Alex Gonzaga, nahablutan ng cellphone; nahuling kawatan, hindi na kinasuhan

Maging ang misis ng snatcher ng kanyang phone ay birong-totoong pinasalamatan din ni Alex Gonzaga. “And lastly salamat sa asawa ng snatcher ko dahil subscriber daw pala sila!”

PHOTOS: @cathygonzaga on Instagram & @gmanews on Facebook

Maging ang misis ng snatcher ng kanyang phone ay birong-totoong pinasalamatan din ni Alex Gonzaga. “And lastly salamat sa asawa ng snatcher ko dahil subscriber daw pala sila!”

Ganu’n na lang ang pasasalamat ng actress-vlogger na si Alex Gonzaga nang maibalik sa kanya ang kanyang cellphone matapos itong hablutin ng snatcher along EDSA sa Makati City.

Sa Instagram Story at Alex Gonzaga Official Facebook Page n’ya kagabi, August 25, idinaan ng aktres ang kanyang pasasalamat sa mga tumulong para maibalik sa kanya ang nakuhang gadget. 

“Got my phone back after mahablot sa edsa!!! Thank you so much sa Guadalupe nuevo police sub-station 7 for helping us,” pahayag ni Alex sa kanyang IG story at inisa-isa ang mga rumespondeng pulis.

Nagpasalamat din s’ya sa kanyang driver at mga motoristang hindi nag-atubili na habulin at hulihin ang isa sa mga snatchers. 

“Salamat din Talaga sa driver ko Kay kuya arvi kasi hinabol nya yung mga snatcher at maraming motorista and mga kapwa na nasa kalsada ang nakihabol at tulong sa paghuli ng isa sa mga snatchers,” lahad n’ya. 

Maging ang misis ng snatcher ay birong-totoong pinasalamatan din n’ya. 

“And lastly salamat sa asawa ng snatcher ko dahil subscriber daw pala sila!

“Thank you Lord! Marami pa rin talaga ang mas mabubuti at matulungin na kapwa natin,” pagtatapos ni Alex. 

Aniya pa, ang assistant niyang nagngangalang Sofie ang may hawak ng phone dahil may pinapakuhanan siya ng picture dito. At dahil mabagal ang daloy ng trapiko kaya agad na nadiskartehan sila ng mga snatchers.

Sa ulat na inilabas ng GMA News Facebook page ngayong araw, August 26, sinabi ni Makati Sub Station Commander PCapt. Edison Mabaet na nasa loob ng kanyang sasakyan si Alex kagabi sa Brgy. Guadalupe Nuevo, Makati City nang mangyari ang insidente. 

Hawak diumano ng assistant ng aktres ang cellphone nito para kuhanan ng picture ang isa sa mga billboard doon nang hablutin ’yon ng tatlong suspek.

Nahabol at naaresto ang isa sa mga snatchers pero wala sa kanya ang cellphone ni Alex. Naibalik naman iyon sa aktres matapos ang isinagawang follow-up operation. 

Kalakip ng FB post ang larawan ng nahuling kawatan bagamat naka-blurr ang mukha nito. 

Pinalaya din daw kaagad ang nahuling suspek dahil hindi na nagsampa ng reklamo si Alex. 

Arestado ang isang snatcher matapos hablutin ang cellphone ng aktres at vlogger na si Alex Gonzaga sa Makati City….

Posted by GMA News on Wednesday, August 25, 2021

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika’s Pick: Gonzaga sisters’ Mommy Pinty and Daddy Bonoy turns to vlogging and got silver play button milestone within 24 hours

Pika’s Pick: Alex Gonzaga congratulates self for making it to 15 in showbiz

Alex Gonzaga on being a mommy: “Gusto ko na s’ya pero pag nand’yan na parang feeling ko, ‘Ay, hindi ko pala kaya.’”

Alex Gonzaga reveals she has been Mrs. Mikee Morada since November

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment