VV VIP Tickets ng Ex Battalion online concert, levelling sa BTS

Hindi na bago sa Ex Battalion ang mag-perform sa Smart Araneta Coliseum dahil nakailan na sila noong wala pang COVID 19 pandemic. Ang bago ay magko-concert sila ng walang audience kundi sila-sila lang at ang production staff kaya natanong ang makukulit na XB members kung ano ang pakiramdam noon. Sa Aranate Coliseum kasi nag-shoot ng ilan sa mga numbers ang sikat na hiphop group for their December 11 digital concert, habang ang iba na MTV-ish ay kinunan naman sa labas.

“Siguro may adjustment kasi nasanay lang din na mag-perform ng may crowd, so, this time kailangan naming i-keep ’yung energy namin para pag nagpe-perform kami ma-feel pa rin namin at mabigay ang best performance namin,” say ng nagbabalik-XB na si JRoa sa digital media conference nila kaninang hapon, November 13.

Masaya pa rin naman daw dahil nagre-respond ang mga production staff. In fact, ang pinaka-ayaw lang nilang part ng pagbuo ng concert ay ang halos araw-araw na pagdalirot ng kanilang ilong sa swabbing, say ni Flow-G.

Ang EVOLUXION: An Ex Battalion Online Concert, na gaganapin sa December 11, ang unang beses nilang mag-show na kumpleto silang 14 members kaya masayang-masaya ang grupo. Although sa digital press conference ay sina Yuridope, Honcho, Flow-G, Skusta Clee, King Badger, at JRoa lang ang present.

Bawa’t miyembro ng Ex Battalion ay sumusulat ng sari-sariling kanta at may kanya-kanya rin silang solo hits or collab sa iba na naka-upload sa kani-kanilang YouTube channels. Wala naman daw silang problema sa gano’ng setup.

Klinaro rin nilang wala silang problema kung anong istilo sa musika ang gusto ng isa at nadadaan lahat sa pag-uusap. Ang nangyari daw, say ni King Badger, ay kapag umayon na ang isa ay magsusunud-sunod na raw lahat.

“Masasabi ko po na isa ito sa strength ng grupo kasi nagko-connect kami pag dating sa studio. ’Yung mga differences namin ay sine-set aside namin para sa group,” dagdag ni XB JRoa.

Si Raul Mitra ang musical director sa EVOLUXION: An Ex Battalion Online Concert na mismong ang concert director na si Direk Jon Corpus ang pumili. Produced naman ito ng Frontrow nina RS Francisco at Sam Versoza and the XB boys themselves.

Natanong din si Direk Jon kung paano niya na-transform ang performances ng Ex Battalion into an online concert.

“Basically we got them a mainstream band and mainstream a musical director,” esplika ng direktor. “We got Raul Mitra to do the musical arrangements. It made their songs more pop but we used real instruments this time. So, basically it’s not a loop anymore, we used guitars, drums… so it made their sounds different.

“Actually, it’s better kaya iyon ang kailangang abangan ng mga tao how their popular songs sounded.”

“Last two years kasi we haven’t had any concerts, so, ‘yung online concert usually studio shoot, this one looks a real concert, it’s huge,” dagdag na paglalarawan ng isa sa mga producers na si RD Francisco.

“Got a huge stage, we put in siguro six cars and motorcycles and stuff, sana panoorin nila.”

Ayon kay Direk Jon ay aabutin ng tatlong oras ang show at inabot ng dalawang buwan at kalahati ang preparations nila para sa online concert na ito ng Ex Battalion.

“Sana talaga panoorin nila kasi the boys really poured their hearts into it and they rehearsed, napagod ’yang mga ’yan. The task of singing in front of the cameras only with no audience, ’yun ’yung task. ‘Yung energy na-maintain nila without the audience, so, para sa akin it’s a very, very successful concert,” paliwanag pa ni Direk Jon.

Dagdag naman ni Sam Versoza, isa pang pinaka-challenge nila as producers ay “Ma-translate ’yung millions of supporters ng Ex Battalion, millions of viewers nila sa mga YouTube Channels nila, YouTube channel ng isa-isa ng grupo nila…more than a billion views combined…collectively…ma-translate lang namin ’yan into online sales, e, magiging masaya po kami. Kaya lahat po ginagawa namin para ma-promote po ’yung concert.

“Alam nating matagal na walang naging work, concerts, at sana ito po ay ma-prove na kahit nasa pandemic tayo ay kaya nating mag-produce ng world-class concert na katulad nito na ginanap sa Araneta Coliseum, na sinyut sa iba’t ibang lugar.”

Pangarap kasi daw ng Frontrow na magtala ng “biggest online concert history sa Philippines.”

Isa sa matinding inurirat ng press sa naganap na media conference ng Ex B ay ang presyuhan ng tickets. Bagama’t meron kasing mga affordable, meron mga pang-VIP levels na nakakalula ang preyo. BTS levels! Although may mga perks namang kasama iyon, nakaka-lula pa rin.

Below are the ticket prices and corresponding perks:

TROOP 1: EXACTO – 300.00 PHP
—Access to online concert.

TROOP 2: EXCLUSIVE EXPERIENCE – 500.00PHP
—Access to online concert plus EXB Greetings via Zoom.
—A separate zoom link will be sent by the producers.

TROOP 3: EXCITING EXPOSE – 750.00PHP
—Access to online concert plus EXB Greetings via —Zoom, and EXB “Inside Kwento” via zoom.
—A separate zoom link will be sent by the producers.

TROOP 4: EXTRAORDINARY EXHIBITION – 1,250.00PHP
—Access to online concert, plus Printed Ticket, EXB —Greetings via Zoom, and EXB “Inside Kwento” via zoom.
—PRINTED TICKETS SHALL BE CLAIMED AT THE FRONTROW HEAD OFFICE.
—A separate zoom link will be sent by the producers.

TROOP 5: EXTREMELY EXPLOSIVE – 2,000.00 PHP
—Access to online concert, plus Printed Ticket, EXB —Greetings via Zoom, EXB “Inside Kwento” via zoom, and a signed EXB poster.
—SIGNED POSTERS AND PRINTED TICKETS SHALL BE CLAIMED AT THE FRONTROW HEAD OFFICE.
—A separate zoom link will be sent by the producers.

TROOP 6: EXTENDED EXCITEMENT – 20,000.00 PHP
—Access to online concert, plus Printed Ticket, EXB —Greetings via Zoom, EXB “Inside Kwento” via zoom, signed EXB poster.
—With EXB Mask and Shirt, RS Mask and Shirt, SV shirt and jacket, and an exclusive dinner with the EXB.
—ALL MERCHANDISE AND PRINTED TICKETS SHALL BE CLAIMED AT THE FRONTROW HEAD OFFICE.

TROOP 7: ATIN ANG GABI – 35,000.00 PHP
—Access to online concert, plus Printed Ticket, EXB —Greetings via Zoom, EXB “Inside Kwento” via zoom, signed EXB poster.
—With EXB Mask and Shirt, RS Mask and Shirt, SV shirt and jacket.
—An exclusive dinner with the EXB and an exclusive access to the Listening Party (inclusive of cocktails) featuring never-before-heard (Unreleased) Ex B tracks.

Ang producer na si RS ang sumagot.

“I was the one who actually opened the idea of having a VV VIP tickets,” panimulang esplika ni RS.  “Of course, as we know these boys have millions of fans and kunwari ako fan nila, baka mabitin ako sa concert lang. 

“Sometimes may ganu’n, e, baka mabitin ka. Kaya naghahanap ka pa ng Zoom kung saan sila magha-hi and hello.

“Pero may ibang sa sobrang fan nila, bitin pa rin ’yung ‘hi and hello,’ gusto nilang makarinig ng kuwento. Marami talaga fans na pini-PM (Private message) ako sa Facebook na kumusta si Skusta, Kumusta si Flow G?  As in marami silang gustong malaman about these boys.

“Kaya naisip ko, teka gawa kaya tayo ng VV-VIP Tickets na kung saan they will get to know these boys, na they can have dinner with them. Ito talaga literal [na dinner].

“I’ve scheduled a dinner not just in any restaurant, a dinner in Manila Hotel, plated dinner wherein they can meet and greet and literally have photos with them, chat with them, get to know them, ask them questions live—face to face.

“Especially the ‘Atin ang Gabi’ package, wherein after that dinner magkakaroon ng after-party with full force Ex-Battalion. Magkakaroon sila ng listening session, party session.  These boys marami silang unreleased songs…Lalabas pa sa 2022. Pero dahil kinuha ’yung ‘Atin ang Gabi’ package, maririnig nila for the first time. Sila ang unang makakarinig ng mga songs na ’yun. Saka ito jamming talaga. As in hindi ’yung literal na naka-upo lang sila.”

Dagdag naman ng Ex Battalion: “Magiging magba-barkada kami ng isang buong gabi.  Saan ka nakakita ’yung mga unreleased songs ay sa-sound trip-in n’yo. Kayo palang unang-unang makakarinig?”

Limitado naman daw ang mga tickets na iyon for only 100 pax para ma-observe pa rin ang health protocols na ipinatutupad ng IATF.

“The [hotel] ballroom can accommodate 500, pero dahil may percent (limit), so we’re just getting 20% capacity kaya 100 pax lang allowed doon,” sabi pa ni RS.

Mangyayari daw ang “Atin ang Gabi” dinner package sa Disyembre 15 sa Centennial ballroom ng Manila Hotel.

Samantala, kahit super mahal ang VV VIP tickets ay nasa 20% na raw ang nabenta so far. Kaya may 80% pa silang bubunuin na sa tingin nila ay mauubos ito bago sumapit ang December 15.

Sa madaling salita ay nasa P700,000 na ang sales sa tig-35K tickets at kapag nabenta ang natitirang 80% ay aabot sa P3.5M ang lahat.

At dahil sa mahal ng Ex B concert tickets, ang common puna nga ng press ay parang levelling na sila sa global phenom group ng South Korea na BTS.

“Yes,” agap ni RS. “Pero hindi sila K-Pop, very far from K-Pop.  Hindi sila ang K-Pop [ng Pilipinas] pero ang equivalent nila ay hip-hop stars na parang BTS na rin ang datingan.”

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber



VV VIP Tickets ng Ex Battalion online concert, levelling sa BTS
Source: Pinoy Ako News

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment