mas game umano si Rita sa mga kissing scenes nila. 

And speaking of Rita, sana daw ay si Rita pa rin ang maka-partner niya—ang ka-loveteam niya for three consecutive projects magmula ng mag-click ang versatile loveteam nila sa My Special Tatay—sa next project niya.

Hindi pa umano siya ready’ng mawalay kay Rita although tanggap naman daw nilang dalawa na hindi sila forever p’wedeng magka-loveteam at gusto rin naman daw niyang mag-grow si Rita sa carer niya kahit hindi siya ang kapareha.

At dahil sa mga iba-ibang range ng acting roles na nabigay sa kanya at nai-deliver niya with flying colors—Mr. Versatility ang binigay naming title kay Ken Chan.

Pero hindi lang pala siya doon versatile. Maging sa pagbi-business, napaka-varied din ng kanyang interests.

Unti-unti na rin kasi niyang pinapapasok ang pagbi-business ngayon at hindi sila magkaka-pareho. Ang common denominator lang ng mga businesses niya, lahat pangarap niyang magkaroon noon. And now that he has the means or capacity to have them, tinutupad niya.

Gaya ng gasolinahan. Bata palang daw siya dream na niyang maging may-ari ng gasolinahan. Ang now he has iFuel. At mukang hindi lang siya basta branch or franchise owner kundi isa sa mga incorporators nito.

May tinayo din siyang kumpanya, along with some friends, kung saan they manufacture and sell low-cost massage chairs na tinawag nilang Aromagicare Massage Chair. Dream din daw kasi niya noon kaso ay di niya afford ang kalahating milyon na price ng mga ito massage chairs noon.

He also partnered with an existing coffee shop in Antipolo, ang Kaulayaw Coffee. It’s his ode naman to his dad’s restaurateur legacy. Bago kasi ito nagkasakit ay may Chinese restaurant business ito at napasara lang nang hindi na nila kayang i-maintain, Hindi na raw bago ang food business kay Ken kung tutuusin. In fact, dahil feeling niya mas gamay niya ito, magtatayo din siya ng sarili niyang café—na bubuksan this October—na tatawagin niyang Café Claus dahil Christmas daw ang concept ng café na ito, where everday is Christmas. Favorite season daw niya kasi ang Pasko.

At di pa doon nagtatapos ang pagka-businessman ni Ken dahil he’s also partnering with the owners of the iconic Tomas Morato restaurant, ang Alfredo’s Streak House, pag nag-open ito ng branch sa Tagaytay. That’s because he loves steak at may nostalgia para sa kanya ito dahil doon daw sila madalas mag-meeting noon ni Kuya Germs noong newbie pa siya sa showbiz.

Nagtataka nga raw ang mga kaibigan niya na kung kailan pandemic ay saka siya nagpapapasok sa business. Ang katwiran naman ni Ken, kung hihintayin niyang matapos ang pandemic ay baka lalong mawala ang opportunities. Lakasan daw ng loob ang pagbi-business at hindi raw siya p’wedeng magpadala sa takot.

Ilan lang iyan sa mga napagkwentuhan namin sa pakikipag-throwback and pakiki-look into the future namin with Ken Chan.

For more about his colorful life, please watch our full interview by clicking the video link/s above.

MORE THIS IS SHOWBIZ EPISODES:

Exclusive: This is Showbiz Episode No. 36: Ricky Davao, kaya daw mag-isa pero wag daw sanang iwan ng mga anak

This Is Showbiz Episode No. 34: Sanya Lopez, inaping extra noon, primetime princess at rater na bida na ngayon

This is Showbiz #33: Kim Molina & Jerald Napoles, never inakalang magiging mga bidahin

This is Showbiz #32 — Meryll Soriano: istorya ng pagiging nanay sa isang teenager at sa isang newborn

This is Showbiz Episode No. 31: Rodjun and Rayver Cruz, magkapatid na, mag-best friends pa

This is Showbiz Episode No. 30: Mikee Quintos at Kelvin Miranda, miss na miss na ang isa’t isa

EXCLUSIVE! This is Showbiz Episode 29: Christian Bables, bokya sa mga artista search noon; multi-awarded actor ngayon

This is Showbiz #28: Getting to know the boy behind the actor Elijah Canlas

FOLLOW US ONLINE: 
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

Tiktok: https://www.tiktok.com/@pikapikashowbiz
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber



This is Showbiz #42: Ken Chan, versatile actor na; versatile businessman pa
Source: Pinoy Ako News

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment