
PHOTOS: @lycagairanod.1 on Instagram
Kahit daw kasi dinala na ni Lyca Gairanod ang kanyang lola sa napanalunan niyang bahay na nasa loob ng isang subdivision ay umaalis pa rin ito at bumabalik sa bahay nila sa tabing-dagat. Kaya nag-desisyon si Lyca na ibenta ang bahay at lupa at bumili bagong bahay na malapit sa lola niya.
Ang pagmamahal sa kanyang Lola Ledesma Epe ang nagtulak kay Lyca Gairanod para ibenta ang house and lot na napanalunan n’ya sa first edition ng The Voice Kids Philippines way back in 2014.
Ito ang ikinuwento n’ya kay ABS-CBN broadcast journalist Karen Davila nang maging guest s’ya sa vlog nito na in-upload sa YouTube noong August 14.
Kinumusta kasi ni Karen si Lyca sa kanyang hometown sa Tanza, Cavite na hindi pala n’ya iniwan matapos s’yang manalo at sumikat sa nasabing singing competition.
“Opo naman kasi s’yempre po ano, e…parang nandito pa rin ’yong puso ko,” lahad ni Lyca kay Karen. “Ang sarap lang din po kasi balikan nu’ng childhood mo.”
Si Lyca ay nakilala sa The Voice Kids bilang ang talented na batang rumaraket bilang mangangalakal ng basura. In between ay kumakanta siya para sa mga tao, na in turn ay binibigyan siya ng pera.
Pagre-reveal pa n’ya, ibinenta na daw n’ya ang napanalunan n’yang bahay at lupa na nasa loob ng isang subdivision sa General Trias, sa Cavite pa rin. At ang pinagbentahan nu’n ang ipinangbili ng bahay na malapit sa kanyang lola na ayaw iwanan ang bahay ng pamilya sa tabing-dagat.
“Binili ko na lang po ’tong bahay na ’to para mas malapit sa lola ko. Kasi ’yong lola ko ayaw po umalis doon sa bahay namin, e. Gusto n’ya daw po doon,” pahayag ni Lyca.
Maging s’ya man daw kasi ay nami-miss din ang simpleng buhay sa kanilang community sa tabing dagat .
“Parang gusto ko po ng ganitong life. Masaya po,” aniya. “Ayoko po kasi nu’ng tahimik [na neighborhood], ’yong wala po akong naririnig na ingay.”
Marami na rin din daw silang memories ng kanyang pamilya sa napanalunan n’yang bahay pero mas matimbang daw sa puso nila ang kanyang lola.
“’Yong bahay naman na po na ’yon pinahalagahan ko po s’ya. Talagang marami akong memories na binuo sa house na ’yon,” sey pa ng Viva recording artist.
“Para po kay lola kasi gusto n’ya po kaming makasama. Kesa naman po malayo kami. Pero dinala po namin s’ya sa house na ’yon kaso umuwi. Umuwi po s’ya. Ayaw po n’ya daw doon.
“Ang tahimik daw po kasi. Pero ako po, minsan lang po ako sa bahay na ’yon.”
Dagdag pa n’ya, malaki na din ang ipinagbago ng buhay nila ngayon mula sa dating pangangalakal ng basura
“Talagang malaki ang nabago sa life ko after The Voice Kids,” lahad ng young singer.
“Sobrang daming pinagdaanan, sobrang daming journey ang nangyari sa akin that time. Ngayon, parang mas okey-okey po ’yong life ko ngayon.”
Mas matapang na din daw s’ya sa buhay ngayon.
“Kasi kahit ano pong [sabihin] sa akin ng mga tao, kahit sabihin nila na walang mararating ang pangarap ko…wala. Wala akong pakialam,” saad ng paganda nang pagandang 16-year-old.
“Minsan tama sila, napapansin nila. In-improve ko lang po kung anong napapansin nila sa akin.”
Patuloy din daw s’yang thankful kay Popstar Royalty Sarah Geronimo na nagsilbi n’yang coach sa The Voice Kids dahil sa mga naituro nito sa kanya.
“Ang dami ko pong natutunan sa kanya. Ang dami n’ya pong lessons na binigay sa akin.
“Palagi daw po akong magti-thank kay God at ‘wag ko daw pababayaan ’yong family ko. And ipagpatuloy ko lang po kung anong meron ako,” pagtatapos ni Lyca.
Sa ngayon ay abala rin Lyca sa pagiging YouTube vlogger at mayroon na siyang mahigit 1.51 million subscribers as of last count.
Last June lang ay nag-release din s’ya ng kanyang single na “Akala Ko Ba” under Viva Records.
YOU MAY ALSO LIKE:
Pika’s Pick: The lovely Lyca Gairanod is dropping her debut single under Viva Records tomorrow
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Lyca Gairanod, ibinenta ang napanalunang house and lot sa The Voice Kids para mapalapit sa lola
Source: Pinoy Ako News
0 comentários :
Post a Comment