
Inamin ng promising actor na si Sean De Guzman na muntik na daw s’yang magpakamatay noon dahil sa naranasang n’yang depression.
Nagaganap ang pagbabahagi ni Sean ng madalim na bahagi na ’yon ng kanyang buhay during the virtual media conference upcoming movie na Bekis On The Run, na bagamat comedy ay tumalakay pa rin sa ilang mga issue kagaya ng desperation.
At the virtual con, natanong ang mga cast members ng pelikula tungkol sa kanilang past experiences kung kailan masasabi nilang nasubok talaga ang kanilang mental health.
Kuwento ni Sean, naranasan umano n’yang ma-depress three years ago at umabot daw ito sa puntong gusto na n’yang magpakamatay.
“Way back 2018 na-depress ako,” panimulang lahad ni Sean. “Dumating na ako sa point na nag-attempt na ako ng suicide.”
Iyon daw kasi ’yong panahong nagpatung-patong na ang mga problemang kinaharap n’ya.
“Dumating na din sa point na pinapa-doktor na ako dahil sa sobrang naghalo-halo na lahat ng problems ko—financially, sa family, sa babae,” pagpapatuloy ng walang-filter na binata.
“Parang naghalo-halo na and then ’di ko na kinaya. Ayon ’yong parang pinaka-down na moment sa buhay ko.”
Napaglabanan naman ni Sean ang lahat sa tulong na rin ng mga mahal niya sa buhay. At ngayon ay matangumpay niyang naitataguyod ang sarili at ang pamilya matapos malagpasan ang unos na yon.
Pero bago iyon ay dumanas pa rin siya nang maraming pagsubok.
Nikuwento nga n’ya sa amin, sa exclusive virtual interview namin sa kanya a few months back, na maging ang pag-aartista ay muntik na niyang sukuan dahil kailangan na n’yang maghanap ng stable na pagkakakitaan para matustusan ang needs ng family n’ya. Siya na rin kasi ang tumatayong breadwinner ng kanyang pamilya, na unfortunately ay isang ring matatawag na “broken home.”
Maka-ilang beses na daw kasi silang sumubok ng mga ka-grupo n’ya sa boyband na Clique 5 sa mga acting auditions sa showbiz pero panay rejections lang daw ang nakukuha nila.
“So, nandu’n na ako sa point na sawa na ako sa rejection and sumuko na ako talaga,” pag-amin ni Sean sa amin. “Sabi ko, ‘Hindi para sa akin itong path na ito, itong way na dinadaanan ko.’”
Nag-decide na siyang i-give up ang kanyang showbiz dreams at mag-pokus nang maghanap ng stable na pagkakakitaan.
“Dapat mag-a-apply na ako sa Starbucks…sa isang establishment,” lahad sa amin ni Sean sa amin. “May resume na akong hawak. Nagpagawa na ako then kinabukasan mag-a-apply na ako kasi nga pandemic.
“As a breadwinner of the family ako lang ’yong inaasahan. Ganu’n ’yong nasa isip ko nu’ng time na ’yon na, ‘Kailangan ko nang magtrabaho. Hindi na p’wede ’yong ganito na naka-petiks lang ako.’”
But he gave it one last try.
“Binigyan ko ng isang pagkakataon ’yong sarili ko na sabi ko, ‘Last na talaga ’to.’ Ayon, nabigay naman [sa akin]. Nabigay naman ni Lord,” saad ng aktor.
Matapos mapasali sa movie na Lockdown starring Paolo Gumabao as supporting cast member ay nagsunod-sunod na ang projects ni Sean.
Bumida s’ya sa pelikulang Anak ng Macho Dancer at napasama din sa movie na Nerisa ni Cindy Miranda kung saan una niyang nakatambal si AJ Raval.
Nito lang August 27 ay nagsimula na ding ipalabas ang streaming hit na Taya sa Vivamax, kung saan muli s’yang nagbida kasama si AJ.
And starting tomorrow, September 17, isang bagong pelikula ni Sean, together with Kylie Verzosa, Diego Loyzaga and Christian Bables, ang mapapanood sa Vivamax. Ito ang Bekis On The Run na idinirek ni Joel Lamangan.
Sa mga nakakaranas ng kagaya ng mga naramdaman ni Sean De Guzman, maaaring humanap ng makakausap o kaya ay kumonsulta ng libre sa @konsulta.md na nakikipagtulungan sa mental health organization ng beauty queen-actress na si Kylie Verzosa na @mentalhealthmattersph.
Just dial (02) 7798 8000 and then press 1 for FREE mental health assistance.
Maaari ding maghanap ng iba pang suicide hotlines gaya ng Hopeline PH.
Samantala, mapapanood ang Bekis On The Run on sa streaming app Vivamax na available sa web.vivamax.net. Puwede ring mai-download ang Vivamax app para makapag-subscribe through Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.
Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings.
You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.
Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Sean De Guzman reveals he attempted suicide in 2018
Source: Pinoy Ako News
0 comentários :
Post a Comment