Kahit off-cam, tila ginampanan na rin ng Kapuso actress na si Yasmien Kurdi ang kanyang role sa bago niyang GMA afternoon teleserye na Las Hermanas.
Magkakapatid kasi ang mga karakter nila nina Thea Tolentino at Faith Da Silva at siya ang panganay.
Ani Yasmien, pina-iral na rin niya ang pagiging panganay kahit off-cam dahil siya ang nag-initiate ng move para mas maging close silang tatlo.
“Sa akin kasi dahil first time naming magkakasama, ang ginawa ko agad, after first reading and storycon, nag-create agad ako ng viber group na kami lang tatlo,” masayang k’wento ni Yas.
“Doon kami p’wedeng mag-usap-usap, magtawagan. So, during the time noong quarantine period namin—’di ba, may quarantine kami bago mag-bubble—do’n kami talaga kahit ano, nag-uusap, nagtatawagan at everyday kung ano kinakain namin, sine-share namin doon.
“So, noong nagsama-sama na kami on-screen, parang na-feel namin na ang tagal na naming magkasama dahil nga ang tagal na naming nag-uusap.”
Dagdag input pa niya, p’wede raw paghugutan ng mga panganay sa na anak ang empowered woman role niya sa soap opera.
“I think do’n sa character ko, kay Dorothy Manansala, empowered siya, e,” saad niya. “Kasi, matapang ’yung character ni Dorothy and she’s very independent—pero hindi siya actually independent. Kasi, kailangan niya ang mga kapatid niya para magawa niya ’yong mga bagay-bagay.
“And siya actually ’yung nagba-balanse sa dalawang sisters niya para mabuo kami. Hindi siya papayag na magkawatak-watak ang Las Hermanas.”
Dagdag pa niya: “Ang character ko, parang it represents a panganay. Siya ’yung responsable, siya ’yung ate, siya ’yung laging nag-a-advice, umaalalay lagi sa mga kapatid niya.”
Pero dahil solong anak daw siya in real life, aminado siyang hindi niya masasabing nakaka-relate siya sa character niya sa totoong buhay.
“Hindi ko alam ang feeling ng may kapatid, may kahati na kapatid, may kaaway. Hindi ko po nararanasan ’yon,” pag-amin niya.
“Pero, inobserbahan ko po ang asawa ko at saka mga kapatid niya…paano ba sila mag-away. Minsan nasasabi ko, ‘Ang hirap pala ng may kapatid, ’no?’ I mean, at the end of the day naman, kapatid ’yan, nagpu-forgive naman sila.
“And at the end of the day, family is still family.”
Kamakailan naman, makikita sa YouTube vlog ni Yasmien at sa kanyang social media ang pagpaparanas niya sa kanyang mag-ama na sina Rey Soldevilla at anak na si Ayesha Zara ng buhay probinsiya.
Idea daw niya ’yon, sabi ni Yas. Nag-renta sila ng bahay kubo sa loob ng Camp Jony, isang campsite sa Antipolo na designed for this purpose—para maranasan ng mga taga-siyudad ang simpleng buhay-probinsya.
“’Di ba, ang tagal nga natin sa bahay, pandemic. ’Yung mga kids hindi nakakalabas, so parang gusto ko naman ma-experience ’yung probinsiya life kami ng family ko.
“At the same time, ang saya niya kasi meron siyang trekking part, meron siyang hiking. Tapos, gusto ko rin na magluto kami sa palayok. Alam mo ’yung sinauna?
“Wala lang, gano’n lang ’yung trip ng family ko.”
At sobrang nag-enjoy nga raw ang anak sa naging experience.
Sa isang banda, kung si Yasmien ay solong anak lang, ayaw umano niyang maranasan ng anak na si Ayesha ang maging unica hija. Plano daw nilang mag-asawa na bigyan ito ng kapatid.
Ready naman na daw silang magkaroon ng Baby No.2 lalo pa nga’t malapit ng mag-nine years old ang anak.
“Anytime, In God’s time, ready po,” lahad niya. “Gusto ko pong magka-second baby.”
Gayunpaman, hindi naman daw nila pine-pressure ng asawang si Rey ang isa’t isa.
“Relax lang po, para makabuo,” natatawang pagtatapos niya.
Magsisimula nang mapanood ang Las Hermanas sa GMA-7 afternoon block on October 25.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Yasmien Kurdi, ready nang bigyan ng kapatid ang panganay niya
Source: Pinoy Ako News
0 comentários :
Post a Comment