Kiko Estrada breaks silence on “overlap” issue: “I’m not a cheater and she’s [Heaven] not a third party.”

Makalipas ang ilang buwan matapos ang break-up issue ni Kiko Estrada sa dating girlfriend na si Devon Seron at ang pag-amin nila ngayon ni Heaven Peralejo na sila na nga ang magkasintahan,  nagsalita na finally ang actor para linawin ang ilang bagay na inaakusa sa kanila ni Heaven ng Netizens.

Ang pagbe-break ng silence ni Kiko ay naganap sa YouTube vlog ni Ogie Diaz na in-upload ngayong araw, August 24.

Dalawang taon rin daw ang itinagal ng relasyon nila ng ex-girlfriend na si Devon. Pero ang unang binigyang linaw ni Kiko ay wala umanong  overlapping na naganap sa relasyon niya noon kay Devon at sa relasyon niya ngayon kay Heaven.

“We split Valentine’s Day 2021,” paglalahad ni Kiko ng actual date raw ng break-up nila ni Devon. 

Isang buwan pa raw pagkatapos ng break-up nila ni Devon no’ng pumasok sa buhay niya si Heaven.

“Pero we’re still not together at this point, we we’re just talking and trying to get to know each other…because we were formed through adversity, through the hardships, through the issue, we became closer.

“So I would never expect na magiging kami. Nakakalungkot lang na it had to be this way, ’yun nga, ’yung reaction ng people.”

At inamin naman ni Kiko na kaya siya nagpapa-interview ay dahil sa mga paratang daw kay Heaven ng mga netizens na mang-aagaw ito.

“To clarify everything, I think it’s long overdue. Kasi, I’m the type naman na ma-respeto ako sa past, sa present at sa future in any way. So, I don’t really talk about my private life. But this is going overboard na kasi. Parang I just want them to know the truth and to know the specific timeline from me.”

Kung ang break-up daw nila ni Devon ay naganap ng araw na dapat ay masaya ang magka-relasyon, which was February 14 [2021], ang pagiging official couple naman daw nila ni Heaven ay noong May 13, 2021 na.

Hindi rin daw niya alam kung bakit pilit pa rin idinidikit ang relasyon nila ngayon ni Heaven sa nakaraan nila ni Devon.

“Hindi ko nga alam… well I guess, people believed what they want to believe. ’Yun nga ang nakakalungkot that’s why I stopped social media…Because alam ko naman na people will judge you no matter if they know everything or they truly know who you are.

“So, parang I gave up to the whole point that I want them to understand, I want them to really know the truth because I know they will believe whatever they want to believe.”

Pero nasasaktan daw siyang nakikitang nasasaktan si Heaven sa mga paratang dito kabilang na ang bansag na “ahas” ng Netizens.

“Seeing the person you love hurt by lies, fabricated truth, it takes like a man to stand up, to tell the truth. To tell what really happened.

“I’m a private guy if you noticed, nakakalungkot lang na I had to reach to this point to show or to tell everyone the truth.

“Kasi, mahirap naman ’yung taong mahal mo, nakikita mong malungkot.”

Sabi pa niya: “You know, bashing is okay. Bashing will always happen pero tao rin kami. Naaapektuhan din kami.”

Maski daw siya ay nasasaktan din sa mga paratang sa kanilang dalawa ng girlfriend niya.  

“Na I’m a cheater and Heaven is a third party. I’m not a cheater and she’s not a third party,” pagbibigay diin pa ni Kiko.

“There’s nothing like that that happened. Kasi kung totoo, tatanggapin ko. I mean, we have to live with it, ’di ba?

“The truth will set you free but this is not the truth. This is something na they would want to believe. They would want to point and say that I’m the bad guy and she’s the bad girl.

“Like sa teleserye or sa pelikula, kailangan may kontrabida. I guess that’s what they want. I’m just here to explain and to clarify and say thank you to people who understand.

“I just hope they’re responsible to know the whole truth before they make judgement. Tao rin tayo, masakit din sometimes when you hear those things, especially if not true. Gusto mo na lang na—well, what’s the right avenue and what’s the right way to say it?

“Should I just… dededmahin ko na lang ba? Well, I can’t right now because the person that I love is really hurt. And it sucks na imbes na masaya kayo, imbes na masaya siya, I can’t give that and I think na doing this, I hope people would understand why I’m doing this right now and why not before.”

Samantala, inamin din ni Kiko na hindi raw talaga maganda ang naging break-up nila ni Devon.

“Of course, yes,” pag-amin niya. “It was not a good break-up but it’s a break-up. I wish her well and I wish her the best.”

Sa tanong kung magkaibigan pa sila ni Devon, “Civil. I think, that’s the perfect word for that, civil. I wish her the best because she deserves it.”

At kung ang Nanay ni Heaven ay nakukuhang magpo-post sa social media para ipagtanggol ang anak sa isyu; ang kapatid naman ni Devon ang tila palaban sa pagbibigay ng reaksiyon.

May karapatan ba, sa pananaw ni Kiko, ang pagsali ng kapatid ni Devon sa isyu?

“I think she’s just hurt,” analisa naman ni Kiko. “I guess nasaktan sila sa nangyari or– I never overlapped. I guess if they want to blame something on me, I’ve moved on fast and I don’t think it’s my fault.”

Tinanong din si Kiko kung meron daw ba itong gustong sabihin sa kapatid ng ex niya. Bilang ito ang nag-post na parang may insinuation na may overlapping na naganap at may “resibo” rin itong tinutukoy—meaning, may ebidensiya umano ito.

“I respect their whole family and I know they’re hurt,” saad niya. “And I’m sorry if I hurt them as a family. And I never intended to. I just hope they stop. I just hope they move on.”

Dati raw kasi, hindi niya pinatulan ang isyu at mga paratang dahil inisip niyang mamamatay na lang kung dededmahin na lang niya.

Wala na raw intensiyon si Kiko na pag-usapan pa nila ni Devon ang mga nangyayari, pero hangad daw niya na maging masaya ito.

“To be honest I have no inclination,” sey niya.

“I just wish her the best and when I see her, I want to see her happy, good in life, healthy…I want to see her with a big smile. Kahit na mag-nod siya sa akin at mag-nod ako sa kanya. That’s enough for me.”

Dugtong pa niya: “Like I’ve said, it might not be a good break-up. We might not talk that much, we might not be friends but I wish the best, genuinely, I wish her the best. She deserves it.”

YOU MAY ALSO LIKE

Heaven Peralejo, nag-turn off ng comment section sa Instagram matapos ulanin ng maaanghang na comments ang simpleng post niya

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment