Hindi raw inaasahan ng Kapuso star na si Ashley Ortega na sa pagsisimula pa lang ng GMA Primetime series na Legal Wives ay mapapansin na ang acting niya at magti-trending siya sa Twitter dahil sa kanyang ginagampanang character bilang si Marriam, ang cunning na pinsan ni Farrah (Bianca Umali) na may gusto rin kay Ismael (Dennis Trillo) kahit may tatlong asawa na ito.
Ani Netizens, magaling daw palang umarte ang young actress na tila ngayon lang napapansin.
“Well actually, hindi ko po in-expect ‘yon,” masayang lahad ni Ashley sa ginanap na online mediacon para sa mga renewing artists ng GMA Artist Center.
“Even actually sa Legal Wives, I wasn’t really part of the original cast also. Bigla na lang akong tinext during pandemic na, ‘Ash, there’s a role for you. Nakuha ka for Marriam.’ So, I was, ‘Okay, sige po.’ Pero support role. Sabi ko, ‘Okay, I’ll do it.’
“Noong nag-air na, hindi ko naman in-expect na maa-acknowledge pala ng mga tao nang sobra…na maaapektuhan sila sa character. Of course, sobrang natuwa ako.
“And even ’yung production, they we’re greeting me. Karamihan din ng mga tao, they would send me praises. Sobrang grateful ako do’n.”
Maging ang director na si Zig Dulay at ibang cast daw ay binati siya.
“Kinausap din ako ni Direk and some other artists, they congratulate me and you know, it touched my heart. Kasi, hindi ko naman in-expect lahat ng ’yon.
“Ginagawa ko lang naman ang trabaho ko and then suddenly, biglang malaking break na ’yon for me.”
Aniya, unexpected blessing talaga sa kanya ang pagkakasali sa Legal Wives.
“And do’n ko na-realize na sa mga past months, I was so stressed, wala akong trabaho and hindi ko alam kung saan ako pupunta, nagbunga naman siya eventually.”
Kahit daw intimidated siya sa mga bigating artista ng teleserye—gaya nina Dennis Trillo, Andrea Torres, Bianca Umali, at Alice Dixson—ay pinilit niyang ibigay ang best niya.
“I love the character of Marriam. Kinausap ako ni Direk na kailangan ko raw laruin. Sineryoso ko ang character ko and lalo na ’yung mga kasama kong artista, mga bigating artista, sobrang na-intimidate ako sa kanilang lahat but eventually, they helped me also.”
Aniya, inilagay na lang niya sa isip niya na hindi siya magpapatalo para ma-motivate ang sarili. And it worked.
“Ginamit ko silang motivation. Sa isang eksena, kasama ko ang mga bibigatin, s’yempre, hindi rin ako nagpatalo. Sabi ko, hindi ako pwedeng lamunin nito, so naging challenge rin siya for me.
“So, ’yun, kaya siguro nag-stand out si Marriam, palaban siya,” natawang sabi niya.
Ang hashtag para sa mga renewing artists ng GMA-7 na kinabibilangan nga ni Ashley ay #signedforstardom. Dahil dito, natanong namin si Ashley na kung palaban siya sa Legal Wives, ano naman kaya ang kaya niyang gawin para sa sinasabing “stardom.”
“I’ll do whatever it takes to get there,” palaban ding sey niya. “I love what I do. I love my craft and I know I’m good at what I’m doing. May tiwala ako sa Artist Center kung anong klaseng image ang ibibigay nila sa akin.
“I’ll do whatever it takes. Handa akong gawin ang kahit na ano. I wanna grow as an actress. I wanna gain more knowledge. Ang tagal ko na rin artista, I wanna do mature roles but it doesn’t mean also na kapag mature role, kailangan daring.
“As long as napatunayan ko na rin sa sarili ko na kaya ko palang makipagsabayan sa mga bigatin, so why not, ’di ba? Do more edgy works and gain more experience. So, I’m willing to do whatever it takes.
“Kung ano man ang ibibigay sa akin ng Artist Center, pagbubutihin ko naman to get there,” pangangako niya.
At sa muling pagpirma niya ng kontrata sa Kapuso network, nasabi ni Ashley na sa tantiya niya magiging Kapuso na siya forever.
“S’yempre, ever since I started my showbiz career, I was already here in GMA and ten years na po ako sa kanila.
“I grew up here and kahit naman sobrang tagal ko na dito, they would always give me projects. Kahit hindi man teleserye na regular, there will still be Magpakailanman, guesting. Palagi naman po silang nagbibigay sa akin ng work so I always feel safe and I feel that this is my home and I also learned that I love what I do.
“Noong pumasok po kasi ako sa showbiz, hindi ko naman in-expect na ito pala ang magiging career path ko all the way. Pero, eventually, dahil sa tulong nila, tulong ng acting workshop, tulong ng Artist Center, I was able to grow as an artist and I was able to gain a lot of knowledge and ’yun, thankful lang ako sa lahat.
“I feel like I will forever be a Kapuso.”
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Trending-sa-acting Legal Wives star Ashley Ortega, handa raw gawin ang lahat for stardom
Source: Pinoy Ako News
0 comentários :
Post a Comment