Kris Bernal, muling sinagot ang mga isyung attitude problem, pagpapataas ng talent fee, at pakikipag-negotiate na sa iba habang may kontrata pa sa GMA: “Walang katotohanan po ’yon.”

Wala daw katotohanan ang bali-balitang may attitude problem at nagpapataas ng talent fee ang aktres na si Kris Bernal kaya hindi na ni-renew ng GMA Network ang contract n’ya.

Sinabi n’ya ito sa kanyang latest vlog entry entited BREAKING MY SILENCE ON THE RUMORS ABOUT MY SHOWBIZ CAREER na in-upload last August 22 sa kanyang YouTube Channel.

Aminado si Kris na naging masakit sa kanya ang hindi ma-renew sa TV network na pinagtatrabahuhan n’ya for 13 years pero naka-move on na daw s’ya doon.  

“My contract with GMA expired last March 2020,” pagre-recall ng StarStruck Season 4 graduate. “So, matagal s’yang proseso and I finally got the memo ng mga July [or] August na hindi na ako ire-renew, na walang network contract na offer, na walang guarantee contract na offer. And then naging question din s’ya sa akin. 

“It’s been a year. Naka-move on na din ako,” pagpapatuloy n’ya. “But during that time talaga, ang sakit-sakit lang lahat kasi ang tagal ko na sa GMA, ’di ba? Anyway, of course, may pandemic, may pinagdadanan tayo, I totally understand.”

Paglilinaw pa n’ya sa vlog, wala daw s’yang sama ng loob sa Kapuso network. 

Hindi talaga ako nag-hold ng grudges sa GMA. Totoo ’to ha. Wala talaga. As in, malinis,” lahad n’ya.

Kahit nga noong wala na s’yang contract sa TV network ay nagpaalam pa rin daw s’ya sa mga network executives ng GMA para gumawa ng teleserye sa TV5.

“I was able to talk to my bosses and before doing the soap [opera] sa TV5, the Ate ng Ate ko, talagang pinaalam ko ’yon,” ani Kris. “I made sure na wala akong mababangga, wala akong masasaktan na tao, wala akong maaagrabyadong tao.

Pagbibida pa n’ya, never naman daw s’yang tumanggi sa mga ibinibigay na trabaho sa kanya.  

S’yempre, ako naman, pag binigyan ako ng trabaho tatanggapin ko talaga. In all fairness, hindi ako mapili sa trabaho. Wala pa akong tinanggihan na soap [opera] or any guestings,” aniya.

Siguro minsan nakakatanggi lang ako pag ’yong wala na akong tulog kasi kailangan ko magpahinga. Pero parang bilang lang sa daliri kung ilang beses ’yon.

Nilinaw din n’ya ang mga lumabas na balitang may attitude problem daw s’ya kaya binitiwan na s’ya ng dati n’yang management. 

“It’s all over social media nga the reason why I was not renewed because [may] attitude [problem] daw ako. Nagpapataas daw ako [ng talent fee]. May contract pa daw ako pero gusto ko daw lumipat [ng ibang TV network],” sey ni Kris. 

Ako na…manggagaling na sa akin…walang katotohanan po ’yon,” pagdidiin n’ya. 

“In all honestly, wala akong maalala na nag-attitude ako. I come on time. I study my scripts. I do my job. I did my hundred percent all the time, hundred percent performance. Buong-puso at kaluluwa ang binibigay ko sa bawat character sa bawat show.”

Hindi rin daw totoo na nagde-demand s’ya ng mas mataas na talent fee. 

“And regarding sa nagpapataas ako [ng talent fee], wala ring katotohanan ’yon,” paliwanag pa n’ya. “Actually, when my contract expired, sabi ko, ‘Sige, kahit babaan n’yo na [ang talent fee ko] or kahit ano lang po. Kahit magkano lang po.’ I’m after, you know, doing shows because acting is my passion.

“More than the monetary… S’yempre, lahat naman tayo gusto maghanap-buhay lalo na ngayong pandemic. Ang dami ring nawalan ng trabaho. At talagang agawan kayo sa trabaho. I’m after the fact that I love acting,” lahad pa ng aktres. 

Gusto kong umarte. Gusto kong magbigay buhay sa characters na binibigay sa akin. And gusto ko pang mag-improve. Gusto kong manalo ng awards.”

Hindi naman daw s’ya maselan sa mga projects kaya kahit ano tinatanggap n’ya para may kitain dahil magsisimula na din kasi s’yang bumuo ng sarili n’yang pamilya. 

“So, s’yempre, kesa maghintay ako na mabigyan ako ng project with my home network, kailangan ko magtrabaho. S’yempre lahat tayo ngayon alanganin, ’di ba? 

Saan tayo kukuha ng source of income lalo na, ’di ba, ikakasal na din ako? I’ll have a family of my own so s’yempre kailangan ko din mag-ipon. Kaya tumanggap lang din talaga ako ng projects.”

Sinagot din n’ya ang bali-balitang sinubukan n’yang lumipat ng TV network habang may contract pa s’ya sa GMA. 

“No, that’s not true,” sagot ni Kris sa issue. “I’ll be honest, there was a time when my contract expired and a different network reached out to me, ’yon lang. Pero hindi s’ya umabot na nag-contract signing, na nag-close ng deal. Walang ganu’n. 

“And nangyari lang ’yon nu’ng nag-expire na ’yong contract ko. As in, malinis na malinis. Pero never…never ko ginawa na while I was in contract with them lumalapit ako sa iba…nagbabakasakali ako? 

“Never kong ginawa ’yon. Maniwala kayo. Hindi ko gagawin ’yon. Hindi ako ganu’ng klaseng tao. Hindi ako bastos. Ang laki-laki ng respeto ko to my home network. They took care of me for more than 13 years. Even with my previous management, GMA Artist Center, alagang-alaga ako. Wala po akong reklamo. 

Dagdag pa n’ya, “At sila ang nagtupad ng pangarap ko na maging artista. ’Yong mga shows ko puro bida [ako]. Magaganda ang mga projects, ang mga roles na binibigay sa akin kaya very, very, very thankful ako sa GMA. Malaki ang utang na loob ko kaya hinding hinding hindi ko magagawang siraan and I have nothing to say na masama sa kanila.

Malungkot man sa pagiging freelancer n’ya sa ngayon dahil walang katiyakan ang mga dumarating na projects ay thankful na din daw si Kris na may mga opportunities pa rin na kumakatok sa kanya. 

“As a freelancer, medyo nakakalungkot din,” pag-amin n’ya sa vlog. “Pag freelancer ka, nagre-rely ka lang din sa mga projects na dumadating sa’yo. Kumbaga, there’s no guarantee na may kikitain ka. So, it’s per project. 

Mahirap s’ya kasi kung ano lang ’yong dumating…lalo na ngayon na tight din ang competition pag dating sa mga projects. So, ako talaga, tumatanggap lang ako and very thankful ako every time I get guesting o project, kahit online ’yan, I’m very appreciative pag dating sa mga ganyan. 

Basta ako binibigay ko lang talaga ’yong hundred percent best ko.

’Yon naman daw ang ipinagdadasal n’ya mula nang mag-expire ang contract n’ya sa GMA. 

“Ever since my contract expired, talagang hindi nawala sa prayers ko na, ‘Sana, Lord, may mga dumating pang trabaho sa akin,’” pagbabahagi pa ni Kris. 

Kahit wala akong exclusive contract to any network, sana may dumating pang trabaho kasi, in all fairness nga, may mga dumadating nga kahit maliliit lang, kahit konti lang.

At present ay nasa pangangalaga si Kris ng talent manager na si Arnold Vegafria

May mga nakalinya na din daw s’yang projects pero hindi pa n’ya p’wedeng idetalye ang mga ito.

YOU MAY ALSO LIKE:

Kris Bernal, aminadong nag-self-doubt nang hindi ni-renew ng GMA-7 ang kontrata niya

Pa-flooding ni Kris Bernal ng mga sexy birthday pictures sa socmed, self-tribute daw panangga sa mga bansag na “Pandak, Anorexic, Butiki, Kawayan…”

Kasal nina Kris Bernal at Perry Choi, sa September na; sasagutin ang gastos sa swab tests ng 100 na dadalo

Kris Bernal, pinutakti na naman ng mga body-shamers

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment