Kisses Delavin, may “Titanic level” experience sa barkong RoRo bago sumalang sa swimsuit photoshoot ng Miss Universe PH

The last time na bumiyahe raw si Kisses Delavin at ang pamilya niya sa RoRo for the Miss Universe PH’s swimsuit pictorial ay masyadong maalon ang dagat. Gayunpaman, pinili niyang manatiling gising all throughout na kanya raw pinagsisihan. “So, I did not sleep. Pinagsisihan ko ’yon. For six to seven hours…Titanic level [ang sitwasyon sa barko],” natatawang recall ni Kisses. “Kumakapit ako sa chair ko.”

PHOTOS: @kissesdelavin on Instagram

The last time na bumiyahe raw si Kisses Delavin at ang pamilya niya sa RoRo for the Miss Universe PH’s swimsuit pictorial ay masyadong maalon ang dagat. Gayunpaman, pinili niyang manatiling gising all throughout na kanya raw pinagsisihan. “So, I did not sleep. Pinagsisihan ko ’yon. For six to seven hours…Titanic level [ang sitwasyon sa barko],” natatawang recall ni Kisses. “Kumakapit ako sa chair ko.”

Ang nakakatakot na experience sa pagbiyahe-biyahe sa barko mula Masbate papuntang Manila ang isa sa naikuwento ng aktres at Miss Universe PH candidate na si Kisses Delavin sa YouTube Live ng TV host na si Boy Abunda kagabi, August 29, bago ang actual na pag-gi-guest n’ya sa online show nitong The Purple Chair Interview

“Did you know that the moment we came to Manila, sinabi ko na agad kina mommy na ‘Kelan nga? Kelan tayo magmi-meet with Tito Boy?” excited na bungad ni Kisses sa Kapamilya TV host and talent manager. 

Nu’ng [August] 22 pa kami dumating,” pagpapatuloy ng aktres. “Nag-RoRo kami, Tito Boy. Yes, kasi dapat…”

[Ang RoRo, short for roll-on/roll off ay cargo ship kung saan isinasakay ang mga wheeled vehicles gaya ng kotse, bus, truck, at iba pa.]

Talaga?” sagot ni Tito Boy sa kanya. “Fun? Okey naman?

“Fun kasi tulog po ako. Kung gising po ako hindi ’yon fun,” natatawang tugon ni Kisses. 

At dito na n’ya na-bring up ang isang nakakatakot n’yang karanasan noon sa biyaheng-RoRo prior to this particular trip. 

Kasi nu’ng papunta ako ng Manila last time, Tito Boy, nag-RoRo din kami… So ang nangyari I didn’t care kasi RoRo lang,” pagbabalik-tanaw ni Kisses. 

“So, I did not sleep. Pinagsisihan ko ’yon. For six to seven hours…Titanic level [ang sitwasyon sa barko]. Kumakapit ako sa chair ko,” natatawa na lang na k’wento n’ya. 

Maalon?” tanong ni Boy.

“Opo…Thank God, I survived,” sagot ng Pinoy Big Brother graduate.  “D’yos ko, pag dating sa Manila, Tito Boy, may swimsuit photoshoot. So, sabi ko, ‘Ah, laban!’ Hahaha!

Natatawang sang-ayon naman ng TV host sa inilahad n’ya, “Galing sa alon… Swimwear… Laban na kung laban.” 

“Swimwear… Hinanda ako [ng mga alon],” dugtong pa ni Kisses. 

Dahil sa k’wento ni Kisses ay napa-share din ng kanyang karanasan sa biyahe si Tito Boy na tubong-Eastern Samar naman.

Ako naman, sanay ako sa barko kasi nu’ng kami ay mga bata pa, nag-aaral kami dito sa Maynila. Talagang barko [ang sasakyan],” k’wento ng proud Waray celebrity. 

“So, sanay na ako sa sumasayaw-sayaw na barko sa dagat. I am very comfortable with the sea. Ang medyo takot ako, ’yong [matataas na alon].”

Kampante na daw sila sa biyahe kahit maalon kung may nakikita na silang isla. 

Parati nga, pag nagta-travel kami from Tacloban o Catbalogan to Manila na naka-boat, barko, RORO…may malaki may maliit. Parati ang sinasabi ko, ‘Tumingin nga tayo.’ 

Pag may nakita kaming island, ang tanong namin, ‘Kaya ba nating languyin?’ ‘Kaya.’ ‘Okey.’ Ganu’n. Kung anuman ang mangyari,” pagtatapos ni Boy.

Samantala, isa si Kisses na mga masusuwerteng delegates na pasok sa Top 50 ng Miss Universe Philippines 2021 pageant. Umaasa rin s’yang mapapabilang sa Final 30 candidates through online voting via the MUPH app.

Her full Purple Chair Interview will also be uploaded on The Boy Abunda Talk Channel soon. 

Bukas, August 31, ang pagsasara ng botohan para sa Final 30 ng MUPH. Ang coronation night naman ay magaganap on September 25.

YOU MAY ALSO LIKE:

Kisses Delavin, pinaligaya ang mga nasasabik na fans sa kanyang pang-gulat na “comeback”

Kisses Delavin leaves Star Magic; inks contract with Triple A management

Mavy Legaspi, si Darren Espanto ang choice maka-loveteam ng kakambal na si Cassy; Cassy, si Kyline Alcantara at Kisses Delavin naman ang type para kay Mavy

Marco Gallo denies having had relationship with Kisses Delavin; reveals break-up with Juliana Gomez was mutual decision

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment