
PHOTOS: @javibenitezzz on Instagram
Base sa naging Instagram post ng Kapamilya actor na si Javi Benitez ngayong araw, September 21, tila may pahiwalatig ito na susundan na n’ya ang yapak ng amang politician and businessman na si former congressman Albee Benitez.
Mukhang papasok na rin sa mundo ng pulitika ang 26-year-old promising Kapamilya star na si Javi Benitez.
Sa naging Instagram post n’ya kasi ngayong araw, September 21, may pahiwalatig ito na tila susundan na n’ya ang yapak ng amang politician and businessman na si former congressman Albee Benitez, the man behind Brightlight Productions na nagpo-produce ng ilang TV shows sa Kapatid network gaya ng Sunday Noontime Live!, Oh My Dad, Lunch Out Loud, and Rated Korina.
Tila sa papasuking bagong karera ibubuhos ni Javi ang kanyang mga natutunan mula sa kanyang ama at sa Santa Clara University sa California kung saan s’ya nagtapos sa kursong Political Science.
“We will be a government that won’t be reactive but proactive. A government that puts public consultation as a top priority and a government that is for all,” pahayag n’ya sa kanyang IG post kalakip ang series of photos n’ya na nagsasalita sa podium
Makikita rin sa background n’ya ang tarpaulin bearing his name na Javi Benitez and the year 2022.
Pag-a-address pa n’ya sa kanyang mga kababayan sa Victorias City, Negros Occidental, “Sa akon nga mga kasimanwa nga Victoriahanons, the time is now.”
Wala namang nabanggit ang aktor sa kanyang post kung anong local government position ang tina-target n’ya pero base sa mga nagko-comment ay tila pagka-alkalde iyon.
Todo-suporta naman ang nobya n’yang si Sue Ramirez sa kanyang desisyon.
“SO PROUD OF YOU, MY LOVE,” sey ni Sue sa comment section ng IG post ni Javi.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Actor and political scion Javi Benitez, nagpahiwatig ng pagsabak sa pulitika
Source: Pinoy Ako News
0 comentários :
Post a Comment