Hindi raw naisip noon ng veteran actor na si Edu Manzano na ipilit ang kanyang sarili bilang ama ni Luis noong mga panahong lumalaki ito.
Ito ang sinabi n’ya sa naging heart-to-heart talk nilang mag-ama sa vlog entry ni Luis na in-upload sa YouTube kahapon, January 4.
Matapos kasi ang pagbabalik-tanaw nila sa masasayang memories nila together ay natanong ng Kapamilya TV host-actor ang kanyang Daddy Yow Edu if there were things he wished he had done differently as a father.
“I realized na ang bilis-bilis mo lumaki and you became so, so busy. But then I also learned na, you know, hindi mo p’wedeng ipilit ’yong sarili mo sa mga anak mo,” sagot ni Edu sa kanyang anak.
“Ang importante mabigyan mo ng tamang direksyon, isang matibay na pundasyon, at kahit papano, e, mananatili ka lagi sa kanilang isipan at puso,” dagdag pa n’ya.
“So, when you got very, very busy I started to miss you. It wasn’t like before…”
Dito na tila naging emosyonal ang aktor pero mas pinili n’yang magpatawa at umarteng umiiyak para maging light pa rin ang takbo ng kanilang usapan ni Luis.
At nang makabawi, pagpapatuloy n’ya, “Actually, I did not see a need kung bakit kailangan pa akong makialam sa buhay mo. Kasi alam mo na kung anong dapat mong gawin.
“And whatever you did, you did it well. So, doon ang pride ko. Kaya sinasabi ko wala akong regrets kasi my son did it all and did it well.”
“I did it…my way,” sakay naman ni Luis sa mahabang paliwanag ng kanyang ama.
Naungkat din sa kwentuhan ng mag-ama na kung ipinagpatuloy daw ni Edu na i-pursue ang kanyang pangarap na maging kasapi ng militar ay baka hindi daw nabuo at naipanganak si Luis. Nasabi n’ya ito matapos s’yang matanong ng anak kung may nagawa ba s’ya in the past na pinagsisisihan n’ya ngayon.
“Actually, you would not have come along kung tinuloy ko ’yong serbisyo ko sa military. You know, I also wanted to stay in the military,” lahad ni Edu kay Luis.
“After that, when I left the military I wanted to go back to school. Gusto ko sanang mag-masters na hindi ko ginawa. If you remember, doon ako nagsimula. Nagsusulat lang ako, comedy writer lang ako ni Ariel Ureta. If I wasn’t a lawyer I wanted to be in the military,” pagre-recall pa n’ya.
Thus, it wasn’t fated na naging military siya kundi maging tatay ni Luis at walang regrets doon dahil then as now, he’s a proud dad daw sa anak at ipinagmamalaki niya lalo ang magandang relasyon nila bilang mag-ama.
“You have no idea [how proud I am]. I don’t have to hear it from other people. It’s what I see in you tuwing magkasama tayo, kung papano tayo mag-usap, the kind of relationship we have, and how we are honest to one another. That tells me,” lahad pa ni Edu sa anak.
And speaking of being honest sa isa’t isa, dagdag pa ng seasoned actor, “Ako naman lagi kasi, ako, very outspoken, ’di ba? Lagi ko sinasabi sa’yo, kahit minsan hindi mo nagugustuhang marinig pero I tell you. To this day, kahit saan man tayo I still say, ‘I love you.’”
Pag-sang-ayon ni Luis dito, “Ganu’n kaming lahat magkakapatid. That’s one thing na hindi din nawala sa amin. Every single time na we talk on the phone or we text, hindi nawawala sa amin ’yong I love you.”
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Heart-to-heart talk ng mag-amang Luis at Edu Manzano, nakakatawang-nakaka-touch
Source: Pinoy Ako News
0 comentários :
Post a Comment