Naging madamdamin ang aktres na si Jaclyn Jose nang ilahad n’ya ang kanyang pangungulila sa dalawa n’yang anak na sina Andi Eigenmann at Gwen Garimond Guck.
Naganap ang paglalahad n’ya sa one-on-one interview n’ya with comedian-vlogger and talent manager na si Ogie Diaz na in-upload sa YouTube kahapon, December 22.
Alam ng publiko na pinili ng panganay n’yang si Andi na manirahan sa Siargao with her future husband Philmar Alipayo at kanilang mga anak, habang ang bunso naman n’yang si Gwen ay ginusto palang mag-aral sa Amerika.
Dahil dito ay natanong ni Ogie ang multi-awarded actress kung nasanay na ba s’yang nag-iisa ngayong wala na sa poder n’ya ang dalawa n’yang anak.
“Kailangan, wala akong choice,” diretsong sagot ni Jaclyn. “Ayokong pigilan ang mga anak ko sa gusto nilang gawin. Kasi ako, nahawakan, napigilan [ng nanay ko noon]. Kung ano man ang gusto nilang tahakin gusto ko silang hayaan.”
Napilitan lang daw kasi s’ya noon na pasukin ang showbiz kahit labag sa loob n’ya para makatulong sa pamilya. But as destiny would have it, minahal naman niya ito eventually to the point na isa na siya sa mga most-awarded actress of her generation.
However, ayaw daw niyang maranasan ng kanyang mga anak ang pilitin sa mga bagay na hindi nila gusto.
“I want them to enjoy life kasi life is short. Lalo na ngayon. Dati, cliche ’yan [kasabihan na ’yan], e. This pandemic you can really tell that life is short.
“So, gusto [ni Gwen] mag-aral sa States? Sige. Gusto ni Andi manirahan sa Siargao to create a life there? Sige. Masakit, malungkot,” pag-amin n’ya.
(Gwen left for the United States just last September).
Kinumbinsi pa nga daw n’ya ang kanyang bunso na dito na lang sa Pilipinas magtapos ng kolehiyo pero wala daw s’yang nagawa kundi ang suportahan na lang ito.
“S’yempre, nagdalawang-isip ako. Sabi ko dito ka na magtapos. At wala akong kasama,” pagre-recall ng seasoned actress. “‘Nanay, it’s not gonna be forever that I’m gonna be with you. So let me live a life.’ At 20 [years old]? Iba na kasi ang mga bata ngayon, e.”
Nami-miss n’ya daw ang pagiging malambing nito sa kanya. May certain gesture daw kasi si Gwen para iparamdam sa kanya ang pagmamahal nito.
“Kapag inakap ako nu’n at pag hinalikan ako sa ulo kasi six-footer ’yon, e,” emosyonal na lahad ng aktres.
“Nu’ng kasama ko nga si Ellie sa bahay. Wala… S’yempre, shopping, shopping… Lagi kong sinasabi, ‘I miss Aker’—Aker kasi ang tawag n’ya [Ellie kay Gwen] kasi simula nu’ng lumalaki s’ya hindi n’ya ma-pronounce ’yong uncle, so naging Aker, so, up to now he’s using Aker—‘Nami-miss ko si Aker pag nasa Zara tayo,’” kuwento pa n’ya kay Ogie sa conversation nila ng apong si Ellie.
Pag daw kasi nagsa-shopping sila noon ay isahang gamit lang ang ipinabibili nito sa ina. Kaya maging sa pag-iikot sa mall ay bitbit ni Jaclyn ang mga ala-ala ng bunso.
“Biglang sumusulpot sa likod ko [si Gwen], aakapin ako. Tapos mag-aabot ng isang shirt, isa lang. Hindi s’ya ’yong magbibigay sa’yo ng lima o sampu [na items].”
As for Andi, hindi naman daw n’ya pinanghimasukan ang desisyon ni Andi noon na iwan ang showbiz at piniling manirahan sa Siargao.
“Hindi ako nagdalawang-isip kasi alam ko na hindi ko s’ya mapipigilan,” aniya. “Si Andi ay buo magdesisyon. Hindi ko s’ya pinakikialaman…kahit sa career n’ya. Never akong naging stage mother.
“Naintindihan ko. Kung ako nga napagod, e. Ayoko naman ’yong anak ko ganu’n din. Pero si Andi hindi rin nagrereklamo ’yan. Mabilis magtrabaho kasi gusto n’ya matapos agad. At hindi sa pagmamalaki, magaling si Andi [na artista]…mahusay.”
Aniya, inunawa niya ang anak sa naging desisyon dahil na rin sa itinatagong guilt feelings.
Lagi daw kasi s’yang wala sa piling nito noong lumalaki ito because of the nature of her job as an actress. Kaya nauunawan daw n’ya na pamilya ang pinili ni Andi over her showbiz career. Marahil daw ay ayaw nitong maranasan ng mga anak ang naranasan niya noong pagiging absentee mom niya sa kanya.
Magkaiba daw sila ng panganay n’ya pag dating sa aspetong ’yon.
“Pag pinapili ako kung sino ang pipiliin ko, anak o career…career [ang pipiliin ko]. Papano ko papalakihin ang anak ko kung wala akong ipakakain?” pagdiya-justify ng single mom na si Jaclyn.
“Pero hindi ibig sabihin na pinili ko ang career ko dahil mas mahal ko ang career ko kesa sa anak ko. Mas mahal ko ang anak ko. At kung hindi ko pipiliin ’yong career wala s’yang environment na mahusay na kinalakihan o school,” paliwanag pa n’ya.
(Andi and Gwen are both Atenistas. At hindi man napalaki sa luho ay nabigyan sila ng sapat at maayos na buhay ni Jaclyn.)
At nang matanong na kung paano ang communication nila ngayong magkakalayo silang tatlo, dito na naiyak ang aktres.
“Nalulungkot pa rin ako. Lalo na ’yong bunso, ’yong lalaki. I can’t get…” naluluhang saad ng aktres.
Pero kahit na ganu’n, mas mahalaga daw sa kanya ang kaligayahan ng kanyang mga anak kahit malayo sila sa piling n’ya.
“Ganu’n ko kamahal ang mga anak ko. Nu’ng time na tinanong ako bakit hindi ako magka-partner, naubusan na kasi ako ng time, e. Sabi ko kung magkakaroon ako ng katuwang [sa buhay] tapos ’yong anak kong lalaki maiilang or mawawalan ng lugar sa akin hindi bale na lang. Mas pipiliin ko sila na lang. Ganu’n ko kamahal ang mga anak ko…Kahit buhay ko ibibigay ko,” madiing dagdag niya.
Komento naman ni Ogie, hindi naman umano umalis sina Andi at Gwen, bagkus ay gusto lang nila na maging independent sa kani-kanilang buhay.
“I’m sure deep in their hearts hinahanap rin nila ako,” pangko-console ng Kapuso actress sa sarili.
“Nu’ng hinatid ko si Andi sa hotel iyak ako nang iyak. Kasi parang, ‘Kailan ko na naman kayo makikita?’ [Sabi ni Andi], ‘Pasyal ka kasi sa Siargao.’ ‘Yeah, but you know my work is requiring so much of time. Hahanap ako [ng tiyempo],] sabi ko.
Pagpapatuloy pa n’ya, “Hanggang malakas tayo magtrabaho tayo nang magtrabaho kasi baka dumating ang time na hindi na natin kaya. Lalo na nag-iisa ako. Sinong mag-aalaga sa akin kung hindi ako mag-iipon?
“Nu’ng na-ospital ako… Sinabi ko sa’yo na na-confine ako ng two days, wala akong ginawa kundi umiyak. ‘Ganito pala,’ kako. Ang hirap nang nag-iisa,” pagtatapos n’ya.
At present ay napapanood si Jaclyn in GMA-7’s The World Between Us series na pinangungunahan nina Jasmine Curtis-Smith, Tom Rodriguez, at Alden Richards.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Jaclyn Jose, nangungulila sa dalawa niyang anak: “Ganito pala…ang hirap nang nag-iisa.”
Source: Pinoy Ako News
0 comentários :
Post a Comment