Andrea Torres at Bianca Umali, puring-puri ng Legal Wives creator na si Suzette Doctolero

Naging instant fan daw ni Andrea Torres ang creative head ng Legal Wives na si Suzette Doctolero dahil sa galing na ipinakikita nito sa show. “Hindi lang siya katawan. May puso, talino at husay ang babae!”  Dagdag pa ni Suzette, hindi rin daw nagpapatalo sa aktingan ang mas nakababatang si Bianca Umali. “Naiiyak ako kapag umiiyak siya. Natutuwa ako na makatrabaho siya lagi dahil bata pa pero tunay na magaling na.”

PHOTOS: @andreaetorres & @bianxa on Instagram

Naging instant fan daw ni Andrea Torres ang creative head ng Legal Wives na si Suzette Doctolero dahil sa galing na ipinakikita nito sa show. “Hindi lang siya katawan. May puso, talino at husay ang babae!”  Dagdag pa ni Suzette, hindi rin daw nagpapatalo sa aktingan ang mas nakababatang si Bianca Umali. “Naiiyak ako kapag umiiyak siya. Natutuwa ako na makatrabaho siya lagi dahil bata pa pero tunay na magaling na.”

Napuri ng Legal Wives (LW) concept creator at head writer na si Suzette Doctolero ang dalawa sa cast members ng Kapuso primetime series na sina Andrea Torres at Bianca Umali.

Sa cultural drama series, si Andrea ang gumaganap na Diane, ang second wife ng Maranao businessman na si Ismael Makadatu played by Dennis Trillo, habang si Bianca naman si Farrah, ang ikatlong asawa ni Ismael.

Sa kanyang Facebook post kahapon, August 26, sinabi ni Suzette na naging tagahanga na daw s’ya ni Andrea dahil maliban sa pagiging mahusay nitong artista ay mabuting tao rin daw ito. 

“Napanood ko na nang dalawang beses ang ep[isode] ng Legal Wives kagabi. Ang pagkikita ng dalawang Misis. Naging fan ako bigla ni Andrea Torres dahil sa LW,” pahayag ng TV writer sa kanyang FB post. 

“Ang sarap panoorin ng mga nuances na ibinibigay niya sa role niya. Hindi lang siya magaling na artista, napakabuting babae pa.”

S’ya daw mismo ang naka-saksi kung paano ito kumilos at makitungo sa mga tao sa set during their lock-in tapings sa Laguna. 

“Sa loob ng apat na lock in taping (na kasama ako, isa ang hindi) ay naobserbahan ko siya: always smiling at palabati sa lahat (may katungkulan man o wala), kapag rest day ay nagbabasa ng libro, pili ang salita pero may laman, dumarating rin sa set na kabisado na ang linya,” pagre-recall ni Suzette.

Inisa-isa pa n’ya ang mga katangian ng aktres base sa naging observation n’ya dito nang magka-usap daw sila. 

“Nakakwentuhan ko rin nang ilang beses kaya alam ko kung gaano niya kamahal ang pamilya niya,” lahad pa n’ya. “Masunurin din sa magulang, generous na ate. Pinalaking may strong sense of values. May sense kausap at malalim.”

Pagbibida pa ng Kapuso TV writer, “Yes, hindi lang siya katawan. May puso, talino at husay ang babae!”

Sa kasunod naman n’yang post, ang Kapuso star naman na si Bianca Umali ang pinapurihan ni Suzette dahil sa husay nitong umarte. 

“Pero hindi lang si Andrea ang artistang babae na lumutang sa Legal Wives. Isa rin si Bianca Umali sa paborito ko,” patuloy niya. 

“Gandang lumulutang lalo at morena, napaka expressive ng mata at mukhang virginal. At alam niyang gamitin iyon para iparamdam sa atin ang iba’t ibang emosyon.”

Masaya daw s’ya na s’ya mismo ay nadadala sa acting ni Bianca. Meaning, talagang pinaghuhusayan ng aktres ang pagganap nito sa karakter na isinulat n’ya. 

“Naiiyak ako kapag umiiyak siya. Natutuwa ako na makatrabaho siya lagi dahil bata pa pero tunay na magaling na,” pagtatapos ni Suzette. 

Anyway, dahil pansamantalang magpapaalam due to season break ang The World Between Us nina Alden Richards at Jasmine Curtis Smith ay ang Legal Wives nina Andrea Torres, Bianca Umali, Dennis Trillo, and Alice Dixson ang papalit sa timeslot nito simula sa Lunes, August 30, sa GMA Telebabad.

YOU MAY ALSO LIKE:

Andrea Torres, ready na daw ma-in love muli

Andrea Torres, na-appreciate na ngayon ang outcome ng pagpapa-sexy niya onscreen

Bianca Umali, thankful na tawaging “Epik-serye Princess” ng Netizens

Bianca Umali, hindi apektado sa natamong pambu-bully at pang-ba-body-shame sa social media; aniya: “…nobody needs any validation from anyone to say how beautiful they are.”

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment