Sharon Cuneta at Rowell Santiago, balik-loveteam partners sa FPJ’s Ang Probinsyano

Balik-tambalan sina Sharon Cuneta at Rowell Santiago sa FPJ’s Ang Probinsyano bilang long lost love ni Presidente Oscar Hidalgo. Ito ay base sa sagot sa ni Megastar sa tanong namin kung gaganap ba siyang kasintahan ng “pinuno ng bansa” sa six-year-old hit show ni Coco Martin.

“Sabihin na lang nating nag balik-love team pero napakahaba ng flashback,” natatawang pambibitin ni Mega. “Kailangan pong abangan ninyo at panoorin. Napakahaba at lalim ng back story namin. So, ’yun lang ang kaya kong sabihin. Baka magalit si Coco.”

Naunang nagtambal at tumatak ang loveteam nina Rowell at Sharon sa pelikulang Friends in Love noong 1983 at nasundan ng Tatlong Mukha ng Pag-Ibig in 1988.

Anyway, touched na touched si Mega sa engrandeng warm welcome sa kanya ng Ang Probinsyano cast, led by Coco, at ng mga ABS-CBN bosses sa pagiging bahagi niya ng FPJ legacy TV series.

Mula pa kaninang umaga, sa pag dating ng Megastar sa ELJ Building sa ABS-CBN ay kaagad siyang sinalubong ni Coco at inabutan ng bouquet of pink and violet roses na ilan sa mga paboritong bulaklak ng aktres.

Naroon din sina TV Production head Direk Laurenti Dyogi; ABS-CBN Chief Operating Officer Ms. Cory Vidanes; at Dreamscape Entertainment head Deo Endrinal.

Bago humarap si Shawie sa media conference ay isinagawa muna ang storycon kasama si Coco at ang team ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Sa tanong ulit namin kung paano siya napa-oo kaagad na tanggapin ang FPJ’s Ang Probinsyano gayong very open naman siya na ayaw sana niya ng teleserye.

“Ang dali lang,” saad niya. “When Tita Cory [Vidanes] sent me a text messages, ‘We’d like to offer you Ang Probinsyano…’ Of course, yes agad.

“And then Coco and we (FPJAP Team), nagka-Zoom kami na meeting and Coco pitched the story to me. ’yung character ko… for me it was a no brainer. Kasi sino ba ang ayaw maging parte ng Ang Probinsyano?”

Bukod daw kasi sa fact na patuloy na namamayagpag ang FPJAP, excited daw siyang maka-trabaho si Coco dahil ito nalang, among the showbiz kings, ang hindi pa niya nakaka-trabaho.

And of course, gusto umano niyang maging bahagi ng isang show na nagbibigay-tribute at nagpapatuloy ng legacy ng nasirang movie legend na si FPJ.

Although aminado si Sharon na mangangapa siya sa pagte-teleserye dahil matagal na siyang hindi nasalang. Buti nalang daw at nabalitaan niyang maayos sa schedule ang FPJAP team.

“Ang nerbyos ko lang parang ‘Oh my God, paano kayang gumawa ng teleserye na every day?’ Sanay ako movies, di ba? Though I have a teleserye before pero iba s’yempre na seryosong drama tapos Kapamilya.

“So, ang laki-laki ng papasukin kong teleserye kasi it’s been number one for six years. So, no brainer for me. Oo agad, it was so easy for me [to decide] na inspite of the lockdown, inspite of malalayo na naman ako sa pamilya ko…

“My family actually is very excited for me,” patuloy niya. “They are very excited to see me in the show.  So, ang buong household namin, hindi lang ang pamilya ko, pati mga kasambahay. So, sobrang thrilled ako to be part of this.”

Aniya pa, apart from Coco and Rowell, excited daw siyang maka-reunite onscreen ang iba pang cast members na lahat umano ay may konek sa buhay niya gaya nina Tommy Abuel, Jaime Fabregas, Lorna Tolentino, John Estrada, at Rosanna Roces.

“Halos lahat kaibigan ko, na nakatrabaho ko na noon o nakasama sa KAPP (Kapisanan ng mga Artista sa Pelikulang Pilipino at Telebisyon). Lahat may kuneksyon ako. Parang nakakapagtaka na in a very nice surreal way,” pagtatapos ng Megastar.

Samantala, patuloy na gumagawa ng kasaysayan ang FPJ’s Ang Probinsyano sa ikaanim na taon nito bilang ang unang Pinoy teleserye na ipinalabas sa YouTube, kung saan paulit-ulit nitong sinira ang sarili nitong live viewership record na umabot sa all-time high na 162,831 concurrent viewers.

Nagkamit na rin ito ng higit sa 100 awards mula sa iba’t ibang award-giving bodies, at patuloy na sinusundan sa labas ng Pilipinas—gaya sa mga bansang Vietnam, Myanmar, Laos, Thailand, at 41 bansa sa Africa—sa pamamagitan ng Netflix at The Filipino Channel.
Abangan ang paglabas ni Megastar Sharon Cuneta sa FPJ’s Ang Probinsyano gabi-gabi in the following platforms:

Kapamilya Channel, A2Z, TV5, CineMo, Kapamilya Online Live sa YouTube Channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, WeTV, at iflix.

I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVPlus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng FPJ’s Ang Probinsyano. 

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang  www.abs-cbn.com/newsroom

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber



Sharon Cuneta at Rowell Santiago, balik-loveteam partners sa FPJ’s Ang Probinsyano
Source: Pinoy Ako News

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment