Derrick Monasterio, nagbabaka-sakaling maka-training sa weightlifting si Hidilyn Diaz; Richard Gomez, peg naman sa pagiging actor-sportsman

Inamin ni Derrick Monasterio sa kanyang “Virgo” album launch na gusto rin niyang maging Olympian at weightlifting din ang sport of choice niya. Kaya naman idol niya ang ating first over Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz. At dahil do’n, madalas daw niya ito’ng i-DM [direct message]. Bukod raw kasi sa gusto niyang magpa-autograph dito, ay dream niyang maka-training ito. “Gusto ko kasi ipa-sign ’yong mga plates ko…’yong shoes ko gusto ko ipa-sign. Sinasabi ko sa kanya na, ‘Pareho tayo ng ginagawa. Sana minsan mag-training tayo [nang] sabay.’ Ganyan.”

PHOTOS: @derrickmonasterio @hidilyndiaz @richardgomezinstagram

Inamin ni Derrick Monasterio sa kanyang “Virgo” album launch na gusto rin niyang maging Olympian at weightlifting din ang sport of choice niya. Kaya naman idol niya ang ating first over Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz. At dahil do’n, madalas daw niya ito’ng i-DM [direct message]. Bukod raw kasi sa gusto niyang magpa-autograph dito, ay dream niyang maka-training ito. “Gusto ko kasi ipa-sign ’yong mga plates ko…’yong shoes ko gusto ko ipa-sign. Sinasabi ko sa kanya na, ‘Pareho tayo ng ginagawa. Sana minsan mag-training tayo [nang] sabay.’ Ganyan.”

Maliban sa pagiging successful actor ay goal din daw ni Derrick Monasterio na maging Olympian at mai-represent ang Pilipinas sa world’s biggest sporting event. 

Sinabi n’ya ito during his virtual media conference kahapon, August 18, para sa kanyang upcoming single na “Virgo” under GMA Music.

Natanong kasi ng entertainment press ang Kapuso hunk kung na-o-offend ba s’ya kung puro pagpapa-sexy ang ini-expect sa kanya ng mga fans. 

Sa totoo lang, hindi naman ako nagpapa-sexy talaga, e,” sagot ng aktor sa press via Zoom. “Nagwo-workout lang talaga ako kasi gusto ko lang lumakas. Gusto ko lang… Actually, ang downfall ko sa showbiz gusto ko maging ano, e…Olympic athlete.”

Very evident naman sa Instagram Stories ni Derrick ang pagkahumaling n’ya sa weightlifting na s’yang sports din ni Hidilyn Diaz na unang nakasungkit ng first-ever Olympic gold medal ng Pilipinas sa katatapos lang na Tokyo 2020 Olympics. 

Mga two years ko nang tine-train ’yan. Sumikat lang s’ya [ang weightlifting] dahil sa mga atleta natin ngayon,” k’wento pa ng aktor. “Pero gusto kong sumali sa Olympics, gusto kong sumali sa CrossFit games sa US.”

At talagang seryoso daw s’ya dito. 

Sa ngayon, doon talaga ako naka-focus. Like, I’m training every day. Meron akong tatlong coach. Meron akong meal plan. As in, para talaga sa sarili ko,” aniya. 

“With how I’m doing right now, medyo malayo na rin ’yong narating ko sa training. Ngayon, sobrang nagdi-disiplina ako. Last time kong uminom ng alcohol was one year ago. 

Grabe na ’yong disiplina ko sa sarili ko, like, natutulog ako nang maaga ngayon, especially na nagkaroon ng pandemic at nawalan ng mga shows. Natutunan kong baguhin ’yong habits ko po. 

Sana mag-translate s’ya. Masarap din kasi na nire-represent mo ’yong Philippines sa mga [international] games,” lahad pa n’ya. 

Nang matanong pa kung saan s’ya humuhugot ng ganu’ng attitude sa kabila nang pagiging busy sa pag-aartista, sinabi ni Derrick na nai-inspire daw s’ya sa actor-turned-politician na si Richard Gomez na kilala ring fencer at volleyball player. 

Gusto ko parang maging Richard Gomez, ganu’n. Parang actor, model, Olympian,” lahad ni Derrick. “Parang gusto ko lang makita ’yong limit ko, ’yong kaya ko, ganu’n. 

Kasi one thing about me is ’yong utak ko hindi talaga ito gumi-give up, e, kahit na gaano ako kapagod. Kahit na gaano kabigat bubuhatin ko talaga ’yan kahit na anong mangyari, kahit na ma-injure ako. 

Pagpapatuloy n’ya, “Minsan, bigla na lang may magka-crack-something, somewhere kasi pinipilit kong buhatin kahit mabigat. So, feeling ko, ’yon ’yong advantage ko, e. May ganu’n akong mentality na hindi talaga ako susuko kahit na ano’ng mangyari. So, feeling ko mata-translate ko s’ya sports.”

Pag-amin pa ng Kapuso actor-singer, nagme-message daw s’ya kay Hidilyn Diaz at nagbabakasakaling makahingi s’ya ng tips mula dito. 

“Honestly, lagi ko s’yang dini-DM [direct message],” natatawang pag-amin ni Derrick. “Gusto ko kasi ipa-sign ’yong mga plates ko…’yong shoes ko gusto ko ipa-sign. Sinasabi ko sa kanya na, ‘Pareho tayo ng ginagawa. Sana minsan mag-training tayo [nang] sabay.’ Ganyan. 

Kasi honestly, mas malakas s’ya sa akin nang sobra, e. Kahit na lalaki ako, kahit na mas mabigat ako sa kanya, mas mabigat ’yong binubuhat n’ya [kesa] sa akin. And gusto ko malaman kong ano ’yong technique para magawa ’yon.”

Sa ngayon daw kaya na n’yang magbuhat ng mas higit sa timbang ng isang full size human pero aminado s’yang kailangan pa n’yang i-polish ang kanyang technique.

Nagre-reply naman kaya si Hidilyn sa mga DMs n’ya?

Hindi,” natatawang sagot ni Derrick. “Feeling ko busy [s’ya]. Feeling ko maraming nagdi-DM sa kanya ngayon.

Anyway, bukas, August 20, opisyal nang ire-release ang bagong kanta ni Derrick na “Virgo” na ibang-iba daw sa kinasanayan n’yang genre na ballad. Tunog pang-party daw kasi ito na tiyak na magugustuhan ng kanyang younger fans. 

Napapanood din si Derrick sa cultural drama series na Legal Wives, weeknights sa GMA Telebabad.

YOU MAY ALSO LIKE:

Derrick Monasterio, bumili nga ba ng lote sa Tagaytay?

Juancho Trivino, kaya raw higitan ang pagiging daring ni Derrick Monasterio

Pika’s Pick: Juliana Gomez ranks 3rd in a SEA Games qualifying fencing competition facilitated by her dad, Ormoc City mayor Richard Gomez

Derrick Monasterio gustong makatambal sa isang “wilder at mas daring” na project ang long-time secret crush na si Jessy Mendiola

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment