Pagkaka-delay ng sitcom ni John Lloyd Cruz sa GMA, talent fee negotiation ba ang dahilan?


Contrary sa napabalita noon na si Andrea Torres ang makakapareha ni John Lloyd Cruz sa kanyang GMA sitcom, sinadya ng creative team na wala nalang leading lady si JLC for now. Instead, iba-iba ang “leading lady” niya per episode. Para daw maka-eksena ni JLC ang mga female stars ng GMA na gusto rin siyang maka-trabaho. “Makaka-eksena nila si John Lloyd so titingnan natin kung sino talaga ’yong magugustuhan ng tao na makapareha ni John Lloyd.”

Photos: @happytogethergma

Contrary sa napabalita noon na si Andrea Torres ang makakapareha ni John Lloyd Cruz sa kanyang GMA sitcom, sinadya ng creative team na wala nalang leading lady si JLC for now. Instead, iba-iba ang “leading lady” niya per episode. Para daw maka-eksena ni JLC ang mga female stars ng GMA na gusto rin siyang maka-trabaho. “Makaka-eksena nila si John Lloyd so titingnan natin kung sino talaga ’yong magugustuhan ng tao na makapareha ni John Lloyd.”

Nagsisimula palang ang 2021 ay may bulong-bulungan nang tatapusin na ni John Lloyd Cruz ang kanyang showbiz hiatus at sa kanyang pagbabalik ay baka sa GMA-7 na raw ito mapanood.

Buwan nang Mayo nang kumalat ang mga larawan na kasama niya sina Direk Bobot Mortiz at Willie Revillame. Kasabay noon ay ang bali-balitang si Willie ang puma-plantsa ng pagpasok ni JLC sa GMA. It turned out, ito ay para pala sa line-produced Shopee TV special ni Willie na ginanap sa Araneta Coliseum noong June 6.

Kalaunan, kumalat din ang tsika na gustong ipag-produce ni Willie ng sitcom si John Lloyd sa GMA. Pero nagka-falling out umano ang dalawa na idinenay naman ni Willie.

During the Happy ToGetHer virtual media conference kamakailan, nilinaw din ni Joey Abacan (GMA Network’s Vice President for Program Management) na ang GMA umano ang kumausap kay Willie na ibigay na sa kanila si JLC para sila na ang mag-produce ng sitcom nito dahil gusto rin daw ng GMA na makuha si JLC.

Halos six months ang lumipas bago finally i-launch ang sitcom na tila nagsisilbing kawanggawa ni JLC para sa mga nawalan ng trabaho sa ABS-CBN sa pangunguna ng kaibigan niyang si Direk Bobot Mortiz.

It turned out na kinausap nga ni Direk Bobot si JLC to headline a sitcom that he will direct at isasama ang mga dati nilang kasama sa ABS-CBN sitcom nila gaya nina Miles Ocampo at Jason Gainza, pati na rin ang mga workers behind the camera na nawalan din ng pagkakakitaan. Nilatag nila ito sa GMA at nagka-plantsahan.

But six months ang lumipas mula June bago nai-formal launch ang sitcom. At maging sa press conference ay maka-ilang ulit naming narinig ang mga katagang “tumagal but it’s finally here.”

Kaya na-curious kaming tanungin kay Direk Bobot kung ano ang dahilan behind the delay. May kinalaman kaya ang negotiations sa talent fee ni John Lloyd at maging ng iba pang artistang nag-ober da bakod, so to speak?

“Hindi naman, hindi naman,” natatawang tanggi ni Direk Bobot. “Actually, ’yong concept talaga…’yong concept nu’ng show. Doon kami tumagal. S’yempre, gusto namin maiba naman ’yong gagawin naming show kesa doon sa dating ginawa namin. Nandoon pa rin ’yong flavor na gusto namin pero iba naman siya. Parang ganu’n.

“Marami ngang nagtatanong… kagaya ng sinasabi nila, comedy itong ginagawa ni Lloydie, ni JL, pero hindi naman siya komedyante. Yeah, hindi talaga siya komedyante. He’s an actor talaga. Actor siya na gagawa lang ng comedy role. Talagang artista siya. ’Yon ang masasabi ko. At iba naman ’yong comedy namin. Makikita ninyo ’yong comedy namin, s’yempre may touch ng John Lloyd.”

Kung dati ay nabalitang si Andrea Torres ang gaganap na leading lady ni JLC sa sitcom, na-scrap na din ang idea na ito. Instead, iba-ibang babae na ang mag-ge-guest every week. Kaya ang tanong namin ay kung experimental method ba nila iyon to find the GMA leading lady na talagang magkaka-chemistry kay Lloydie? Saka na nila ire-regular once they find “her?”

“P’wede, p’wede,” tila pag-sang-ayon ni Direk Bobot. “Pero s’yempre gusto naming ma-try ’yong mga artista ng GMA na gusto din makapareha si Lloydie na gusto din namin makasama para naman maiba naman, diba? Makaka-eksena nila si John Lloyd so titingnan natin kung sino talaga ’yong magugustuhan ng tao na makapareha ni John Lloyd.”

In fact, according kay JLC mismo, may nakuhanan na silang isang episode kung saan ang lady guest nila ay mukang swak sa konsepto ng kanilang show.

Bukod kay JLC, isa pa sa p’wedeng hanapan ng kapuso ka-loveteam ang talented na si Miles Ocampo para naman sa younger set ng viewers. At naka-plot na nga din daw ’yon according kay Direk Bobot.

“Magkakaroon pero s’yempre meron na kaming nilagay na ano sa ibang episode,” dulas ni Direk Bobot.  “Meron na kaming pinartner kay Miles na taga-GMA. Hindi ko p’wedeng sabihin. Gusto ko abangan nila.”

Bukod kina Miles at Jason, kasama rin nina JLC sa Happy ToGetHer sina Ashley Rivera, Janus Del Prado, Carmi Martin, Eric Nicolas, at iba pa.Happy ToGetHer, which is John Lloyd’s comeback after his four-year TV hiatus, will have its world premiere on December 26, 7:40 PM.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber



Pagkaka-delay ng sitcom ni John Lloyd Cruz sa GMA, talent fee negotiation ba ang dahilan?
Source: Pinoy Ako News

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment