Rico Blanco, gusto sanang maging PBB Housemate pero baka daw maging pasaway


Kung papasok daw si Rico Blanco sa “Bahay ni Kuya,” ay magpi-free concert daw siya everyday sa loob.

Photos: @ricoblanco100

Kung papasok daw si Rico Blanco sa “Bahay ni Kuya,” ay magpi-free concert daw siya everyday sa loob.

Singer-songwriter na si Rico Blanco was tasked to rearrange the “Pinoy Ako” Pinoy Big Brother theme song that was originally sang by Orange and Lemons band. When he did so, pinalitan na rin ang tittle to “Pinoy Tayo.” 

Ang rearrangement ay bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng PBB Season 10, called PBB Kumunity.

Sa ginanap na virtual single launch for Rico, kasama niya ang ABS-CBN music creative director na si Jonathan Manalo, who’s incidentally celebrationg his 20th year in the music industry. Kaya ayon kay Rico, dedicated na rin ang rearrangement sa work anniversary ng kaibigan.

Balitang open to celebrities din ang  bubuksang new season ng PBB, kaya naman natanong si Rico kung game din ba sa kanyang maging housemate? 

Kaagad naman siyang um-oo at binanggit pa ang magiging kontribusyon niya.

“They’re gonna get a free concert every day,” aniya . “In fact, they might kick me out. They might want to kick me out kasi, ‘Ang ingay naman niyan. Bakit ba tugtog nang tugtog ‘yan, kanta nang kanta? I-evict na nga natin ‘yan.’”

Pero may kundisyon umano siya bago pumasok kung sakali: “Kailangan ko lang magpaalam sa mga artist na mina-manage ko. Magpaalam lang ako nang maayos. Kasi meron tayong mga artists na mina-manage. Let’s just say wala ’yun. I think that would be interesting.”

Dagdag info pa ni Rico, napag-usapan na nila ang topic na ito minsan among his family members at biro daw ng mga ito ay malamang na maging pasaway na housemate siya kung sakali.

“My relatives would ask, ‘Ikaw, kung papasok ka? Ay, wag na lang ikaw kasi makikipagsagutan ka kay Kuya.’

“Magpapaliwanag daw ako. Hindi ako magpapatalo. Kaya ako, ‘Oo nga wag na lang ako.’ Maybe not me. Sige wag na lang,” natatawang kuwento pa ni Rico.

YOU MAY ALSO LIKE:

OPM artists to pay homage to Rico Blanco with the “Rico Blanco Songbook”

Focus | Rico Blanco lives for change

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber



Rico Blanco, gusto sanang maging PBB Housemate pero baka daw maging pasaway
Source: Pinoy Ako News

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment