Naging bahagi ng Part 2 ng YouTube interview ni Karen Davila sa mag-asawang Heart Evangelista at Governor Chiz Escudero—na ginanap sa bahay ng mag-asawa sa Quezon City—ang pagpapakita ni Heart kay Karen ng ilan sa mga paintings nitong naka-display sa kanilang bahay.
In recent years, nakilala rin ang Kapuso actress ang fashion icon bilang isang mahusay na pintor. Naisantabi niya sandali ang pag-hone sa talent na ito noong nagsisimula siyang gumawa ng pangalan sa showbiz. Pero nang muli niya itong binalikan ay hindi na napigilan si Heart until makapag-mount na ng ilang solo exhibits. Pati ang pagpipinta niya sa mga luxury bags ay nagkaroon na ng clientele, so to speak. Commissioned work, kumbaga.
Kasabay ng pagpapakita ni Heart ng mga paintings kay Karen ay ang pagri-reveal din niya ng mga presyo nito na mula daang libo hanggang sa milyon kada piraso.
“It was an accident, you know I just stopped thinking on what I needed to do with my career so I started to paint,” lahad ni Heart kung bakit sa kabila ng kabisihan niya sa kanyang showbiz career ay nakakapag-pinta pa rin siya.
Ipinakita ni Heart ang bagong collection niya ng painting na iba’t-ibang mukha ng babae. Kilala si Heart bilang artist na mahilig gawing subject ang mga kababaihan.
At ang bagong collection nga raw ng paintings niya ang magiging laman ng collaboration niya sa Incubus member at visual artist din na si Brandon Boyd.
“So that’s part of my schedule when I go to L.A. We’ll have limited prints of my painting.”
(Obviously, naganap ang interview ni Karen sa mag-asawa bago pa umalis si Heart papuntang U.S.A. para sa meeting nila ni Brandon. Ngayon ay nakabalik na sa bansa si Heart at naghahanda ng muli para sa ikalawang lock-in taping sa teleserye niyang I Left My Heart in Sorsogon.
Inamin ni Heart na malaki ang kinikita niya sa mga paintings niya. Lalo na raw sa mga luxury bags na pinapa-paint sa kanya.
“Yes, I get a lot, a bulk of my ipon [from my paintings],” lahad niya. “Especially with bags. But I stopped it. I want it to be a limited edition. But I earn a lot. A lot of my expenses, like my bags, came from my paintings,” pag-amin niya.
“Kasi it started with ‘Don’t touch your savings. You can only spend your painting money.’ That was what motivated me. So, I was like, I have to save more. I really enjoyed it.”
Ang latest painting ni Heart na isang set at binubuo ng three panels ng painting na puro mukha ng babae ay umabot daw ng isang taon ang pagkaka-pinta niya.
Marami na rin daw siyang natatanggap na tawag sa mga interesadong bumili nito, pero sabi ni Heart, “I think it’s just so much time and effort that I can’t part [with it].”
Nang tanungin kung magkano raw ang presyo ng isang set ng painting na ‘yun ni Heart kung sakali: “This would be about six million.”
“Isipin n’yo yun?” gulat na reaksyon ni Karen. “She really earns a lot, guys!”
Nabanggit din ni Heart na kabilang na ang ilan sa mga art pieces niya sa itinuturing na NFT o ’yong uso ngayon na non-fungible token.
Ang NFT, base sa inilabas na artikulo ng Los Angeles Times, “is like a certificate of authenticity for an object, real or virtual. The unique digital file is stored on a blockchain network, with any changes in ownership verified by a worldwide network and logged in public. That means that the chain of custody is marked in the file itself permanently, and it’s practically impossible to swap in a fake.”
Sabi ni Heart sa ipinakitang painting niya: “This is for sale because this is gonna be part of NFT. NFT is like bitcoin, but painting. They sell like digital arts. You can either get bitcoins when they pay you or you can get dollars.
“This one I can’t sell because whoever ends up buying it, the painting goes to them. Some artists what they do, after they sell the digital painting, they destroy the original painting. It’s a different world.”
At p’wede raw umabot hanggang three million dollars o higit pa ang presyo ng mga painting niya sa NFT market.
“Just being part of the NFT group and what they do, it’s already a privilege. If no one buys it, I can keep the painting and one day I can sell it.”
Sa mga paintings pa nga lang ni Heart, wala pa ang mga kinikita niya sa pelikula, telebisyon, endorsements, at social media platform, kayang-kaya na niyang masunod ang anumang luho niya sa katawan.
Nang tanungin kung magkano na ngayon ang worth ng paintings niya, naging tapat naman si Heart sa pagsasabi na: “Siguro my lowest… like in bags, when I paint on a bag, it’s about P200,000.”
’Yong painting na kasama sa NFT, kung hindi raw ito parte ng kahit na ano, p’wedeng ang pinaka-mababang presyo na niya rito ay nasa “P600,000.”
“I recently sold a painting for 3M (three million). Yeah. That’s cool,” natatawang sabi ni Heart.
Biniro naman ito ni Karen na, “Sana hindi mo pinang-shopping lang.”
“No. That 3M is gonna be saved because I overdid my spending. So, save na ’yun,” tsika naman ni Heart.
YOU MAY ALSO LIKE:
Heart Evangelista at Chiz Escudero, nilinaw kung bakit sila may pre-nuptial agreement
Heart Evangelista, purnadang maka-hobnob si Song Hye-kyo ng Descendants of the Sun sa Paris
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Presyo ng mga paintings ni Heart Evangelista, P200K to 3M pala ang halaga!
Source: Pinoy Ako News
0 comentários :
Post a Comment