Jennylyn Mercado is nine-weeks pregnant; Dennis Trillo proposes


Unang napabalitang nagdi-date sina Jen at Dennis noong 2010 pero agad ding naputol ang nabuo nilang relasyon nang maghiwalay sila noong sumunod na taon, 2011. However, after four years, 2015, muling nagka-trabaho ang dalawa sa Kapuso primetime series na The Faithful Husband at dahil dito ay nagkabalikan sila. Sa pagkakataong ito, pinatunayan ng #DenJen reel-and-real love team na totoo ang kasabihang love is sweeter the second time around. 

Photos: screengrabs from Jennylyn Mercado YouTube Channel and 24 Oras

Unang napabalitang nagdi-date sina Jen at Dennis noong 2010 pero agad ding naputol ang nabuo nilang relasyon nang maghiwalay sila noong sumunod na taon, 2011. However, after four years, 2015, muling nagka-trabaho ang dalawa sa Kapuso primetime series na The Faithful Husband at dahil dito ay nagkabalikan sila. Sa pagkakataong ito, pinatunayan ng #DenJen reel-and-real love team na totoo ang kasabihang love is sweeter the second time around. 

“We’re getting married!”

Ito ang sabay na anunsyo ng long-time couple na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado

Naganap ang grand reveal ng dalawa sa virtual interview sa kanila ni GMA reporter Nelson Canlas na ipinalabas sa 24 Oras ngayong gabi, October 29.

K’wento ni Dennis, naging simple daw ang marriage proposal n’ya kay Jen pero tagos naman daw ’yon sa puso. 

“Pano ba natin sisimulan ito?” ngiting-ngiting bungad ni Dennis. “S’yempre gusto ko hindi naman masyadong magarbo. Sa panahon ngayon kailangan maging practical. Ginawa ko ’yong pinakasimple pero at the same time, heartfelt.”

Tsika naman ni Jennylyn, wala daw s’yang kamalay-malay na nag-set up pala ng proposal si Dennis sa ground floor ng bahay nila. 

“Wala akong kaaydi-idea kasi dahil nga hindi ako masyadong bumababa ng bahay, ng first floor,” k’wento ng Kapuso actress. “Pero nu’ng time na ’yon sinabi sa akin ni Dennis na kailangan ko daw bumaba dahil may shoot daw kami ng parang future message sa aming future selves [for our vlog].”

Kinutuban na lang daw s’ya noong nakasalang na sila sa shoot at naging seryoso na daw si Dennis sa kanyang mga linya. 

“Nagkaroon ako ng kutob nu’ng nagsimula s’yang magsalita kasi parang seryoso n’ya akong kinakausap. Tapos lumuhod [si Dennis],” masayang pagpapatuloy ni Jen. 

“Tapos nagulat na lang ako kasi bumukas na ’yong pinto [sa likod]. Automatic [na bumukas], ha. Hindi naman automatic ’yan pero may dalawang tao palang nagbubukas sa likod,” natatawang saad pa n’ya.

Dagdag pa ni Dennis, sa bahay lang n’ya piniling gawin ang pagpo-propose sa kanyang fiancee dahil maselan na daw ang kondisyon nito sa ngayon. 

“Nangyari ’yong proposal dito lang sa bahay dahil maraming mga factors na naging dahilan kung bakit dito na lang ginawa,” paliwanag ng tinaguriang Kapuso Drama King. 

“Unang-una, mahirap lumabas. Tapos sa kondisyon ni Jen ngayon mahirap s’yang makalabas ng bahay dahil meron s’yang pinagdadaanan ngayon na medyo maselan. 

Base sa mga inilahad na clue ni Dennis, dito na natanong ni Nelson si Jennylyn kung buntis ba s’ya. 

“Positive ako,” masayang pahayag ng aktres. “[I’m on my] 9th week.”

Dagdag pa n’ya: “Ang timing n’ya ay nasa taping akong ng Love. Die. Repeat. So, ito ay nangyari two months ago. Doon ko na-feel na parang iba ako, e. Medyo emotional ako, iba ’yong pakiramdam ko.”

Matatandaan na na-blind item pa ang aktres that time dahil may dumating umanong ambulansya sa set ng lock-in taping nila. Nagkaroon daw kasi ng spotting ang aktres noong panahong ’yon  dahil sa kanyang kondisyon. 

Nang mag-anunsyo ang manager niyang si Becky Aguila na maayos ang kalagayan ni Jennylyn at nagpasalamat sa mga nag-alala ay saka lamang nakumpirma totoo nga ang blind item.

Dahil sa mga developments, pansamantalang naantala ang taping ng  kauna-unahang teleserye tambalan nina Jen at Xian Lim.

Sa interview ng 24 Oras, idinagdag ng prized Kapuso actress na matagal na raw nilang hiniling ni Dennis ang bagong blessing na ito sa kanilang buhay.

“Sa tamang oras, sa tamang panahon, sa pagkakataon na ready ka na siguro saka s’ya bibigay talaga sa’yo,” aniya. 

Parehong may anak na lalaki sina Jennylyn at Dennis sa kani-kanilang past relationships – si Calix na anak ni Dennis kay Carlene Aguilar, at si Alex Jazz na supling naman ni Jennylyn sa dati n’yang nobyo na si Patrick Garcia. Kaya hiling ng future husband and wife, this time, sana daw ay babae naman ang maging anak nila. 

“May two boys na kami. So, sana…sana ibigay sa amin ang baby girl,” nakangiting paghiling ni Jennylyn.

Unang napabalitang nagdi-date sina Jen at Dennis noong 2010 pero agad ding naputol ang nabuo nilang relasyon nang mahiwalay sila noong sumunod na taon, 2011.

However, after four years, 2015, muling nagka-trabaho ang dalawa sa Kapuso primetime series na The Faithful Husband at dahil dito ay nagkabalikan sila. Sa pagkakataong ito, pinatunayan ng #DenJen reel-and-real love team na totoo ang kasabihang love is sweeter the second time around. 

Double congratulations, Dennis and Jennylyn!

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber



Jennylyn Mercado is nine-weeks pregnant; Dennis Trillo proposes
Source: Pinoy Ako News

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment