Dahil aminadong mahilig “makisawsaw in a good way,” RR Enriquez, gagawa na ng opinion vlog; latest sinawsawan: isyu ni Gerald Anderson

Ani RR Enriquez, hindi basehan ang kasal sa tagal at ikatatagal ng isang relasyon. Ang opinyon niya ay may kinalaman sa mga comments ng Netizens kay Gerald Anderson ukol sa pag-amin nitong wala pa siyang balak yayain ng kasal ang nobyang si Julia Barretto. “So you see huwag natin gamitin ang salitang kasal para lang masabing sineryoso tayo ng tao. Or minahal tayo ng tao. Dahil sa panahahon ngayon, traffic na lang sa edsa ang tumatagal. CHAR.”

PHOTOS: @rr.enriquez & @andersongeraldjr on Instagram

Ani RR Enriquez, hindi basehan ang kasal sa tagal at ikatatagal ng isang relasyon. Ang opinyon niya ay may kinalaman sa mga comments ng Netizens kay Gerald Anderson ukol sa pag-amin nitong wala pa siyang balak yayain ng kasal ang nobyang si Julia Barretto. “So you see huwag natin gamitin ang salitang kasal para lang masabing sineryoso tayo ng tao. Or minahal tayo ng tao. Dahil sa panahahon ngayon, traffic na lang sa edsa ang tumatagal. CHAR.”

Kay RR Enriquez na rin nanggaling na mahilig siyang “sumawsaw”—“in a good way”—kaya’t muli niyang pinagana ang kanyang Instagram account para magbigay ng opinyon, this time ay sa relasyon Gerald Anderson at Julia Barretto naman.

Matatandaang kamakailan lang ay naisangkot niya ang sarili sa “utangan” at “panghihiya” issue between talent manager Lolit Solis at Mark Herras

READ RR Enriquez, ipinagtanggol si Mark Herras sa umano’y  panlulugmok sa “kahihiyan” ng sarili nitong manager na si Lolit Solis
 
Ngayon naman, the TV host-actress decided na batuhan ng piece of her mind ang kanyang mga followers regarding Gerald’s pronouncement na wala pa umano siyang balak alukin ng kasal ang nobyang si Julia Barretto.

Isang quote card ang ipinost ni RR kahapon, August 25, sa kanyang Instagram at naglalaman ’yon ng sagot ni Gerald sa virtual interview nito with Boy Abunda last August 20 ukol sa pagtatapat nitong hindi pa siya ready’ng magyaya ng kasal.

Narito ang laman ng quote card statement ni Gerald: “She’s still very young and ang dami pa niyang mao-offer sa industriya natin and ang dami pa niyang maipapakita sa inyo, yung talent niya, so ayaw ko pong maging hadlang doon… If I had my way, of course, kaso hindi pa kami quota.”

Umani ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens ang sinabing ito ni Gerald. Sey ng ilan, walang masama sa mga ipinahayag ng Kapamilya actor kung bakit hindi pa man ito nagpo-propose ng kasal sa kanyang nobyang aktres. 

Hanash naman ng iba, tila pinapaasa lang daw ni Gerald si Julia na very vocal sa pagsasabing ready na itong magkaroon ng sariling pamilya. 

Ang huli ang nag-udyok kay RR para ayon na nga rin sa kanya ay “makisawsaw” sa isyu magbigay ng kanyang opinyon ukol dito.

“Gosh tigilan nyo kaka bash kay Gerald,” panimula ni RR kanyang post. “Walang masama sa sinabi nya. Sawsaw kayo ng sawsaw, makikisawsaw na din ako para join force tayo! CHAR. Ito ang nagagawa ng pandemya! Makichismis ng makichismis.”

Dahil sa mga nangyari ay feel na daw tuloy n’yang gumawa ng sarili n’yang online show para sa mga ganitong uri ng pakikisawsaw sa mga issues sa paligid.

“Actually gusto ko magkaroon ng sariling vlog show since mahilig ako makisawsaw in a good way (hindi yung maninira lang ng tao) basta magku comment lang Ganern! So start ko now?” tanong pa n’ya.

Balik ni RR sa Gerald point:  “Wala namang masama sa sinabi ni Gerald. Wala din naman sya sinabi na ayaw nya pakasalan si Julia. He’s just being wise sa decision nya!

“Julia is still young. Madami pa talaga sya iooffer sa industriya. Sayang din yung opportunity.

“Ito din yung time na dapat ini enjoy lang muna nila yung relationship nila as boyfriend and girlfriend.

“Ilang years pa lang ba sila at bakit gusto nyo ikasal na sila???”

Ayon sa kanya, hindi naman daw kasi kasal ang solusyon sa matagumpay na relasyon. 

“Yung iba kasi akala nila solusyon palagi ang kasal!” she continued. “Parang kasal ang mag di define sa pagkatao mo! Tapos ending ang dami nagpakasal na nag hiwalay. Or kasal nga pero mga miserable ang buhay mag asawa

“Sobrang dami nagdi divorce ngayon. Why? Isa sa dahilan mga nagmamadali magpakasal. Yung grabe mag plan ng wedding pero hindi naplano yung word na marriage!

Paglilinaw n’ya, “Pero hindi ko nilalahat yan ha. Madami din ako kakilala na sobrang tibay ng marriage life nila Mas madami lang talaga ang naghihiwalay Na kung makipag divorce akala mo jowa yung dinivorce

“Kaya hayaan natin yung tao, if he doesn’t want go get married for now huwag natin sya pakialamanan.”

Ginawa pa n’yang halimbawa ang sarili at kanyang partner, ang retired PBA player na si Jayjay Helterbrand, na aniya ay matibay pa rin ang relasyon kahit hindi sila kasal.

“Ako nga 38 na at si frog 45 pero wala kami ka plan plan Pero mas tumagal pa relasyon namin sa ibang nagpakasal. Ehem proud 12 years,” saad pa ni RR.

“So you see huwag natin gamitin ang salitang kasal para lang masabing sineryoso tayo ng tao. Or minahal tayo ng tao. Dahil sa panahahon ngayon, traffic na lang sa edsa ang tumatagal. CHAR.”

Pahabol na tanong pa n’ya sa kanyang online followers, “Any name ng talkshow vlog na maisa suggest nyo? Parang gusto ko gawin?”

YOU MAY ALSO LIKE:

Lolit Solis, may buwelta kina RR Enriquez at iba pang personalidad na naki-“sawsaw” na utangan issue nila ni Mark Herras

Mark Herras and fiancée Nicole Donesa welcome baby boy Mark Fernando

Dahil sa sunod-sunod na pa-blind items sa Instagram, Janus del Prado, may death threat?

Julia Barretto, gusto nang magka-pamilya “next year”?

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment