Sitsit ng isang paru-parung ligaw, may isang pulitiko na kumakandidato sa isang di-hamak na mas mataas na posisyon sa gubyerno ang namakyaw ng parking slots sa isang itinatayong condominium building sa isang Metro Manila city.
At ang pamamakyaw nito ay naganap daw in the middle of the pandemic habang busy ang bayan sa paghahanap ng ikabubuhay dahil sa dami nang nawalan ng trabaho.
Nagtataka ang mga naka-amoy sa secret negotiation na ito between high-position aspirant at ng developer ng condominium building dahil inubos na raw ni kandidato ang lahat ng slot. Saan daw kaya kinuha ang budget?
“Ang tarush ni candidate, negosyante pala at inihanda na niya ang kanyang future kasama ang buong family kapag nawala na siya sa puwesto niya ngayon at kapag hindi rin siya nanalo bilang alam mo na?” tsika ng aming paru-paru source
Mura daw nakuha ang mga parking spaces dahil k’yemeng promo price ang deal nila ng developer. But still.
In fairness passive income ito dahil for sure kapag natapos na ang building at puno na ng tenants/owners ay walang choice kundi kukuha ng parking slot kay kandidato dahil lahat naman halos ng nagko-condo ay car owners din. Saka niya ngayon papatungan.
Ang sugapa ah!
At si developer, hindi fair ha. Kawawa naman mga future unit owners doon. Wala silang kamalay-malay na ngayon palang, nararaket na sila.
“Buti nalang, muka namang walang chance manalo [sa eleksyon],” hirit pa ng aming source. “Or else, baka next time, buildings na ang kolektahin niya.”
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Kilalang pulitiko, namakyaw ng parking slots ng isang itinatayong building
Source: Pinoy Ako News
0 comentários :
Post a Comment