Cindy Miranda, gusto na ring makilala si Mr. Right pero matindi ang requirements


Malaking element sa pelikulang Reroute ang konsepto ng tiwala ang in real life, kabaligtaran daw siya ng character niya sa pelikula. “Sa totoong buhay, mahirap po akong magtiwala,” pago-open up ni Cindy. “That’s why naka-isolate ako palagi. But once na nagtiwala ako, tiwalang-tiwala talaga ako. But you know, ang natutunan ko po, habang tumatanda, hindi mo p’wedeng i-judge ’yong tao when you see them the first time.”

Photos: Vivamax/ @cindy

Malaking element sa pelikulang Reroute ang konsepto ng tiwala ang in real life, kabaligtaran daw siya ng character niya sa pelikula. “Sa totoong buhay, mahirap po akong magtiwala,” pago-open up ni Cindy. “That’s why naka-isolate ako palagi. But once na nagtiwala ako, tiwalang-tiwala talaga ako. But you know, ang natutunan ko po, habang tumatanda, hindi mo p’wedeng i-judge ’yong tao when you see them the first time.”

Aware daw ang beauty-queen-turned actress Cindy Miranda na madalas siyang mapagkamalang suplada or snob.

Iyon din daw kasi ang mga naging impression sa kanya noon ng mga malalapit na niyang kaibigan ngayon.

Ito ang isa sa mga naikuwento ni Cindy sa ginanap na solo virtual mediacon niya nitong noong January 5 para sa latest Vivamax movie niyang Reroute, na mag-i-stream na on January 21. 

“Sabi nu’ng mga kaibigan ko no’ng first time kong na-meet, sobrang behaved ko raw po. Pag tumitingin daw ako, parang nakakatakot daw at hindi raw ako nagsasalita. They feel na galit daw ako sa kanila,” natatawang recall ni Cindy.

Pero ang totoo… 

“Actually, malabo po ’yong eyes ko. At times, feeling nila snob ako at hindi namamansin, hindi ko lang talaga sila makita,” natatawang patuloy niya. “It’s just that I don’t see things clearly.”

However, she opted na hindi magpa-laser. Nagsa-salamin naman daw siya pag nagda-drive. Ang dahilan, madali daw kasi siyang ma-conscious pag nakikita niya ang reaction ng tao kaya mas gusto niyang hindi nalang.

“Minsan pag sobrang clear ang nakikita mo, then nakikita mo reaction. Distracted ka na at bothered. You feel na may reaction sila sa lahat ng ginagawa mo.”

Kaya nga kung siya ang tatanungin, she classifies herself as weird.

“There are some people talaga na weird. Feeling ko I’m weird. Hindi ako normal like my other friends when they communicate with people. I categorize myself as weird. But I’m not a bad person naman po.” 

Isa pang ipinagtapat ni Cindy ay hindi siya basta nagtitiwala sa tao. 

“Sa totoong buhay, mahirap po akong magtiwala,” pago-open up niya. “That’s why naka-isolate ako palagi. But once na nagtiwala ako, tiwalang-tiwala talaga ako. But you know, ang natutunan ko po, habang tumatanda, hindi mo p’wedeng i-judge ’yong tao when you see them the first time. 

“Pero sana bigyan ng chance ang lahat. Hangga’t wala naman silang ginagawang masama sa’yo ’yong tao, kung ano man ’yong galaw niya or itsura niya… I think I need to trust more. Mahirap ’yung ikaw lang lagi sa sarili mo, e.”

Nabuksan ang tiwala topic dahil may kinalaman ito sa pelikula niyang Reroute, kung saan pinagkatiwalaan nila ni Sid Lucero, na gumaganap bilang asawa niya, ang imbitasyong tulong ng isang stranghero (John Arcilla) na maglalagay pala sa kanila sa kapahamakan. Sa istorya, nasiraan sila ng sasakyan sa isang liblib na lugar at inalok silang magpalipas ng gabi sa bagay ni Gemo (John). Doon na magsisimula ang mga kakatwang ganap sa buhay nila.

Anyway, marahil ang pagiging hindi mapagtiwala ang isa rin sa dahilan kung bakit up to now at single pa rin ang magandang aktres. However, sabi naman niya ay hindi lang niya priority ito sa ngayon lalo pa’t umaalagwa ang kanyang late-blooming acting career sa Viva.

Pero aminado siya na minsan ay sinasaniban din daw siya ng inggit kapag nakakakita siya ng mga kaibigan niyang happy ang lovelife. Kaso, dahil nga sa pandemic ay hindi naman siya naglalalabas kung hindi rin lang trabaho. Kaya paano nga naman niya makikilala si Mr. Right?

“Minsan naiingit ako sa ibang friends ko kapag may post sila na magkasama sila [ng karelasyon nila],” pag-amin ni Cindy. “Minsan masarap ding may inspirasypn.”

However, kung sinuman daw ang lalaking iyon, he has to be very understanding and supportive one dahil mahalaga sa kanya ang kanyang career.

Kailangan daw na malawak ang pang-unawa at open-minded ito lalo pa’t halos lahat ng pelikula niya ay may kasamang sexy scenes at kissing scenes.

“Wala pa naman akong plan mag-asawa pero sana maging understanding siya at patient. Sana maintindihan niya ang ginagawa ko,” hiling ni Cindy sa kanyang future boyfriend.

YOU MAY ALSO LIKE:

Cindy Miranda, parang tumama sa lotto nang maka-trabaho si John Arcilla; John, tinawag na mukang “beautiful anime” si Cindy

EXCLUSIVE: Cindy Miranda, mas pinangarap mag-artista more than maging beauty queen; goal magka-best actress trophy

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber



Cindy Miranda, gusto na ring makilala si Mr. Right pero matindi ang requirements
Source: Pinoy Ako News

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment