Jinkee Pacquiao, sinagot ang patutsada ni Cristy Fermin sa milyones na halaga ng OOTD niya?

Wala umanong issue ang veteran showbiz writer and TV/radio host na si Cristy Fermin sa worth milyones na OOTD ni Jinkee Pacquiao, ang pinupuna niya ay ang timing ng pagso-show off niya ito at ang kakulangan umano ng sensitivity ng asawa ng Pambansang Kamao sa lagay ng mas nakararaming Pinoy sa gitna ng pandemya. 

PHOTOS: @jinkeepacquiao on Instagram & One PH on YouTube

Wala umanong issue ang veteran showbiz writer and TV/radio host na si Cristy Fermin sa worth milyones na OOTD ni Jinkee Pacquiao, ang pinupuna niya ay ang timing ng pagso-show off niya ito at ang kakulangan umano ng sensitivity ng asawa ng Pambansang Kamao sa lagay ng mas nakararaming Pinoy sa gitna ng pandemya. 

Naging laman ng social media discourse these past days kung gaano kamahal ang suot ni Jinkee Pacquiao nang manood ito sa laban ng mister n’yang si Sen. Manny Pacquiao sa Cuban boxer na si Yordenis Ugás noong August 22. 

Nai-breakdown kasi ng ilang fashion at showbiz sites ang kabuuang amount ng pink ensemble ni Jinkee that day. At ayon sa mga lumabas na report ay umabot daw sa mahigit dalawang milyon ang halaga ang naging OOTD o outfit of the day ng senator’s wife that day. 

Kaya naman maraming netizens ang napataas ang kilay including the veteran showbiz news writer and host na si Cristy Fermin.

Sa online and radio show n’yang Cristy Ferminute last August 24, nagbigay ng kanyang opinyon si Manay Cristy tungkol nga sa halaga ng suot ni Jinkee. 

Aniya, hindi na raw kataka-taka na naba-bash ito sa ngayon ng mga netizens dahil sa pagrampa nito in branded garbs at alahas habang may umiiral na pandemya. Para kay Manay Cristy, insensitive ang naging dating ni Jinkee.

Sa simula ng radio show ay parang kampi kay Jinkee ang tono ng mga sinasabi ni Manay Cristy. Pera naman umano nila ang gamit ni Jinkee sa pambili ng mga branded na bagay at karapatan naman umano nito, bilang galing sa hirap, na mag-level up sa ganap nito sa buhay.

Kasi outfit of the day, mula ulo hanggang paa, branded. Natural lamang ’yon na meron sa kanya na galit ang marami nating kababayan kasi alam kung saan s’ya nagmula,” panimula ni Manay Cristy. 

Pero ang tanong naman, ang isa ba na lumaki sa hirap wala na bang paraan para magbago naman ang buhay? E, kaya naman n’ya, e. Kaya naman n’yang bilhin kahit anong kapritso n’ya,” punto n’ya.

Bumili s’ya ng Louis Vuitton kahit isang truck, pera naman nila ang ginagastos n’ya. Hindi po ito pera ng bayan na ginagamit ni Jinkee Pacquiao para ipang-adorno sa kanyang katawan. 

Pinaghirapan po ng ‘Pambansang Kamao’ ang bilyones nila ngayon sa pakikipagbasagan ng mukha at pakikipagmukmukan ng katawan. Hindi po ito ninakaw na pera kaya kung ganu’n man ang hitsura ni Jinkee, ang OOTD n’ya ay milyon ang halaga, labas na po tayo doon.

At sa puntong ito na nag-iba ang timpla ng sinasabi ni Manay Cristy para kay Jinkee. Ang sa kanya lang, ill-timing ang mga ikinikilos ni Jinkee.

Ito lang ang masasabi ko nang buong-buo at buong katapatan, madiin…Wala lang po sa timing si Jinkee Pacquiao,” diretsong sabi n’ya. 

Wala po siyang pakialam sa pandemya at sa nagaganap sa buong mundo dahil kung mayroon siyang pakialam ay dapat hindi niya inilalantad ang kaniyang kayamanan sa pamamagitan ng kaniyang kagamitan.

Malutong na dagdag pa ni Manay Cristy: “Walang kahihiyan si Jinkee Pacquiao. 

Ang dami-daming nagugutom na pamilya, ang dami-daming walang pambara sa lalamunan patungo sa bituka, ipagpaparadahan mo ’yong lahat lahat ng mga pinagbibili mo, may presyo pa at nasa bahay ka lang,” saad pa n’ya. 

Hindi ka naman lumabas kaya wala kang kahihiyan. Wala ka sa timing. Hindi ka marunong umunawa ng sitwasyon ng mundo ngayon,” pagtatapos ni Manay Cristy.

Sa kanya namang Facebook post kahapon, August 26, ay muling nag-post ng kanyang OOTD photos si Jinkee kasama ang caption na tila patama sa mga nanenegahan sa nag-viral n’yang suot sa laban ni Manny. 

Ani Jinkee: “Some people have so little going on in their lives, they would rather discuss yours. 

“Remember, people only rain on your parade because they’re jealous of your sun and tired of their shade.

“God is good all the time!”

Umani ng suporta si Jinkee mula sa kanyang online followers. At bagama’t wala s’yang pinangalanan sa nasabing post, ilang online followers n’ya ang humula na para kay Cristy Fermin ang post n’yang iyon.

YOU MAY ALSO LIKE:

Cristy Fermin, niresbakan si Kris Aquino dahil sa panlalaglag daw kay Mr. Fu: “Magdi-dildil ako ng asin ‘wag ka lang makasama dahil sa pananakit mo sa mga kasama at kaibigan namin…”

Agot Isidro urging Jinkee Pacquiao to have “konting sensitivity man lang” over luxury bicycles post draws mixed reactions

Agot Isidro reiterates her point on her Jinkee Pacquiao call out; Jinkee responds saying luxury bikes were just gifts

Lolit Solis, aminadong posibleng na-i-miscommunicate kay Cristy Fermin ang pag-ayaw umano ni Kris Aquino kay Mr. Fu; dahilan para mag-back-out si Cristy

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment