Dahil sa sunod-sunod na pa-blind items sa Instagram, Janus del Prado, may death threat?

Tugon ni Janus del Prado sa isang IG user na nagsabing malapit na siyang ma-tokhang:  “May pa death threat na galing sa kampo nila. Haha! Eto bang mga artistang may ganitong mga fans ang dapat nakikita sa tv at binibigyan ng endorsements. Oh well. I guess kung ano yung idol ganun din ang fans.” 

PHOTO: @janusdelprado on Instagram

Tugon ni Janus del Prado sa isang IG user na nagsabing malapit na siyang ma-tokhang:  “May pa death threat na galing sa kampo nila. Haha! Eto bang mga artistang may ganitong mga fans ang dapat nakikita sa tv at binibigyan ng endorsements. Oh well. I guess kung ano yung idol ganun din ang fans.” 

Bagama’t walang direktang pinangalanan ang aktor na si Janus del Prado sa kanyang sunod-sunod na maaanghang na Instagram posts kahapon, August 23, ay si Gerald Anderson ang agad na hula ng netizens sa gustong patukuyan umano ni Janus, na kilalang malapit na kaibigan at defender ni Bea Alonzo, ex-girlfriend naman ng una.

Akusa ni Janus sa ipinost n’yang quote card, kaya umano nagso-sorry ang isang tao sa pinangalanan n’yang “B” ay para umingay umano ang pangalan nito dahil baka may bago itong show. 

Ang mga posts ni Janus ay nataon pang during the time na umingay sa social media ang laman ng interview ni Gerald kay Boy Abunda noong August 20, kung kailan sinabi nitong willing siyang mag-reach out at mag-sorry kay Bea at sana’y mapatawad siya nito.

Matatandaang naging kontrobersyal ang hiwalayan nina Gerald at Bea noong 2019, kung kailan naakusahan pa ang aktor na nang-ghosting. Moreover, nadamay pa noon ang aktres na si Julia Barretto na siya umanong naging third party sa relaying Bea at Gerald.

Last March 5 nang isinapubliko nina Gerald at Julia ang kanilang relasyon.

“May bagong show ata kaya nagso-sorry kay B,” unang pahayag ni Janus sa Instagram. 

Tanong pa n’ya sa taong nagso-sorry: “Sa amin nila Direk at OMC team di magsosorry at pinag away away mo kami para lang pagtakpan yung kalokohan mo sa set? Bekenemen.”

Sinundan pa n’ya ito ng quote card na naglalaman ng isang babala laban sa mga taksil.

“Never allow anyone back in your life that has tried to destroy you in the past, even if they say they’ve changed,” aniya. “Remember, a snake only sheds it’s (sic) skin just to become a larger snake.”

Tila sarcastic naman ang next quote card post ni Janus na “procedure” umano kung paano ang bukal na paghingi ng tawad.

“Ayan ah ginawan na kita ng kodigo para di ka na nagmumukhang ewan. #sorrynotsorry,” sey n’ya sa kanyang ikatlong IG post. 

Narito ang nilalaman ng “How to Apologize” post ni Janus:

“Take FULL responsibility of your actions without splitting the blame with the other person.

“Sincerely say and mean that you are truly sorry.

“Don’t expect or get mad if the other person refuses to forgive you. You’ve wronged them so they have every right in the world to choose whether to forgive you or not.

“You don’t get to say ‘Move On’. That’s just the way it is.

“Say sorry not just through your words but most importantly through your actions.

“Do it in private.”

Sa kasunod naman n’yang IG post, sinabi n’yang inaatake daw s’ya ng mga trolls dahil sa ginawa n’yang pagpapahanging sa mga nauna n ‘yang posts. 

“Uuuy nagpakawala na siya ng mga bayarang troll. Yung bagong gawa lang ang account. No pic, no followers, following no one. Hwehehe,” patusada ni Janus. 

Naghamon pa s’ya na kung patuloy s’yang atakihin ay baka maisiwalat n’ya lalo ang mga sikreto tungkol sa taong hindi pa rin n’ya pinangalanan.

“Pakawala ka pa baka sakaling tuluyan ko ng mgtapon tong tsaa na hawak ko. Nasa isang drum din ito. #sorrynotsorry,” aniya.

At ngayon araw nga, August 24, may dagdag na isiniwalat ang aktor sa kanyang IG post. 

Sumbong n’ya sa quote card:

“Inaatake na ako ng mga paid trolls nila G&J pero kahit kelan naman wala ako sinabi masama kay J. 

“Sabihan niyo kasi yang pavictim niyong master na wag manipulahin yung mga tao sa paligid niya at pag away awayin para lang mapagtakpan yung milagro na ginawa nila ni P sa set ng MPY.

“Pinagtanggol pa naman namin lahat siya kay B. Muntikan pa tuloy masira ang pamilya ng OMC. Pa FO na eh. Buti naisalba pa. Nyeta ka. #aynapost.”

Nagkanya-kanya na namang hula ang mga Netizens kung sino-sino ang mga tinutukoy ng aktor sa kayang “pa-tsaa.” 

Sey ng ilang netizens, si Gerald at ang nobya n’yang si Julia Barretto daw ang sinasabing G&J sa post habang ang P diumano ay ang actress-turned-beauty queen na si Pia Wurtzbach, na nakasama ni Gerald sa 2018 movie na My Perfect You na s’yang kahulugan daw ng acronym na MYP sa post.

Ang pamilya ng OMC naman daw ay ang friendship na nabuo among the cast members of the movie One More Chance kung saan nagkatrabaho noon sina Bea at Janus. 

Nakuha ding i-post ni Janus ang isang comment na tila nagbabanta sa kanyang buhay.

“[M]alapit kana ma Tokhang Magpaka bait kana Buang!@janusdelprado !” sey ng isang IG user. 

Tugon ni Janus dito: “May pa death threat na galing sa kampo nila. Haha! Eto bang mga artistang may ganitong mga fans ang dapat nakikita sa tv at binibigyan ng endorsements. Oh well. I guess kung ano yung idol ganun din ang fans. 

“Hintayin ko yang tokhang mo ah. Baka tokwa lang yan,” kasa pa n’ya sa babala ng IG user.

At press time ay wala namang reaction sa kani-kanilang social media accounts sina Gerald, Julia, at Pia hinggil sa mga sinabi ni Janus.

YOU MAY ALSO LIKE:

Gerald Anderson expresses frustration over people looking only on celebrities’ mistake, says “’Pag nagkamali, parang maraming nakaabang.”

Gerald Anderson, isinama ang nobyang si Julia Barretto sa gift-giving sa Zambales

Julia Barretto, gusto nang magka-pamilya “next year”?

Dennis Padilla, may tagubilin kay Gerald Anderson

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment