LOOK: Celebrities test for COVID-19 at the onset of 2022

Kasunod ng pagluluwag sa mga protocols nitong nagdaang holidays ay ang paglobo ng kaso ng COVID-19 sa bansa, partikular na sa Metro Manila. 

Nakapasok na rin kasi sa bansa ang Omicron variant ng COVID na sinasabing mas mabilis makahawa kumapara sa ibang variants kaya naman talagang masasabi na COVID-19 surge is real.

As of today, January 8, 26, 458 na bagong kaso ng COVID ang naitala ng Department of Health (DOH) kaya naman umakyat na sa 70K plus ang active cases sa bansa ngayon. 

Hindi lang mga karaniwang tao ang nagkakasakit ngayon kundi pati na rin ang mga celebrities na nabakunahan na at maingat sa kani-kanilang kalusugan ay nahawa na rin sa sakit.

Ang ilan nga sa kanila ay muling nagpaalala na maging mas maingat dahil hindi pa rin tapos ang laban ng bansa—at ng buong mundo—kontra sa COVID. 

Narito ang ilan sa mga celebrities na tinamaan ng COVID sa pagpasok ng Bagong Taon:

ALYSSA VALDEZ
Sa inilabas na pahayag ng V Management Group Asia sa Instagram kahapon, January 7, sinabi nilang nag-positibo sa COVID ang volleyball player at Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Alyssa Valdez. 

“After experiencing some mild symptoms and a confirmatory RT-PCR test, Alyssa tested positive for COVID 19,” saad ng talent management.

Nagpapagaling ngayon sa kanilang bahay ni Alyssa at nagpapasalamat sila sa mga nagpaabot ng mensahe at dasal para sa atletang Pinay. 

“We’d like to thank those who have sent their well-wishes and prayers her way. Please be rest assured that Alyssa is taking the necessary precautions and will be recovering from home,” pahayag pa nila. 

“We are one with the rest of the Filipinos in praying for everyone’s good health and safety.”

 

KAREN DAVILA
Buong pamilya ng journalist-vlogger na si Karen Davila ang tinamaan ng COVID nitong nakalipas na mga araw. Nag-umpisa daw ’yon sa anak n’yang si Lucas at nahawa na ang buo nilang mag-anak. 

“Five days ago, our family tested POSITIVE for COVID19. Our 14 yr old son Lucas first tested positive on antigen and we immediately took an RT PCR test as a family,” pagbabahagi ni Karen sa kanyang IG post. 

Mabuti na lang daw at mild lang na sintomas ang naramdaman nila sa tulong ng kanilang bakuna at booster shots. 

“Praise God our symptoms are MILD and I believe that is because we have all been vaccinated & 2 have us have had booster shots,” aniya. 

“Lucas completed his vaccinations last October. David & I had booster shots last Dec 18. My husband DJ is fully vaccinated & has yet to take his booster shots.”

Kaya naman hinihikayat n’ya ang publiko na magpabakuna para may laban ang kanilang katawan sakaling tamaan ng COVID.

“GUYS. The vaccines work! We are living proof. Get your shots. Get your boosters NOW. Do this out of love for yourself & your family this 2022,” pagtatapos ni Karen. 

PIA WURTZBACH
Hindi rin nakaligtas sa surge ng COVID-19 ang actress-beauty queen na si Pia Wurtzbach

Ayon sa kanya, nasa bakasyon s’ya sa United Kingdom nang tinamaan s’ya ng sakit kaya kaagad daw s’yang nag-isolate. Ito ay sa kabila ng pagkakaroon n’ya ng bakuna at booster shot, at healthy lifestyle. 

“I caught COVID here in the UK even though I’ve been fully vaccinated & received my booster shot already. Kumpleto din ako ng flu & pneumonia vaccines. I eat healthy & I’m active, but I still got it. I got all the symptoms too,” lahad ni Pia sa kanyang Instagram post kahapon, January 7.

Kaya naman nakiki-usap s’ya sa publiko na sumunod sa safety protocols, magpabakuna, at huwag nang lumabas lalo na kapag nag-positibo na sa sakit. 

“Naku, konsensiya niyo nalang yan. Konting personal accountability, please,” aniya. 

”Ang dami nang nagkasakit. I don‘t wanna sound preachy but let’s not be selfish & go breaking protocols, hoarding supplies, refusing to get tested & vaccinated,” pagtatapos n’ya.

SEN. PANFILO LACSON
Sa Twitter naman idinaan ni senador at presidential aspirant Panfilo Lacson ang pagbabalita na positibo s’ya sa COVID para payuhan ang mga nakahalubilo n’ya gawin ang todong pag-iingat. 

“Immediately informed all my Jan 3 physical contacts of my Jan 4 Covid-positive test result which was released only last night, Jan 6 so they can take extra precautions to protect their loved ones and others,” anunsyo ng senador. 

Hindi naman daw s’ya nararamdam ng COVID symptoms. 

“Thank God no one is exhibiting symptoms. Wearing our masks helped much,” he concluded.

VICE MAYOR GIAN SOTTO
Buong pamilya rin ni Quezon City Vice Mayor Gian Sotto, anak ni Sen. Tito Sotto and Ms. Helen Gamboa, ang nagka-COVID ngayong nakakaranas ng surge ang Metro Manila. 

“We are all POSITIVE. Our symptoms are not as mild as others but we Praise God that HE has been with us all throughout!” aniya sa kanyang IG post.

Kasama daw sa kanilang dasal ang iba pang mga tinamaan ng sakit. 

“We are praying for all those who are affected. Our heart goes out to all of you and we hope this song will remind you that our God is Faithful, our God can give us Hope and our God will always Defend us!” pagtatapos ng Vice Mayor Gian. 

SOFIA ANDRES
Mag-isang sinalubong ni Sofia Andres ang New Year dahil kinailangan n’yang mag-quarantine magtapos s’yang mag-positive sa coronavirus. May surge din kasi ng COVID sa Europe kung saan nagbabakasyon si Sofia kasama ng kanyang pamilya.

Sa ngayon ay on her way to recovery na ang celebrity mom at negative na sa COVID.

“After 10 days … finally I’m negative,” anunsyo ng Kapamilya actress sa Instagram kahapon, January 7.

Panawagan pa n’ya sa publiko, “Please wear your mask, be kind, drink your vitamins, eat healthy & love yourself.”

Mensahe pa n’ya sa sarili, “What a way to start 2022. I know it’s not easy spending New Year’s alone but we have more days & years ahead of us. Be strong.”

CANDY PANGILINAN
Matapos tamaan ng COVID noong Kapaskuhan ng taong 2020 ay muling nahawa sa sakit ang comedienne-actress na si Candy Pangilinan.

Ibinahagi n’ya sa kanyang YouTube vlog na in-upload kahapon, January 7, ang kanyang day-to-day experience habang naka-quaratine sa kanyang kuwarto. 

Kung noong December 2020 daw kasi ay nag-Noche Buena at nag-Pasko s’ya habang nasa isolation pero hindi nakakaranas ng sintomas, ibang-iba ang sitwasyon n’ya ngayon. 

“Parang may sipon ako na wala. Parang masakit ang lalamunan ko pero hindi,” pagbabahagi ni Candy sa vlog. “Parang mahahati po ang ulo ko. Masakit po ang mga buto-buto ko. ’Yong ubo ko nandyan. May ubo po ako… Nagtsi-chill [ako].”

Ganu’n pa man, feeling blessed pa rin daw s’ya at optimistic sa taong 2022. Tinitingnan na lang daw n’ya ang pangyayaring ito na paraan for her to take rest.

GET WELL SOON TO ALL!

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber



LOOK: Celebrities test for COVID-19 at the onset of 2022
Source: Pinoy Ako News

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment