
Kaka-upload lang ni Aiko Melendez ng panayam niya sa self-proclaimed “Sawsawera Queen” na si RR Enriquez sa kanyang YouTube channel, ay heto at malapit ng mag-200k views at kulang 200 comments.
Na-refresh ang memory ng publiko tungkol kay RR Enriquez nang “sawsawan” niya ang issue ng pamamahiya publicly ni Manay Lolit Solis sa noo’y alaga pa niyang si Mark Herras. Sa online show kasi ng talent manager na Take It Per Minute, May Gan’un ay ibinisto niya sa kanyang mga co-hosts na sina Cristy Fermin at Mr. Fu na umuutang umano ng P30K ang alaga niyang si Mark para umano “pambili ng gatas.” Kasabay ng revelation ay ang pagtalak niya sa alaga na nawalan umano ng motivation na pagbutihin ang trabaho kaya umabot sa ganoong estado.
Hindi nagustuhan ni RR ang pamamahiyang iyon ni Lolit kay Mark hindi dahil kaibigan niya si Mark. Ni hindi nga raw sila close nito. Hindi lang umano niya maiwasang hindi mag-comment tungkol dito sa kanyang social media.
Pero dahil showbiz personality pa rin naman si RR, kung kaya’t na-pick up ng mga showbiz sites, gaya ng pikapika.ph, ang kanyang statement.
Umabot na din sa puntong sinagot siya ni Lolit sa kanyang show at sinabing siya nalang umano ang magbigay ng P30K kay Mark tutal ay naaawa pala siya dito.
At tila naaliw na si RR kung kaya’t siya na ang nag-declare sa sarili niya bilang sawsawera queen to give license sa next issue na gusto niyang comment-an.
And that happened to be the Paolo Contis-Yen Santos-LJ Reyes epic love triangle angle.
Pinuri niya ang pag-ako ni Paolo sa pagkakamaling nambabae noon. Pero hindi niya pinalampas ang tila pang-aabsuwelto nito kay Yen Santos sa issue. Aniya, umako nalang din, hindi pa tinodo. Nag-komentaryo din siya sa Baguio sightings sa dalawa. Aniya, bilang babae rin siya, hindi siya basta sasama sa isang lalaki sa malayong lugar kung hindi rin lang niya “type” ito.
At eto na siya ngayon, guest na sa vlog ni Aiko para ipaliwanag kung bakit siya sumasawsaw.
In that interview, buong ningning na inamin ni RR kay Aiko na kaya siya sumasawsaw sa bawa’t isyung mainit na pinag-uusapan sa social media ay dahil sa kawalan niya ng ginagawa. Hindi raw kasi siya busy kaya’t ito ang napagtutuunan niya ng oras.
Kung iisipin ay tila kainggit-inggit pala ang sitwasyon niya dahil boredom lang ang problema niya. Hindi gaya ng mas nakararami na problema kung paano itatawid ang maghapon sa kawalan ng pagkukunan ng pantustos sa pamilya at sa mga bayarin.
Though inamin din naman niya kay Aiko na may mga problema ding dumating sa kanya—lalo nu’ng nakaraang taon—nang magsara ang isang branch niya ng Rejuva Aesthetics & Laser Center dahil sa pandemya.
“To be honest may mga nagsara na, but praise God bago mag-pandemic nakapag-launch ako ng Cryolipo Coffee,” k’wento ni RR. “’Yun ang nag-boom talaga and my other businesses. [Pero] like ’yung Rejuva sa Cavite nagsara na kasi hindi na kaya. Itong Timog [Quezon City branch], medyo bleeding kasi talagang hindi ano…”
Natawa si Aiko sa terminong “bleeding” dahil nga nakilala si RR na mali-mali mag-English pero aniya ay sinasadya raw niya ito dahil marami umanong natutuwa sa kanya.
Nagsimula si RR sa showbiz ng pinag-guest siya ni Direk Bobot Mortiz sa Goin’ Bulilit ng ABS-CBN.
“Tapos natawa siya sa akin kasi nakita niya parang eengot-engot ako!” sambit ng dalaga.
“Ever since naman noong bata ako gusto ko talagang nagpapatawa. Mahilig akong mag joke-joke ng English na ‘yun talaga ang forte ko but that doesn’t mean na hindi talaga ako marunong mag-English kasi nakapag-aral naman tayo at basic sa Philippines ang English, di ba? I know naman but I’m not eloquent.”
“Ay ang daming baon, eloquent,” pa-beking sundot ni Aiko.
“Nakapag-aral naman ako sa private school,” patuloy ni RR. “Pero alam mo ’yun, mas inuna ko pa ang paglalandi. So, hindi ko na-perfect pero hindi tayo engot.
Hanggang sa napunta siya sa Wowowee show ni Willie Revillame noon sa ABS-CBN dahil ipinakilala siya ni Direk Bobot kay Willie.
“Sakto naghahanap siya [Willie] ng model, e, hindi ako marunong sumayaw talaga kaya tuma-tumbling lang ako. Wala namang step-step na ganu’n. Tapos si Kuya [Willie], pinagsasayaw niya ako kasi natatawa siya ang tigas daw ng katawan ko. So, ginagawan niya ng katatawanan,” balik-tanaw ni RR.
Hanggang sa nagkasunud-sunod na ang mga shows niya tulad ng Reputasyon, kung saan sila naging close ni Aiko. At nagkaroon din siya ng hosting job sa Studio 23 at napasama rin sa ilang shows ng TV5 tulad ng Happy Wife, Happy Life at The Amazing Race Philippines.
Nagtayo siya ng negosyo nang hindi na siya aktibo sa showbiz at sinuwerte naman siya sa larangang iyon magpa-hanggang ngayon.
At dahil okay naman ngayon ang bago niyang negosyong kape at may mga staff naman siyang nag-aasikaso kung kaya’t hindi siya gaanong busy. Napag-diskitahan niya tuloy “sawsawan” ang mga nababasa niyang showbiz issues sa social media.
“Sis, natatawa ako sa’yo kasi pina-follow kita, may post ka dito na ’yung gusto mo lang um-attend ng MET Gala kaso ang sumundo si Kamatayan, charot, sawsawera pandemic. Bakit, Sis?” tanong ni Aiko.
“Sis, wala tayong magawa sa buhay,” kaswal na pag-amin ni RR. “At least ikaw, busy ka. Ang dami mong mga ginagawa. Pero ako although I have a business pero may mga staff din na gumagawa.
“Wala talaga akong ginagawa sa buhay ko, Sis. Kaya parang naging hobby ko na talaga ang maging sawsawera, tsismosa alam mo ’yung ganu’n?”
Sundot naman ng aktres cum vlogger: “Pero hindi mo naman pinagkakakitaan. Bakit hindi ka maging talk show [host]? ’Yung vlog mo, Sis, baka puwede namang ano, di ba? Mag-vlog ka na rin. At least pinagkakakitaan mo yang pagiging sawsawera mo.”
“’Yun na nga, Sis, gusto ko nang mag-vlog, decided na ako. Gagawa ako ng sarili kong show. Nakita ko ’yung mga set-up mo, e, sosyal! Bigla akong napa-atras. Parang ayaw ko na. Ang sosyal ng vlog ni Aiko,” saad niya sa viewers habang nililibot ng tingin ang mga cameramen ni Aiko.
Samantala, natanong ni Aiko si RR tungkol sa aktor na may initials na MH na bahala na raw ang manonood na manghula kung sino. Tila tine-training na tuloy ni Aiko na maging talk show host si RR.
“Oh my gosh, official sawsawera! Ha-hahaha!” humalakhak na sabi ni RR.
(Hindi naming ma-get kung bakit gumamit pa sila ng initials samantalang nakalantad naman sa social media ni RR na si Mark Herras iyon).
“Naawa ako kay MH at hindi ko siya close friend,” pag-uulit ni RR sa naipaliwanag na niya sa social media.
“Although nakasama ko siya dati kasi friend ko ’yung ex niya, e. Kumbaga, naawa ako kasi ang daming artista, marami akong kilalang artista na talagang super down talaga ngayong pandemic.
“Especially nu’ng nagkaroon ako ng coffee business, may mga natutulungan kami kahit paano. So, alam mo ’yung hindi lahat ng nasa showbiz me pera especially pandemic. Kahit nga sobrang sikat…may kilala ako, Sis, sobrang sikat niya…” pambibitin pa ni RR.
“May pa-blind item ka pa, the new sawsawera queen!” natatawang sakay ni Aiko.
Isa pang tinanong ni Aiko kay RR ay tungkol sa mga entities na may initials na PC at YS na naging laman din ng social media commentary ni RR.
(Base sa Instagram sawsaw ni RR, ito ay sina Paolo Contis at Yen Santos).
“Ay ’yung pinaka-latest na pinost ko? Actually, nu’ng pinost ko medyo nag-trending din kahit paano,” may halong pagmamalaking say ni RR.
“Anong medyo, nag-trending talaga. Ano’ng view mo ro’n, ano’ng masasabi mo bilang official sawsawera ka na? Ano ang damdamin mo sa dalawa?” sunod-sunod na pangpo-provoke ni Aiko.
“Sa truth lang tayo, ayokong mam-bash pero base sa post kasi, oo bina-base natin kasi sa post ni PC.
“Wow, okay na sana kasi hindi naman lahat ng lalaki ina-admit nila ’yung kasalanan nila, di ba? Ang sablay ’yung Number 4 kasi ipinagtanggol niya ’yung YS,” diin ng negosyante.
Ang Number 4 na sinasabi ni RR ay ang ika-apat sa maraming puntos na isa-isa at de-numerong nilinaw ni Paolo Contis sa kanyang Facebook post bilang kanyang una’t huling pag-a-address sa issue ng hiwalayan nila ni LJ Reyes. Ito ay may kinalaman sa naging classic line and meme na ngayon na “she (Yen) went there as a friend.”
“Kinompare ko lang ’yung sarili ko na kaming mga babae hindi kami sumasama sa lalaki kapag hindi namin type!” muling paliwanag ni RR kay Aiko sa laman ng kanyang social media comment.
At sinang-ayunan naman ito ni Aiko, “Totoo naman yan.”
May part two pa pala ang interbyuhang Aiko at RR. May bago na kaya siyang nasawsawan bago ito mai-upload? Mapangatawanan kaya ni RR ang pagiging sawsaw queen?
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
RR Enriquez, aminadong walang magawa kaya “naging hobby ko na maging sawsawera, tsismosa…”
Source: Pinoy Ako News
0 comentários :
Post a Comment