More Than Blue special cinema screening, elicits nostalgic feels for attendees


Very special night para sa mga bida ng pelikulang More Than Blue sina Yassi Press at JC Santos ang gabi ng November 18 dahil noon naganap na maituturing na premiere night ng kanilang #WasakPuso movie na siyang kauna-unahang local film na nai-screen sa big screen matapos magbukas muli ang mga sinehan after almost two years of closure dahil sa pandemic.

Photos: Anna Pingol

Very special night para sa mga bida ng pelikulang More Than Blue sina Yassi Press at JC Santos ang gabi ng November 18 dahil noon naganap na maituturing na premiere night ng kanilang #WasakPuso movie na siyang kauna-unahang local film na nai-screen sa big screen matapos magbukas muli ang mga sinehan after almost two years of closure dahil sa pandemic.

Kagabi, November 18, 2021, ay successful na ginanap sa Robinson’s Movieworld Cinema 5 sa Robinson’s Magnolia, Quezon City, ang special cinema screening ng pelikulang More Than Blue.

Kaya nagsilbing very special night sa mga bida ng pelikulang sina Yassi Pressman at JC Santos ang naganap na maituturing na premiere night dahil ang kanilang #WasakPuso movie ang kauna-unahang local film na nai-screen sa big screen matapos magbukas muli ang mga sinehan after almost two years of closure dahil sa pandemic.

Present s’yempre sa special event ang cast ng pelikula sa pangunguna ni Yassi at JC.

Nandoon din si Diego Loyzaga kasama ang kanyang Dulo leading lady and girlfriend na si Barbie Imperial. At s’yempre ang director ng pelikula na si Direk Nuel Naval.

Nagtipon-tipon muna ang cast and their guests sa Botejyu Japanese restaurant para mag-dinner bago pumasok ng sinehan.

There, the cast and production staff gave JC Santos an advance birthday celebration. Salubong kumbaga dahil today, November 19, ang kanyang kaarawan. Naging pambati na nga niya ang: “Birthday gift n’yo na po sa akin, manood kayo ng More Than Blue.”

Ramdam ang excitement sa bawat taong pumapasok sa sinehan. Ramdam ang pananabik ng lahat na ma-experience muli ang mga ganitong okasyon kahit in a new normal setup.

Palakpakan pag pasok ng mga stars, palakpakan pagbukas ng ilaw ng telon, palakpakan paglabas ng logo ng Viva sa screen. Ganu’n kasabik.

At matapos ang pelikula, habang sumisinghot-singhot pa, ay nagpasalamat sa mic sina Yassi, JC, at Diego sa mga nagsidalo at naglambing na ikalat ang magandang balita na streaming na finally ang kanilang pinaghirapang pelikula.

First time ding napanood nina JC at Yassi ang kabuuan ng pelikula at maski silang very familiar na sa material ay naiyak pa rin nang todo.

Kaya fair warning sa mga mag-i-stream sa Vivamax, prepare to cry—A LOT! Seryosohin n’yo po ang pa-hashtag na #WasakPuso dahil talaga namang napakasakit ng pelikulang ito.

At ngayong araw, November 19 na ang opisyal na #Wasak PusoDay. Stream now on Vivamax.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber



More Than Blue special cinema screening, elicits nostalgic feels for attendees
Source: Pinoy Ako News

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment