Habang sinusulat namin ang piyesang ito ay maayos na ang kalagayan ng aktor na si Arjo Atayde at nakakausap na siya ng pamilya. Kaya hindi totoo ang balitang kumalat sa mga group chats ng mga taga-showbiz na malubha na umano ang aktor at naka-intubate na.
Ang basa namin kung bakit napagdesisyunan ng magulang niya na pababain na ng Baguio si Arjo ay dahil may trauma pa rin sila dahil sa nangyari sa kanila noong Abril 2020 kung saan isa ang mag-asawang Sylvia Sanchez at Art Atayde sa mga naunang dinapuan ng moderate COVID-19 sa mga taga-showbiz at ilang linggo ring nanatili sa ospital.
Ang mga sintomas na naramdaman ni Arjo ay kapareho umano ng sa inang si Sylvia na barado ang ilong at masakit ang buong katawan kaya nataranta ang pamilya. Hindi ito tumakas base sa naging pahayag ng Regional News Group-Luzon Facebook page noong August 17.
Iniwas ni Arjo na makahawa kaya kaagad na siyang bumaba ng Manila at dumiretso ng hospital kung saan pumila siya.
Ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa RNG: “Nag-positive ’yung isang grupo na nagsu-shooting dito, ’yung grupo nila Mr. Atayde.
“They committed to us na magkakaroon sila ng bubble, pero di nangyari. Nagkataon pala na may mga tao sila na umuuwi sa lugar, at pagbalik, hindi nagtri-triage.
“Tapos ’yung monthly testing na commitment nila, hindi nagawa. So, eto nangyari ngayon. There are ten people sa grupo nila ang nag-positive.”
Habang sinusulat namin ang balitang ito ay ka-chat namin ang isa sa mga film producers na kausap ang mga sinasabing iniwan umano ni Arjo at sinabing pabalik na sila ng Manila at didiretso sila sa isang hotel quarantine site.
Sabi pa nito, madalas daw magpa-test ang buong staff at mga artista ng produksyong pag-aari rin ni Arjo, ang Feelmaking Productions, Inc., kaya wala umano silang nilabag sa ipinatutupad na health protocols ng IATF, taliwas sa napabalita.
In fact, isa sa agad na nagtanggol kay Arjo ang co-star nito sa sinu-shoot na pelikula sa Baguio na si Hashtag Nikko Natividad. Sa ipinost nito sa kanyang Instagram account ngayong araw, August 18, sinabi niyang: “napaka buti at alaga ni Arjo sa aming lahat kaya paano sasabihing inabanduna? Hindi ganu’n tao si @arjoatayde.”
Kilala rin namin nang personal ang aktor at batid namin kung gaano siya ka-generous na tao kaya sigurado kaming wala siyang pinabayaang tao sa team niya.
At base sa inilabas na official statement ng Feelmaking Production head na si Ellen Criste, sinisiguro nilang nakikipag-ugnayan na sila sa pamahalaang lungsod ng Baguio para maisa-ayos ang lahat.
“We have provided assistance for nine others who tested positive for COVID-19 but are asymptomatic and are currently in quarantine,” the statement, in part, reads. “We have likewise coordinated with the local officials for the necessary safety protocols.
“The Atayde family has reached out to Mayor Benjamin Magalong and we assure him and the people of Baguio that we will comply with our commitments to the City. We are grateful for the opportunity to shoot in their beautiful city and apologize for whatever inconvenience that this unfortunate incident may have caused.”
RELATED LINK: Arjo Atayde, isinugod na sa ospital sa Maynila matapos magka-COVID sa Baguio City
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Hashtag Nikko Natividad, pinabulaanang inabanduna sila ni Arjo Atayde sa Baguio
Source: Pinoy Ako News
0 comentários :
Post a Comment