The Juan’s “Dulo” single, pang-movie theme na naman; ka-“kulot” ni Carl Guevarra na si Kokoy de Santos, bida sa music video

May bagong pasabog na naman ang “mapanakit” na bandang The Juans, ang bago nilang wasak-puso single na “Dulo” na may equally heartbreaking music video—na short film ang datingan—na sila-sila mismo ang nag-produce bilang marami pa ring restrictions sa mga galawan. Pero dumiskarte ang Maloleño boys to the point na TY daw ang ilang location venues ng shoot at may pa-escort pang PNP men to ensure their safety, security, and to make sure na walang lumalabag sa health protocols.

Carl did the directing and storyline, Si Chael Adriano (bassist) ang nagsilbing finance officer, si Josh Coronel (drummer) ang sa logistics, si RJ Cruz (vocalist/guitarist) naman ay naki-edit, habang sina Japs Mendoza (singer/guitarist) at Carl took  care of the scoring and post production audio.

Bongga, di ba?

We were surprised to see the pandemic breakout star na si Kokoy de Santos at singer-actress na Krissha Viaje sa kanilang music video kaya isa iyon sa agad na itinanong namin sa mga poging Bulakeño during “Dulo’s” online media launch—how they arrived at the decision na sila ang kuhaning artista na gaganap as lovers na nagbe-break up habang nagda-drive sa NLEX.

It turned out, matagal na palang kakilala ni Carl si Kokoy. As in child star days palang nila. At dahil kulot din, naisip niya agad na bagay sa role bilang personal experience daw niya ’yong umiiyak habang nagda-drive sa NLEX.

“Nasa out of town kami ni Japs [Mendoza, singer-guitarist] and we were thinking of Kokoy,” panimulang k’wento ng matsikang si Carl. “Si Kokoy din po kasi ay kaibigan ko na a long time ago. Alam naman natin child star si Kokoy at may isang show s’ya na extra ako. Pero child star pa s’ya nu’n. 

“So, ngayon na nagkita-kita kami sa mga shows ganyan, naisip ko, perfect si Kokoy dito sa eksena na’to kasi nga since personal experience ko po ’yong nagda-drive sa NLEX, umiiyak, ganyan. Sabi ko, ‘Parang maganda ’yong medyo kamukha ko.’ Hahaha! Medyo kulot din, ganyan. Ka-ugali ko din, ka-vibes ko din.

“So, kinontak ko si Kokoy. Sabi ko, ‘Bro, payag ka bang mag-shoot ng music video?’ And then s’yempre game siya. We appreciate him kasi talagang bukod po sa amin, s’ya ’yong nag-effort na ma-work out na makasama s’ya sa music video… even sa schedule. Alam naman natin ECQ maraming restrictions. So, ginawan po niya talaga ng paraan. 

“Si Kris naman, she’s a revelation to us because strongly recommended siya sa amin. And then, when we saw her do the acting and everything we were just blown away. ‘Oh, my gosh, she’s really good!’ 

“And I think pag napanood ninyo po itong video na ito, maa-amaze kayo sa talent nu’ng dalawa na we’re so blessed na na-tsambahan namin ’yong isa sa pinakamagagaling na actors siguro ng generation namin ay naisama namin sa aming music video.” 

“If I may add, naalala mo nu’ng parang nag-workshop tayo sa Zoom? Doon palang makikita mo na agad ’yong chemistry kahit hindi pa [sila] magkasama,” dagdag ni bassist Chael Adriano. “Tapos nu’ng nag-shoot na po kami, pati po kami tinitingnan namin sa screen, nag-i-iyakan po kami. Talagang napapa-wow kami sa nakikita namin. Kasi para s’ya talagang totoo. Alam mo ’yong hindi talaga siya acting. ’Yong mga luha talagang pagka ‘Action!,’ luha agad. Sobrang galing lang.”

Ayon kay Carl, hindi raw siya ang original director ng music video pero dahil nga sa mga restrictions, hiningi ng pagkakataon na sila-sila na ang dumiskarte at inako na niya ang directing. However, kabado daw siya noong una bilang hindi naman siya experienced sa bagay na ’yon.

Pero sa nakita nga raw niya sa Zoom workshop palang, nawalan na siya ng kaba bilang konti lang daw naman pala ang ta-trabahuhin niya sa dalawang actors niya.

“Nu’ng nag-workshop kami, nakita ko na silang umarte, sabi ko, ‘Ako na ’to, ako na director nito.’ I didn’t even need to direct… like they knew what they wanted, and they knew what the script was asking for, what the song is asking for. They did more than what we expected.”

At dahil naranasan na niyang mag-direct at lahat naman ay may kanya-kanyang participation behind the scenes bukod pa sa on-screen, sila-sila na ba ang titira ng mga future music videos nila?

“Depende,” sambit ni  Carl. “S’yempre marami din tayong kilala sa industriya na magagaling din talaga. And of course, there’s a time to explore. But there’s also a time to really give it to the ones that can do it really well. 

“So, it’s a mix of that.  Especially sa mga susunod naming singles, meron kaming ina-eye na directors na pangarap din namin gumawa ng music video namin. And of course, we can say that yet but really famous director is on the way in producing our next music video.” 

Sa mga masasakit na linyahan ng “Dulo,” parang nakikita na naming p’wede itong maging next movie theme na naman ng mga Viva movies—kung hindi man title mismo as in the case of their monster hit na Hindi Tayo P’wede.

Bukod pa roon, hindi p’wedeng hindi sila nagte-trending sa Twitter sa tuwing may single silang ilalabas. 

Pero ayon sa mga talentadong pogi, wala daw sa isip nila ang mga yon kapag nag-iisip ng konsepto o sumusulat ng kanta. Walang goals na ganoon—na mag-trending o maging theme song—kundi pokus lang sa what’s at hand. 

Ang singer/guitarist naman na si Japs Mendoza ang nagpaliwanag this time.

“Tingin po namin natural lang namin ginagawa ’yong bagay na love namin, which is music, mga kanta. And para sa amin po, hindi po agad nasa isip namin na, ‘Itong kanta na ’to, first line ano ’to magiging trending ito sa Twitter.’

“Hindi po s’ya ganu’n for us. Working with these guys, focus po kami sa important things na dapat namin gawin—that is to make music. And meron po kaming pinag-uusapan na madalas na parang if you understand the why part, the how part will take care of itself.”

I think wish list din palagi na sana, sana…” pag-amin ni Carl. “But it’s not why we write [songs]. It’s parang bonus na lang po ’yon kung mangyari man po ’yon. But especially for this song, I remember when we were writing, nandito lang kami sa studio ina-antok na kami, matutulog na kami… I was just tinkling the piano and then words started coming out. And we felt like, ‘Okay, let’s put it as an option.’

“It’s more of like, ‘Okay, it’s a nice song, let’s see where it takes us.’ Ganyan. And we’re really blessed.”

Carl, in behalf of the Juans, also took the media launch as an opportunity to thank all the directors who have been using their songs either as a title, theme, or soundtrack.

“Maybe this is the good time to really acknowledge ’yong mga filmmakers na nagbibigay ng chance sa mga kanta namin na maging soundtrack nila.

“’Yon po ay hindi namin kontrolado. Wala kaming kinalaman doon. Nagugulat lang kami—especially ’yong for the movie ni KimJe [Kim Molina and Jerald Napoles], talagang nagulat na lang ako, narinig ko na lang sa trailer.”

(Ang tinutukoy ni Carl ay ang masakit din nilang awaiting “Hatid,” na ginamit na theme song ng KimJe movie’ng Ikaw at Ako at ang Ending na kasalukuyan pa ring streaming sa Vivamax.)

“So, we’re so thankful,” patuloy ni Carl. “Napakalaking bagay po nu’n para sa mga artists na kagaya namin, ’yong makasama sa pelikula ’yong aming awitin. So, we’re expressing our gratefulness sa mga directors na nag-a-eye sa mga awitin namin. Dahil po sa inyo kaya strong and confident kami sa mga susunod pa naming moves sa industriya na ito. So, thank you po.”

And speaking of trending, habang sinusulat naming ito ay trending  na at #46 ang “Dulo” music video sa YouTube. Hindi kami magtataka kung bukas ay mas tumaas pa ito. 

Here’s the link to watch the wasak puso trending “Dulo” music video/short film:

YOU MAY ALSO LIKE:

The Juans, may pa-comeback sa kanilang 6th anniversary

The Juans reflect on 2020 challenges and toxic traits in first 2 episodes of their KwentoJuan podcast

The Juans re-enter the Billboard as “Sirang Plaka” bags the no. 1 spot of its LyricFind Global Chart

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment