Fans dub Kisses Delavin’s catwalk as “miracle walk”


During the swimsuit competition ay ibinida ni Kisses ang kanyang well-toned abs habang suot ang red-orange two-piece bikini. Dito rin unang nasilayan ang kanyang pasarela na tinawag ng kanyang fans bilang “miracle walk."

PHOTOS: Miss Universe Philippines

During the swimsuit competition ay ibinida ni Kisses ang kanyang well-toned abs habang suot ang red-orange two-piece bikini. Dito rin unang nasilayan ang kanyang pasarela na tinawag ng kanyang fans bilang “miracle walk.”

Pinag-usapan sa social media ang naging performance ng actress and aspiring beauty queen na si Kisses Delavin sa preliminary competition ng ongoing Miss Universe Philippines (MUP) 2021 beauty pageant. 

Kasunod ito ng pagti-trending n’ya few days ago sa kanyang rampa in her Lapay-inspired national costume sa video na ini-release ng MUP organization last September 23. 

Kagabi, September 26, nagpasiklaban ang Top 28 candidates sa pre-recorded Miss Universe Philippines 2021 preliminary swimsuit and evening gown competitions na ginanap sa bagong gawang terminal ng  Clark International Airport sa Mabalacat, Pampanga. Naka-stream naman sa KTX.ph ang buong preliminary competitions. 

During the swimsuit competition ay ibinida ni Kisses ang kanyang well-toned abs habang suot ang red-orange two-piece bikini. Dito rin unang nasilayan ang kanyang pasarela na tinawag ng kanyang fans bilang “miracle walk.” Marahil, the fans are alluding to her Boy Abunda interview kung saan sinabi niyang ilang beses siyang nag-agaw-buhay dahil sa mga sakit na dengue (twice) at viral encephalitis na nagpa-comatose sa kanya noong bata siya pero milagrong nalampasan niya ang mga iyon. 

Nagningning din ang pambato ng Masbate in her royal blue Louis Pangilinan gown sa evening gown preliminary competition. 

Ikinatuwa naman ng kanyang mga tagahangga ang naging transformation ng former PBB housemate and now beauty queen aspirant. 

At present ay nasa Panglao, Bohol na mga kandidata ng Miss Universe Philippines 2021 para sa grand coronation ng pageant on September 30 na gaganapin naman sa Henann Resort Convention Center.

Ang magwawagi sa prestigious beauty contest ay kokoronahan ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo at kakatawan sa bansa sa upcoming Miss Universe 2021 pageant na idadaos sa bansang Israel later this year.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber



Fans dub Kisses Delavin’s catwalk as “miracle walk”
Source: Pinoy Ako News

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment