Written and directed by Darryl Yap ang 69+1 na tatalakay sa considered taboo’ng topic about polyamory/trouple.
Provocative ang title, poster, trailer at lengguwahe sa pelikula na siya namang style ni Direk Darryl.
Tila nakakasanayan na sa showbiz na pag gawang-Darryl Yap, paniguradong kontrobersyal ang tema at magti-trigger talaga ng diskusyon. Hindi pa man tapos ang mga diskurso sa Revirginized niya, eto’t may panibago na naman.
Ang k’wento ng 69+1 (na obviously ay referring sa explorative sexual position) ay tungkol sa isang lesbian couple (played by Maui Taylor and Rose Van Ginkel) who wanted to explore new adventures in their seven-year-relationship to spice it up at sa gayon ay maka-iwas sa tinatawag na seven-year-itch or ’yung paniwala na nagkakatabangan ang mga couples after a round of seven years. Si Janno Gibbs ang plus one na taga-spice nila. At sa pagiging threesome nila, doon na papasok ang tunay na twist ng istorya.
Nang ipalabas ang first official trailer nito noong August 7, marami sa more than 4M na nag-view nito ang nagitla sa mapangahas na dialogues ng mga bidang babae. Lalo na sa binitiwang linya ni Rose kung saan sinabi n’yang: “Oo, p’wede mo kaming kant*tin…” at dinugtungan ni Maui ng: “…nang sabay.”
K’wento nga ni Janno Gibbs sa press, during the virtual press conference ng pelikula kamakailan, may pinsan nga daw s’yang nagka-disgusto rin sa trailer.
“Just now, before presscon, kaka-text lang nu’ng isang pinsan ko na ayaw daw n’ya ’yong… Napanood n’ya ’yong trailer,” pagbabahagi ng singer-comedian.
Pero paliwanag n’ya, comedy umano ang movie nila at walang-wala daw ito pagdating sa ka-sexy-han at pagka-daring kung ikukumpara sa iba pang mga pelikula na ipinalabas sa Vivamax at iba pang streaming platforms gaya ng Netflix.
“Unang-una, sa States, sa abroad, wala itong mga ginagawa namin,” ani Janno. “And compared to sa mga ipapalabas at kakapalabas pa lang sa Vivamax, this is nothing compared to what they’re doing. Sila all-out sexy talaga. This [69+1] is a comedy.
“Doon sa mga nabubulgaran doon sa word na ginagamit…e, pag sa English n’yo sinabi ’yon, sa Netflix [films] kung bitawan nila ’yon parang dalawang beses per minute. ‘Hey, what the f*ck is it?’ Oh, F*ck!’ Ano ba ang f*ck sa Tagalog, ’di ba?”
Sey naman ni Maui—na hindi first time gumanap na lesbiyana—palagi naman daw nahuhusgahan agad ang mga pelikulang gaya ng sa kanila kahit hindi pa ito naipapalabas. Sa trailer lang daw kasi bumabase ang mga viewers kadalasan.
“Honestly, kahit ano namang pelikula ang lumabas at feeling nila ay ganu’n ang tema ’yon at ’yon lang din naman ang sasabihin nila, e. Kumbaga, they’ll always have an opinion on how these movies are done,” pahayag ng sexy-drama actress.
Malaya naman daw na makapag-express ang audience sa kanilang views and opinions sa movie pero sana daw ay panoorin muna nila ito para malaman nila ang buong k’wento.
“But honestly, for me, ang masasabi ko lang d’yan is they’re free to judge, they’re free to say whatever it is that they want to say. Pero ’yong sa akin, sana panoorin muna nila ’yong pelikula bago sila magbato ng kung anu-ano.”
“Kasi yan, I think, ’yong nagiging mahirap sa atin ngayon, e. Hindi pa nga napapanood ang dami nang sinasabi,” may halong pagmamaktol na saad niya.
“Ang dami nang lumabas na pelikula ni Direk Darryl na feeling nila hindi maganda, feeling nila may problema. Basta they always say something about Darryl Yap Films. Ang masasabi ko lang d’yan is panoorin n’yo po muna.”
Sa part naman ni Rose, gets naman daw niya na maglalahad talaga ng opinyon ang mga viewers lalo na ’yong mga hindi sanay sa salitang ginamit nila dahil nga may pagka-conservative pa ang karamihan.
“Feeling ko lang, dahil lang siguro doon sa term. Hindi kasi maganda pakinggan… Pero sa totoong buhay ganu’n s’ya talaga. Kumbaga [bastos] lang talaga s’ya sa pandinig,” pahayag n’ya.
Pero pagtitiyak ng aktres, hindi naman daw bastos ang k’wento ng 69+1.
“Itong movie naman po, hindi dahil ’yon ang sinabi [sa trailer] ’yon na lang po ’yong gagawin namin sa buong movie,” ani Rose. “Maganda po ang story nito. Maayos po ’yong pagkakagawa namin. Siguro na ano lang talaga sila sa word na ’yon. Kumbaga, [dahil sa] word na ’yon nagbago na ’yong isip nila. Akala nila hubaran na kami dito o kung ano na’ng ginagawa namin dito.
“Ang sa amin naman po, since alam naman namin ’yong story and lahat, deadma lang po kami,” pagtatapos ni Rose.
Nauna nang sinalag ni Direk Darryl ang ilang netizens sa kumukuwestiyon na naman sa kanya, partikular ang reaksyon ng dalawang ginang na nagtatanong kung paano raw ipapaliwanag ang nilalaman ng trailer sa mga bata.
Ani Darryl sa kanyang VinCentiments Facebook page, wala sa kamay niya ang pag-impluwensya sa mga bata, bagkus ay nasa magulang ito. Ang paghubog umano sa pagiging bukas o sarado ng isipan ng isang bata ay hindi sa kanya naka-salalay.
“[L]ahat po ng pelikula ko, kahit sabihin nyo pang bastos, malaswa o magaspang. [P]ara po talaga sa mga bata ang mga ito.
[P]ara hindi sila lumaking tulad nyo, hipokrito, mapagpanggap, na[g]mamalinis at painosente.
“Samahan nyo ang mga anak nyo sa ganitong panoorin, kayo mismo ang magturo ng tama at mali.
dahil responsibilidad nyo paano magpalaki ng anak— at ang mga desisyon nya sa buhay-kahit siya pa ang may hawak, KAYO ANG PINAKA MAY IMPLUWESYA. [H]indi ako,” litanya ni Direk Darryl.
Patutsadang balik-tanong naman niya sa isa pang ginang, ipaliwanag din daw muna nito sa kanya kung paano maa-access ng mga bata ang kanyang trailer at pelikula.
ito po ang palitan namin ng comment ng isang butihing Maybahay at nag-aalalang Ina— patungkol sa teaser ng #69Plus1 Si…
Posted by Darryl Yap on Sunday, August 8, 2021
Ang maingay na 69+1 ay mapapanood na simula September 3 sa Vivamax.
Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei App Gallery.
Watch all you can on Vivamax for only P149/month and P399 for 3 months for bigger savings. You can also unli-watch for 3 days for only P29.
In Asia, Vivamax is available in Singapore, Hongkong, Malaysia, and Japan; in the Middle East, it’s already available in the UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar; while in Europe, subscription is only 8 GBP/month.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
0 comentários :
Post a Comment