Hindi napigilang maging sentimental ng singer-actress and superstar vlogger na si Donnalyn Bartolome sa kanyang social media post after reaching 14 million followers on Facebook.
Sa kanyang FB and Instagram posts last August 28, binalikan ng Viva artist kung paano s’ya nagsimula at kung ano ang mga kinaharap n’yang issues on her way to where is now.
“‘Iba na talaga ang sikat at mapera, nakakalimot na’ -message ng taong wala naman pake sa’yo noon nung naghihirap ka,” may halong pasaring na panimula ni Donna sa kanyang mahabang post that came with a photo na kuha noong nagsisimula pa lang s’ya sa showbiz.
“Saw this picture sa internet, nagpapaFollow ako sa mga social media ko,” pagpapatuloy n’ya while referring to her photo.
“Mga panahon na wala pa akong pera hahaha! nung puyat puyat tapos angbaba ng TF, nung walang nangangamusta.. nung yung mga taong akala mo susuporta sa’yo, for years and years ni hindi naka-Like sa page mo, hindi nakaSubscribe.. tapos ang ending, for no reason, ikaw ang masamang tao kasi sikat ka na, masarap na buhay mo.”
Aniya, hindi daw nakikita ng kanyang mga bashers and detractors ’yong ipinuhunan n’yang sakripisyo at pagtatiyaga noon para marating ang kinalalagyan n’ya ngayon.
“Ang ‘di nila alam mas madami ka ngayong trabaho dahil angdami mong sinusuportahan, di ka na nakakatulog sa dami ng deliverables, nagpapatingin ka na sa doctor kasi compromised na health mo, syempre di nila alam yun kasi magmemessage lang naman sila pag may kailangan sila sa’yo,” lahad ni Donna.
Pero aniya, natutunan na niyang tanggapin ang mga bashing bilang bahagi ng kultura ng social media. Ang hindi pa rin niya maunawaan at this point ay ’yong mga gumagawa ng k’wento.
“Okay lang naman yun, wala na nga rin po akong time magtampo basta wag ka lang gagawan ng kwento na hindi ka tumutulong sa mga taong wala naman dun nung naghihirap ka kasi ikaw at ikaw tinatawagan hanggang sa huli dahil alam nila ikaw ang laging nalalapitan.”
Sa pagmumuni-muni niya, she realized na maikli lang buhay. Thus, she decided to celebrate herself and her self-worth. Kasabay noon ay ang pagbibigay-tribute niya sa mga gaya n’yang breadwinner.
Aniya, hindi masamang unahin din ang sarili paminsan-minsan. Wala umanong masama kung enjoyin man ang material na bagay na pinaghirapan naman. It’s like a reward for yourself for working hard.
“Kahapon may namatay nanaman na ka-edaran ko, pangalawa na’to so sa mga breadwinners diyan, BUY THAT CAMERA! BUY THAT HOUSE! BUY THAT CAR YOU WANTED FOR YEARS! BUY THAT DRESS OR JEWELLERY! BOOK THAT VACATION!! BUY THAT BAG NA HINIHINTAY MO MAGSALE! BUY THAT PHONE YOU NEED!!” she wrote.
Dagdag pa ng aktres: “Pinaghirapan mo yan at tama sila, hindi mo madadala sa hukay ang yaman mo. Enjoy it while you’re alive! Save up for yourself.
“’Yung pinuhunan mo sa kung anong meron ka hindi lang basta pera- dugo’t pawis mo yan, every centavo katumbas niyan oras sa buhay mo na di na mababalik.
“REWARD YOURSELF. For a moment, LIVE FOR YOURSELF,” pag-e-encourage pa ng tinaguriang Social Media Goddess.
“You’ve been living for others your whole life. Laging iba inuuna mo. Ikaw naman. Do what makes you happy! Do it to inspire others to be happy! Ubos na ubos ka na, magtira ka para sa sarili mo.”
“Iba na talaga ang sikat at mapera, nakakalimot na” -message ng taong wala naman pake sa’yo noon nung naghihirap ka…
Posted by Donnalyn on Friday, August 27, 2021
Matatandaang dumaan sa matinding public judgement si Donnalyn kamakailan dala nang pang-aakusa ng kapwa niya vlogger sa alleged pagpapabaya umano niya sa isang yumaong distant relative.
Tila nakakabangon na from the blow ang singer/actress/vlogger lalo’t napatunayan niyang hindi naman siya iniwan ng kanyang mga taga-subaybay sa iba’t ibang platforms.
And to further celebrate her most recent social media milestone, kahapon, August 30, ay ikinasa na ni Donnalyn ang isang pa-raffle para kahit papaano ay makatulong umano siya sa mga breadwinners na gaya niya at sa kani-kanilang pamilya. Ito na rin umano ang paraan niya para bigyang-pugay sila.
“Breadwinners, I know the bills stress you out, I know you take care of your family without letting the world know, you’re always the one they call when they need something,” aniya sa kanyang social media post.
“I know your story. I know you’re tired but you’re not letting them know ‘cause you know blessings are meant to be shared.. so here’s my share of blessings to my supporters for contributing to all the blessings I was ever given.”
GO TO MY INSTAGRAM NOW BECAUSE I’M SHARING P1,000,000 or $20,000- 6 W in n ers!! THIS IS DEDICATED TO ALL BREADWINNERS!…
Posted by Donnalyn on Monday, August 30, 2021
Para sa detalye ng pa-raffle ng aktres, visit her Instagram account.
Congratulations, Donna!
YOU MAY ALSO LIKE:
Donnalyn Bartolome, high na high sa “BlackPink level” birthday paandar ng kanyang mga fans
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
0 comentários :
Post a Comment