Balewala na raw kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang mga natatamong pambu-bully dahil sa kanyang mayamang dibdib.
Ito ang inilahad n’ya sa Part 2 ng kanyang vlog na Pia Life Update: Finally Answering Your Questions! na in-upload sa YouTube last October 1.
Isa kasing fan ang nagtanong sa actress-turned-beauty queen on how does she cope when being bullied because of her being well-endowed.
“Wala, nasanay na ako,” deadpan na sagot niya, “There will come a time in your life where what other people think or what they say about you or how you look like won’t matter anymore.”
At dahil hindi na nagma-matter, hindi na rin siya naa-affect nito.
“It matters more when you’re young. Affected ka sa mga bagay and you feel like…wala. Parang you care too much on what other people think,” paliwanag pa n’ya.
“But as you get older, you start being more confident with yourself. But you know, you have to accept yourself and love yourself. You’ll stop caring about they say. Sa akin importante talaga ’yon.”
Natutuwa nga daw s’ya na sa panahon ngayon ay may mga nagsusulong na ng inclusivity at body positivity dahil magkaka-iba nga naman ang body type ng bawat tao.
“Ang maganda kasi sa panahon ngayon may body positivity na, ’di ba? So ’yong mga pambu-bully na ginagawa sa atin nu’ng mga bagets pa tayo hindi na p’wede ngayon. Kasi may ‘cancel culture’ na. Hindi na p’wede,” lahad pa ng Filipino-German beauty queen.
“At very inclusive na tayo ngayon. So, buti naman…na hindi ma-experience ng next generation na mabu-bully sila dahil sa katawan nila or for being blessed.”
Napa-throwback pa nga nang slight si Pia sa panahong nahihiya daw s’ya sa pagkakaroon ng malulusog na hinaharap.
“Nu’ng bata pa ako, I went through two back braces. Meron ako nu’ng matigas talaga na parang bakal. May ganu’n ako nu’n. Sa bahay ko sinusuot kasi palagi akong nakabayukos. Kasi nga nako-conscious ako sa katawan ko,” pagre-recall n’ya.
“Tapos meron din ako nu’ng malambot na nakatago sa ilalim ng uniform ko. So, bago ako magsuot ng uniform sa school isusuot ko s’ya…para mag-upright na ganu’n [ang posture]. Ang hirap. Ang hirap talaga kasi napaka-uncomfortable n’ya,” pagpapatuloy n’ya.
“Tapos feeling mo, ‘Bakit ba ako may suot na ganito?’ Ang init-init pa sa school tapos naka-ganu’n ka. Uncomfortable talaga. Tapos nang-aasar pa ’yong mga kaklase mo. Tapos hindi ka makapag-P.E. nang maayos kasi pagka jumping jacks na hindi mo maitaas ’yong kamay mo. Ay sus. Naranasan ko na lahat ’yan.”
Kaya naiintindihan n’ya daw ’yong mga babaeng nako-conscious sa kanilang dibdib at pilit na itinatago ’yon pero ang likod at posture naman nila ang nagsa-suffer.
“So, ang tendency, ’di ba, sa mga big girls like us, parang gumaganu’n tayo [nagiging kuba] o nagsusuot na lang tayo ng mga damit na super covered,” aniya.
Pero nagbago na nga daw ang perspective ni Pia pagdating sa ganitong bagay.
“Pero I just learned na, ‘Bakit mo itatago? Ipinanganak ka nang ganyan. Why would you be ashamed of something you were born with?’” pagdidiin n’ya.
Ngayong hindi na s’ya insecure sa kanyang figure ay saka naman daw s’ya nakaka-receive ng mga messages mula sa mga taong nao-ooffend sa kanyang hinaharap.
“Hanggang ngayon nakakakuha pa rin ako ng mga messages na offended sila sa katawan ko dahil may boobs, may cleavage, ganyan,” pagtatapat n’ya. “Sa akin lang kasi ganito, I don’t understand how somebody gets offended by something that I was born with? Di ba?”
Kaya payo n’ya sa mga babaeng may kapareho n’yang sitwasyon, huwag magpa-apekto sa sinasabi ng ibang tao tungkol sa katawan nila.
“Kaya ladies, for girls who are blessed like me, ’wag kayong magpa-apekto. I feel you. I’ve been through that also. I feel you. But I don’t let it bother me anymore. Kebs ba. Blessed ako ni Lord. Hahaha!” natatawang sabi ni Pia.
“Blessing ’yan, e. Asset mo ’yan. Actually, lagi din ’yon sinasabi sa akin nu’ng bata pa ako. ‘Ano ka ba? Asset mo ’yan.’
“Noon, hindi ko pa talaga maintindihan. Iniisip ko na, ‘Huh? Baka curse? Hindi ito blessing. Ang hirap kaya magsuot ng damit nang hindi ka nagmumukhang malaswa.’ Ganyan, ganyan.”
Dagdag pa n’ya, “But I get it. When you’re young affected ka pa. But as you get older you just have to keep telling yourself, ‘Walang mali sa akin. Walang mali.’ And mahalin mo ’yong sarili mo. Kaya mo ’yan.
Pabirong pahabol pa n’ya, “Dapat gumawa tayo ng community of girls with big boobs.”
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Pia Wurtzbach, wala ng kebs sa mga affected and offended sa kanyang mayamang dibdib
Source: Pinoy Ako News
0 comentários :
Post a Comment