Pinatotohanan ng baguhang Kapuso actress na si Athena Madrid na talagang generous ang kanyang Kuya Ruru kapag tumutulong ito sa kanilang pamilya at sa mga kaibigan nito.
Nahingan kasi s’ya ng reaction during the virtual media conference kahapon, September 21, para sa teleseryeng To Love And To Hold sa ginawang prank call ni Buboy Villar sa kanyang kuya.
Recently kasi ay kinatuwaan ng mga Netizens ang pagiging generous ni Ruru nang i-prank ito ni Buboy at kunwaring uutangan ng Php250,000 para sa bibilhin kunong sasakyan.
Sagot ni Ruru kay Buboy, kakausapin daw n’ya ang kanyang mga magulang para sa halagang hinihiram nito.
Nang iniyak-iyakan na siya ng Kapuso comedian, inakala ni Ruru na talagang seryoso si Buboy sa panghihiram ng pera kaya inalok na lang n’ya ito na bibigyan ng Php150K at hindi na n’ya umano ito kailangang bayaran.
Natawa na lang ang Lolong lead actor nang malamang pina-prank lang pala s’ya ng kaibigan.
Ipinost ng isang netizen ang naging usapan nina Buboy at Ruru sa TikTok na s’yang napanood at kinaluguran ng viewers.
Ruru Madrid inutangan Ni BUBOY VILLAR Ng 250k? Part 2 https://ift.tt/2Z3mEjA Full video https://ift.tt/3kT6UHI
Posted by Funny moves on Monday, September 6, 2021
At pinatotohanan nga ni Athena na hindi raw talaga issue sa kanyang Kuya Ruru ang pera.
“Si kuya kasi ’yong… Hindi dahil kapatid ko s’ya pero nakikita ko sa kanya na parang wala s’yang paki-alam sa pera talaga, e,” pahayag n’ya sa press.
“Pag meron kang gusto, bibilhin n’ya. Hindi lang dahil kapatid n’ya ako pero sa lahat talaga ganu’n s’ya. Sobrang generous n’yang tao.”
Pakiramdam daw ng Kapuso actress ay walang naiipon ang kanyang kuya dahil sa pagiging mapagbigay nito.
“Feeling ko baka wala nga s’yang ipon, e. Hahaha! Sa sobrang generous n’ya baka wala s’yang ipon,” natatawang saad n’ya.
At the virtual conference, natanong din namin si Athena kung generous din bang magbigay ng advice sa kanya si Ruru especially noong bago s’ya sumabak sa lock-in taping.
“Ang natandaan ko lang…sa sobrang daming advice na binigay n’ya sa akin… ’yong lagi ko daw isipin na may gagawin akong scene lagi ko daw isipin na last ko na ’yon para mabigay ko daw ’yong best ko,” pagre-recall ng StarStruck Season 7 graduate.
Hindi naman daw naging madali para sa kanya ang sumabak sa lock-in taping. Hindi daw kasi s’ya sanay na mahiwalay sa family n’ya nang matagal.
“Baby girl pa po kasi ako, e. Hindi pa ako sanay mawalay sa mom ko, sa dad ko or sa mga kapatid ko,” pag-amin ng aktres. “Dumating ako sa point na umiiyak ako. Quarantine pa lang iyak na ako nang iyak.”
At dahil baguhan nga sa industriya, na-pressure din daw s’ya sa mga bigating mga artista na kasama n’ya sa show.
“Sobrang nakaka-pressure, nakaka-frustrate kasi ’yong mga kasama kong aktor dito ay sobrang gagaling. Na-pressure po ako but sobrang thankful po ako sa kanilang lahat kasi hindi nila pinaramdam sa akin ’yon,” pahayag ni Athena.
Ipinagpapasalamat naman daw ng Kapuso actress na kahit showbiz newbie s’ya ay sa big project s’ya napasama at pang-primetime pa.
“Sobrang nakakataba po talaga ng puso kasi baguhan pa lang ako pero hindi nila binalewala kung anuman ang talent na nakikita nila sa akin,” saad n’ya.
“Binigyan nila ako ng chance para mapakita sa ibang tao kung anuman ang talento na meron ako. Sobrang thankful po ako sa opportunity na binigay sa akin ng GMA,” pagtatapos ni Athena.
Aside from Athena, kasama rin sina Luis Hontiveros, Valeen Montenegro, Ina Feleo, and more sa Kapuso primetime series na kinatatampukan nina Carla Abellana, Max Collins, at Rocco Nacino.
Mapapanood ang To Love And To Hold simula sa Lunes, September 27, sa GMA Telebabad.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Pakiramdam ni Athena Madrid, hindi nakakaipon ang kanyang Kuya Ruru dahil sa pagka-generous nito
Source: Pinoy Ako News
0 comentários :
Post a Comment