Mikael Daez at Megan Young, di napangatawanang sa Subic na manirahan

Sa loob ng labing-isang taon, nananatiling isang Kapuso ang actor na si Mikael Daez. At kahapon, August 26, ay muli siyang pumirma ng network contract sa GMA-7.

Nang pasukin niya ang showbiz, hindi raw niya inakalang magtatagal siya dito at magiging leading man pa ng mga aktres ng GMA.

Nagsimula si Mikael bilang isang modelo at graduate na rin siya ng kolehiyo nang pasukin ang pag-aartista.

At aniya, marami raw talagang magagandang opportunity sa showbiz kung pahahalagahan mo lang. Iyon ang paniwala niya kaya’t never sumagi sa isip niyang mag-quit.

“It’s more on personal value,” saad niya kung bakit hindi siya nag-quit. “Kasi, nag-commit ako rito. At dahil nag-commit ako rito, bakit ako magku-quit? May chance pa naman, e.

“Palagi namang may opportunity at kung magku-quit ako, kasalanan ko ’yun and I never wanted it to be my fault. Palagi ko lang iniisip na go lang tayo nang go kasi palaging may opportunity rito.

“I guess, ’yun ang naging motivation ko.”

At this point ay hindi pa raw niya mare-reveal kung ano ang mga inilatag na plano sa kanya ng GMA-7. Basta raw at puno lang siya ng pasasalamat para sa network na kumalingan sa kanya for the past 11 years.

“Hindi ko alam kung puwede kong sabihin ’yung mga sinasabi sa akin,” natawang sabi niya. “I’m pretty sure hindi ko p’wedeng sabihin kasi hindi ko alam kung matutuloy siya o hindi. 

So, there’s a number of projects na napag-uusapan, pero ’yun nga, I always tell people na because of the situation, biglang magkakaroon ng mahigpit na rules, mahigpit na quarantine.

 “Talagang nagagalaw ’yung mga schedules. And I understand why it’s so hard also na hindi parang dati na pwede mong sabihin na oo, may niluluto silang ganito.

“So it’s a bit harder nowadays pero, definitely maraming activity with GMA and it makes me very happy to hear.”

Ilan sa mga Kapuso leading ladies na nakapareha na ni Mikael ay sina Marian Rivera, Carla Abellana, Rhian Ramos, his wife Megan Young, at ang nakilalang ka-loveteam niya na si Andrea Torres.

May mga hinahangad pa ba siyang maka-trabaho o makapareha?

“Kung sino ang gusto kong maka-trabaho? So I was asking my wife, sinabi ko, ‘Bonez (term of endearment ni Mikael kay Megan Young), sa rami ko nang naka-trabahong artista sa GMA, sino pa ba ang hindi pa?’

“Then I realized that I actually worked with Lovi (Poe) once, do’n sa ‘Titser’ but I haven’t really worked with her. So, that would really be interesting.

“And then, sabi ni Megan, ‘Si Heart (Evangelista) hindi mo pa nakaka-trabaho.’ Sabi ko sa leading ladies na medyo ka-age ko, sila ‘yung mga naisip namin.”

Nagpakita rin ng interes si Mikael na maka-trabaho ang mga batang artista ng Kapuso network.

“Pero come to think of it, ang daming mga talents na younger na talented sila. Kasi, nakikita ko sila sa YouTube, sa Facebook, sa mga Instagram nila, sa posts ng GMA.

“Alam mo, napaka-interesting din siguro if I’ll get paired off with someone younger. How does that work? Ano ang lalabas na chemistry? Ano ang lalabas na dynamic? So interesting din ’yon.”

Sa isang banda, bago mag-pandemic ay nagdesisyon na silang mag-asawa na iwan na ang Manila at sa Subic na maninirahan.

Pero tila nagbago na ang desisyon nila. A work opportunity in Manila made it difficult for them to go back and forth.

“At first, akala namin p’wede na kaming lumipat ng Subic, may lugar na kami doon, pero alam niyo naman kami ni Megan, very spontaneous kami, very fluid,” esplika ni Mikael.

“Biglang nagkaroon ng work and we found out na mas magagawa namin ’yung work nang maayos kung dito tayo sa Metro Manila.

“So, naisip namin na hindi naman natin kailangang sabihin na dahil nagdesisyon tayo, do’n na tayo pupunta, ’di ba?

“So, the best decision is to stay here in Metro Manila at kapag maluwag na ang mga quarantine rules, we go to Subic. Maybe for a day, for a weekend lang. For the meantime, Metro Manila kami.”

Kinumpirma naman niya na may bahay na rin sila sa Subic.

“May lugar na kami do’n, thankfully,” saad niya. “Akala talaga namin lilipat na kami.”

Aminado rin si Mikael na gaya ng karamihan, maraming diniskaril na personal plans nila ni Megan ang pandemic. Pero dahil umano rito ay natuto siyang mag-slowdown.

“I think nag-slowdown ako because of the pandemic. Hindi na tayo nakakalabas,” sey niya.

“Kasi most of us, may mga plano tayo, may mga dreams tayo na biyahe tayo rito, pag-ipunan natin ’to but because of the pandemic, parang naging useless na ang mga goals na ’yun.

“Kasi bakit ka bibili ng let’s say mag-iipon ka for something else, e hindi mo naman magagamit during pandemic. So marami talagang nagbago and in general, ang naging effect no’n, mas nag-slowdown kami and mas nag-simplify ’yung lifestyle namin.”

’Yung hindi nga raw nila nagagawa ni Megan noon ay nagagawa na nila ngayon.

“We have time to wash the dishes, clean the house. Clean the dogs and take care of the hygiene of our dogs which takes a lot of time apparently, our cat as well.

“So, parang nag-slowdown talaga ’yung life at mas na-appreciate namin ’yung moment. Yes, we still work. But it’s also being happy with what you have and I’m happy na happy kami na ganito lang.”

Ang pinaka-malaking adjustment daw sa kanilang mag-asawa ay ’yong hindi na nila ma-incorporate sa mga immediate plans ang mag-travel. Kilala pa naman sila bilang isa mga celebrity couples na may motto’ng “Travel is life.”

“The biggest adjustment that we made when the pandemic hits would be our plan to travel,” pag-amin ni Mikael. “Kasi, we got married January 2020, pandemic tumama sa atin mga March 2020, first quarantine natin ’yon. So, lahat ng mga plano namin na sige, tayo na, ‘wag muna tayong magka-baby, nagbago ’yun.

“Kasi we’re thinking we can travel around the Philippines or we can go to different places around the world. Pero, naudlot ’yun…

“We adjusted naman. Here we are.”

YOU MAY ALSO LIKE:

Megan Young at Mikael Daez, hindi pa ready’ng magka-baby

Mikael Daez and Megan Young celebrate first wedding anniversary and 10 years of being lovers

Mikael Daez at Megan Young, nag-goodbye Manila na para tumira sa Subic, Zambales

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment