Makisig Morales, apektado ang food business ng lockdown sa Sydney, Australia

Bukas pa rin naman daw ang pinto ni Makisig Morales—na naka-base ngayon sa Sydney, Australia—para sa showbiz sakaling mabigyan s’ya ng opportunity.  Last 2018 pa noong umuwi s’ya ng Pilipinas para sa teleseryeng Bagani kung saan nakasama n’ya sina Liza Soberano at Enrique Gill. 

PHOTOS: @makisig228 on Instagram & @nikmaksweetpack on Facebook

Bukas pa rin naman daw ang pinto ni Makisig Morales—na naka-base ngayon sa Sydney, Australia—para sa showbiz sakaling mabigyan s’ya ng opportunity.  Last 2018 pa noong umuwi s’ya ng Pilipinas para sa teleseryeng Bagani kung saan nakasama n’ya sina Liza Soberano at Enrique Gill. 

Affected daw ang food business ng actor-turned-entrepreneur na si Makisig Morales dahil sa nararanasan nilang lockdown ngayon sa Sydney, Australia kung saan sila naka-base ng misis n’yang si Nicole Joson.

Ikinuwento ito ng dating Kapamilya child star sa Kumustahan segment ng vlog ni Ogie Diaz kahapon, August 24, sa YouTube channel nitong Ogie Diaz Showbiz Update.

Maliban kasi sa pagtatrabaho bilang pick packer ay tinututukan din daw nila ngayon ni Nicole ang kanilang food business. Pero apektado daw ito ng ipinatutupad pa ring lockdown doon due to COVID-19 pandemic. 

Mahirap po ang lockdown dito sa Australia. ’Yong restriction po dito sa amin bawal kang lumabas within five kilometers of your local government area,” paliwanag ni Makisig.

Pup’wede ka lamang lumabas kung bibili ka ng groceries o meron kang kailangan sa bahay. Pero other than that hindi ka talaga p’wede lumabas.

Dahil dito, nahihirapan daw s’ya sa pagde-deliver ng mga orders sa kanila. 
 
Mahirap ngayon para sa business dahil ako ’yong nagde-deliver and mahirap lumabas kapag lalagpas ka na ng five kilometers dahil masyado pong maliit ’yong five kilometers sa local government area.” 

Dagdag pa ni Makisig, “’Yong mga works din po ngayon nagbabawas ng oras para sa mga tao dahil nga lockdown. Lalo na ’yong mga hindi essential workers, kina-cut down nila ’yong [working] hours. Mas nasa bahay lang kami. Mas gusto ko rin dahil mas safe.”

It’s been eight years since Makisig and his entire family moved to Australia at masasabi n’yang magkahalong maganda at mahirap ang buhay doon.

“Firstly, maganda for me dahil nandito ang family ko pati family ng asawa ko. Pero mahirap din sa totoo lang dahil kailangan mong pagtrabahuhan talaga lahat para maka-survive ka, para makakain ka, para makapagbayad ka ng bills and everything. 

Normal, kahit sa Philippines ganu’n pa rin naman pero ang patakaran ng payments [dito ay] every week. Kailangan every week [magbabayad ka] hindi katulad sa atin d’yan sa Philippines na every month ang bayarin. May mga adjustments din pero madali at mahirap.”

Masaya naman daw s’ya sa kanyang married life dahil masipag daw ang kanyang kabiyak na si Nicole.

“Happy, actually. Sobrang happy dahil hindi ka na mag-isa gumagawa nu’ng mga bagay na masaya kang gawin. P’wede mo na s’yang gawin together with your wife tulad ng pagtatrabaho,” saad pa n’ya sa video. 

“Thankful ako kasi si Nicole sobrang masipag. So ayon, nagagawa na namin parehas ’yong gusto naming gawin and masaya kami kasi magkasama kaming dalawa.

Napamahal na rin daw s’ya sa Australia pero kahit ganu’n ay hindi pa rin naman daw n’ya nakakalimutan ang Pilipinas. 

Pinili kong manirahan dito dahil nag-move ’yong buong family ko dito sa Australia,” sey ni Makisig. “Dahil ang vision nga ni daddy is mabigyan kami ng maganda and secured na future. 

Pero kung ako papipiliin, gusto ko pa rin manirahan sa both, gusto ko pa rin manirahan sa Philippines and gusto ko pa rin manirahan dito.

Bukas pa rin naman daw ang pinto n’ya sa showbiz sakaling mabigyan s’ya ng opportunity. Last 2018 pa kasi noong umuwi s’ya ng Pilipinas para sa teleseryeng Bagani kung saan nakasama n’ya sina Liza Soberano at Enrique Gill

S’yempre, kung may opportunity naman na ibigay sa atin sa Philippines, gagawa na naman tayo ng project,” pahayag n’ya. 

Pero sa ngayon daw ay tututukan na din nila ni Nicole ang paggawa ng vlogs. 

“Me and my wife are planning to make vlogs po kaya sana patuloy n’yo po kaming suportahan,” pagtatapos ni Makisig.

YOU MAY ALSO LIKE:

Lexi Fernandez bids mom Maritoni and showbiz goodbye as she pursues higher education in Australia

Catriona Gray, naiyak nang muling iwan ang mga magulang sa Australia

Migo Adecer, nag-goodbye showbiz na!

Kapuso actress Rich Asuncion now works as a waitress in Australia; says she’s thankful about her new life there

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment