Barbie Forteza, magpapagawa ng rebulto ni Captain Barbie pag ginawang full-blown series ito

Ang pinaka-importanteng reason kung bakit love ni Barbie Forteza ang Captain Barbie role niya ay dahil sa positivity’ng dala nito sa batang fans ng show.

Photos: GMA-7 | @barbie

Ang pinaka-importanteng reason kung bakit love ni Barbie Forteza ang Captain Barbie role niya ay dahil sa positivity’ng dala nito sa batang fans ng show.

Sa Linggo ng gabi na, September 5, ang pagtatapos ng Daig Kayo ng Lola Ko Presents Captain Barbie. 

Suki na si Barbie Forteza sa Daig Kayo ng Lola Ko pero ang Captain Barbie role ang literal na tailor-made para sa kanya. Hindi na iniba ang pangalan dahil siya mismo, ang real-life kikay Barbie, ang pinaghulmahan ng character. 

Na-excite daw siya noong ino-offer sa kanya ang role bilang the “pinaka-sweet na superhero” dahil una, nakapangalan sa kanya; at pangalawa, sino nga ba naman ang ayaw mag-play ng superhero?

Pero ang pinaka-importanteng reason kung bakit love niya ang role na ito ay dahil sa positivity’ng dala nito sa batang fans ng show.

As always, Barbie delivered in terms of ratings. Rater talaga ang mi amore’ng ito ni Jak Roberto. Wala pa siyang pinagbidahang pumalya, including itong Captain Barbie. Kaya naisipan naming itanong na kung sakaling maisipan ng GMA-7 na gawing full-blown series ang Captain Barbie na hiwalay na sa Daig Kayo ng Lola Ko, ay game pa rin ba siyang gawin? 

“Wala naman pong problema sa akin dahil nag-enjoy din naman po akong gampanan si Captain Barbie,” nakangiting say ng Kapuso rater. 

“Also, nagkakaroon sila [mga bata] ng hope na meron tayong superhero, may bago tayong susubaybayan. Kasi dati ako—naging bata din naman ako—ang dami ko rin talagang iniidolong mga superhero na pinapanood ko talaga na feeling ko anytime bababa siya sa bahay ko at isi-save ako. ’Yong ganu’n?

“So, para sa akin kahit papaano nakapag-bigay ako ng hope in this time of pandemic na meron tayong taga-pagtangol sa mga bata… s’yempre sa mga bagets, sa mga tsikiting.” 

Cute na cute ang all-pink superhero costume ni Captain Barbie, kaya ang biro namin ay magpagawa na siya ng life-size rebulto at ilagay sa harap ng bahay nila.

“Siguro kapag ginawa na nilang ano full-length na show na ito. Hahaha!” kikay na sakay naman ni Captain Barbie herself.

YOU MAY ALSO LIKE:

Barbie Forteza, na-forfeit ang pagda-diet para sa dapat sana ay “kita-tiyan” superhero costume

FB page na nagpakalat na hiwalay na sila ni Jak Roberto, ipinare-report ni Barbie Forteza

Barbie Forteza, payag daw sakaling mag-frontal nudity for a project ang boyfriend na si Jak Roberto; “Mukang di naman tayo mapapahiya.”

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment