Romansang Edu Manzano at Cherry Pie Picache, karugtong nang naiwan nila 20 years ago


When asked by his son Luis about the state of his heart, Edu Manzano says: “Kahit papano nakakahinga ako ngayon nang malalim na punong-puno ng saya.”

SCREENSHOT: Luis Manzano on YouTube

When asked by his son Luis about the state of his heart, Edu Manzano says: “Kahit papano nakakahinga ako ngayon nang malalim na punong-puno ng saya.”

Chapter 2 na palang maituturing ang romantic relationship ngayon nina Edu Manzano at Cherry Pie Picache dahil nagkaroon na pala sila ng pagkakaunawaan before.

Inamin nila ito mismo sa guesting nilang dalawa sa vlog ng anak ni Edu na si Luis Manzano na in-upload sa YouTube nitong December 27.

Doon ay inilahad ng celebrity couple, na tinatawag na ngayong PieDu ng kanilang fans, ang trivia na nag-date na sila noon, dalawang dekada na ang nakararaan. 

“Tahimik lang kami nu’n. Ang feeling namin… it was almost a year,” pahayag ni Edu sa vlog. 

“We were dating for almost a year…two decades ago,” pagtutuloy ni Cherry Pie sa panimula ni Edu.

Dahil dito ay nasaway s’ya ng aktor dahil parang ang tagal daw ng two decades.

Parang ang haba-haba nu’ng two decades. Sabihin mo na lang twenty years,” suggestion ni Edu kay Cherry Pie. “Pag sinabi mo kasing two decades parang ang tunog nu’n parang [ang tagal na].”

Komento naman ni Luis, nangangahulugan daw pala na kung anong meron sa kanyang Daddy Edu at Tita Pie ngayon ay continuation lang ng kanilang nasimulan noon. 

Hindi n’ya ako makalimutan,” natatawang hirit pa ng aktres. 

Kuwento ni Edu, for the past 20 years daw ay nanatili silang magkaibigan ni Cherry Pie na lagi n’yang nakikita tuwing dumadalo s’ya mga salu-salo. 

Nagkataon, after twenty years lagi kami nanatiling magkaibigan. We never quite drifted apart,” pagbabaliktanaw n’ya.

“We always see each other sa iba’t ibang okasyon and sa iba’t ibang gatherings and we would always be talking…sincerely, ha. And we knew that we still like each other.”

Ayon naman kay Cherry Pie, hindi naman daw nawala ang attraction niya sa aktor pero lagi n’ya lang daw ’yon binabalewala.

“We remained friends and we would always see each other. But every time we see each other we know that there is [tension] in a good way and it’s something different,” pag-amin n’ya kay Luis. 

Pero me, I always tell him [Edu] na… [’Yong every time] na mahihiwalay kayo you would feel na ‘parang iba ’yong…’ May ganu’n. But I would always dismiss it. Because your dad is always been a charmer. ’Yong karisma n’ya iba talaga, e.

Pero they never had the chance before dahil palagi daw silang nagkakasalisi. Tuwing free daw kasi si Edu ay s’ya naman ang may karelasyon, at kung s’ya naman ang single, may girlfriend naman si Edu.

“Every time na magkikita kami after nu’n, ‘parang iba pa rin ’yong tingin.’ But I always dismiss it. Kasi nga, ’di ba, charmer s’ya, e. ‘Hmp! Wala ’yon.’ Parang ganu’n,” dagdag pa ng aktres. 

Hanggang sa nitong ngang nalipas na buwan ay isinapubliko na ng dalawa ang kanilang relasyon. Approved naman daw ito sa mga mahal nila sa buhay. 

Ani Cherry Pie, supportive daw ang unico hijo niyang si Nio Tria sa  relasyon nila ni Edu, habang hindi naman maikaila ni Luis ang kilig n’ya sa PieDu romance.

Kaya naman nang kumustahin n’ya ang estado ng puso ng kanyang ama, sagot ni Edu: “Kahit papano nakakahinga ako ngayon nang malalim na punong-puno ng saya.

Sagot naman ni Cherry Pie sa kaparehong tanong, “Answered prayer.”

We’re happy for you, Edu and Cherry Pie!

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber



Romansang Edu Manzano at Cherry Pie Picache, karugtong nang naiwan nila 20 years ago
Source: Pinoy Ako News

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment