Maggie Wilson at Victor Consunji, hiwalay na pero nanatiling magka-ibigan


December 18, 2010 nang mag-isang-dibdib sina Maggie at Victor sa isang beach wedding ceremony in Misibis Bay sa Albay.

Photos: @wilsonmaggie

December 18, 2010 nang mag-isang-dibdib sina Maggie at Victor sa isang beach wedding ceremony in Misibis Bay sa Albay.

Pagkatapos ng mahigit isang dekadang kasal nina dating beauty queen (Binibining Pilipinas World 2007) Maggie Wilson at negosyanteng si Victor Consuji, nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang pagsasama.

 

Base sa Instagram post ng dating aktres, model at entrepreneur ngayong gabi, September 27, sinabi nitong mas maganda na umano na sa kanilang dalawa na ni Victor manggaling mismo ang paglalahad ng tungkol sa kanilang hiwalayan.

 

Marahil ay inunahan na nila ang sinuman na maaring makapansin nang kawalan ng couple photo posts nila sa kani-kanilang Instagram accounts. February this year pa ang huling post ni Maggie na kasama si Victor, habang September 2019 pa ang kay Victor. Sa ganitong paraan kasi madalas mag-one-plus-one ngayon ang publiko.

 

Sa maikling statement na ipinost ni Maggie, agad niyang klinaro na maayos pa rin ang kanilang relasyon kahit hiwalay na sila. Magka-agapay pa rin umano silang nagpapalaki sa kanilang nag-iisang anak na si Connor, siyam na taong gulang.

 

“We want you to hear it from us directly. Vic and I have made the difficult decision a while back to separate.

 

“It’s been challenging to say the least, but we want you to know that there is no animosity between us.

 

“We will always love and support each other no matter what.

 

“We will always be family as we share our beautiful son, Connor, together.

 

“We have remained really good friends and partners and will continue to do so.

 

“Both of us want nothing more than for each other to be happy.

 

“We’d like to ask for your kindness, understanding, love and support as we navigate this new chapter in our lives.”

 

 

At dahil happy family ang pamilya Consuji kaya’t walang okasyon na hindi sila magkakasama. Maggie even laid low sa kanyang showbiz career para ituon ang pagiging asawa’t ina sa mag-ama niya.

 

(Huling hosting stint ni Maggie ay ang reality-entrepreneur show na Project GO noong 2020 na ipinalabas sa AXN).

 

Ipinagdiwang din nina Maggie at Victor ang Jurassic Park-themed 8th birthday party ng kanilang unico hijo noong nakaraang taon.

 

Kaya marami ang nagulat sa anunsyong ito ni Maggie dahil walang nabalitaan na hindi na sila okay bilang mag-asawa ni Victor.

 

Samantala, maraming kaibigan at kasamahan sa showbiz ang nagpadala ng mensahe bilang suporta sa pinagdadaanan ngayon ni Maggie. Kabilang dito sina Ruffa Gutierrez, Raymond Gutierrez, Sarah Lahbati, Geneva Cruz, Maxene Magalona, at Iza Calzado.

 

At press time ay umabot na rin sa mahigit 2K ang comments na sa post na ito ni Maggie at mayroon na ring 20K-plus likes.

 

December 18, 2010 nang mag-isang-dibdib sina Maggie at Victor sa isang beach wedding ceremony in Misibis Bay sa Albay.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber



Maggie Wilson at Victor Consunji, hiwalay na pero nanatiling magka-ibigan
Source: Pinoy Ako News

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment