Malalim na sugat ni Aiko Melendez sa noo, hindi nakuha sa pakikipag-sapakan

Dahil sa pagkain ng spicy Korean ramen ay bumaliktad umano ang sikmura ni Aiko Melendez. At sa pag-e-effort daw niyang ilabas ang kinain sa banyo ay aksidenteng tumama ang ulo n’ya sa lababo.  “Nu’ng nag-exert ako ng effort, nahilo ako, then tumama na ’yong ulo ko sa sink...next thing I knew nakahiga na ako sa sahig. And my sister Michiko was shouting…kasi ’yong blood was gushing sa head ko.”

PHOTOS: @aikomelendez on Instagram & Aiko Melendez on YouTube

Dahil sa pagkain ng spicy Korean ramen ay bumaliktad umano ang sikmura ni Aiko Melendez. At sa pag-e-effort daw niyang ilabas ang kinain sa banyo ay aksidenteng tumama ang ulo n’ya sa lababo.  “Nu’ng nag-exert ako ng effort, nahilo ako, then tumama na ’yong ulo ko sa sink…next thing I knew nakahiga na ako sa sahig. And my sister Michiko was shouting…kasi ’yong blood was gushing sa head ko.”

Aksidente at hindi dahil sa pakikipag-away ang dahilan ng tinamong sugat ni Aiko Melendez sa kanyang noo.

Ito ang ipinaliwanag n’ya sa kanyang vlog on YouTube kahapon, September 1, kung saan mahinahon n’yang inilahad ang nangyari habang may benda sa pagitan ng kaniyang mga kilay. 

Hindi po totoo ang tsismis na nasapak po ako,” natatawang pahayag ni Aiko sa video. “Sino ang sasapak sa akin? Ano ako, boxer?…Tumama talaga siya sa sink kaya pumutok siya.

(Ang mga maling speculations marahil ang dahilan kung bakit kapansin-pansin na agad na dinelete ni Aiko ang kauna-unahan niyang post sa Facebook noong August 31 ng gabi about her accident kung saan ipinakita niya ang lalim ng sugat sa kanyang noo.) 

Dagdag pa n’ya: “Siguro naman, sa mga nagkakalat na nakipag-away ako or anything, it’s unfair. Don’t speculate or make up things dahil hindi makakaganda at hindi makakabuti sa ating lahat ’yan.

Para wala ng tsika na hindi maganda, sa akin n’yo na marinig.

Nangyari daw ang aksidente noong gabi ng August 31 kung saan na nasuka daw s’ya dahil sa kinain n’yang spicy ramen. 

“While eating ramen, the spicy Korean ramen, which was my first time na kainin kagabi…nu’ng kinakain ko s’ya, I felt ’yong tiyan ko bumabaliktad na dahil sobrang spicy,” paliwanag ng aktres. “Bilang matigas ang ulo ko pinipilit ko pa rin s’ya na kainin.

Sa pag-e-effort daw niyang ilabas ang kinain ay aksidenteng tumama ang ulo n’ya sa lababo. 

Nu’ng nag-exert ako ng effort, nahilo ako, then tumama na ’yong ulo ko sa sink,” pagre-recall n’ya. 

Pag tama sa sink, next thing I knew nakahiga na ako sa sahig. And my sister Michiko was shouting…kasi ’yong blood was gushing sa head ko.

Wala naman daw s’yang naramdamang sakit mula sa tinamo n’yang sugat noong umpisa. 

Ganu’n pala ’yon, kapag may putok o sugat na malaki, hindi mo pala mararadaman na may dugo na tumutulo o may pain,” pagbabahagi pa n’ya sa vlog. “Kasi na-blockout ako [then] nakita ko na lang ’yong sister ko. Sabi ko, ‘I’m okay. I’m fine. Don’t panic.’”

And as advised ng nurse nilang kapatid via video call, napilitan ang pamilya n’yang ipa-ospital si Aiko dahil malaki ang tinamo n’yang sugat at hindi tumitigil ang pagdurugo nito.

Naging challenging daw ang paghahanap nila ng ospital dahil nga punuan ang mga ospital sa ngayon due to the rising COVID-19 cases. Naka-tatlong ospital daw sila bago tuluyang na-accommodate bandang ala-una na ng madaling araw.

“I’m still blessed dahil ’yong ospital na ’yon ay hindi tumatanggap ng COVID patients,” k’wento pa ni Aiko. “Medyo nabawasan ’yong anxiety ko pero ’yong eksena sa ER [emergency room] nakakaloka’Yong blood ko tulo lang s’ya nang tulo. And wala akong maramdaman, honestly.”

Mabuti na lang din daw at hindi nadali ang nerve na malapit sa kaliwa niyang mata. 

Sabi ng doctor, ‘Buti na lang hindi natamaan ’yong nerve mo sa mata.’ Kasi may isang stitch ako dito sa ilalim na almost abot na sa mata. Kaya I’m still blessed,” aniya. 

Sobrang nagpapasalamat ako, Panginoon, dahil hindi po na-damage ‘yung mata ko.

“Although, matagal-tagal na healing ’tong sugat na ’to pero sa panahon ngayon, I’d rather na lang na ganito kesa naman may sakit, ibang klaseng sakit na alam kong hindi gagaling, ’di ba? At least, ito [sugat] gagaling,” pahayag pa n’ya.

Nagpasalamat din ang aktres sa lahat ng tumulong at nagpaabot ng kanilang mensahe at dasal para sa kanya.

YOU MAY ALSO LIKE:

Aiko Melendez, emosyonal sa pag graduate sa college ng panganay na si Andre Yllana

Aiko Melendez, sinakyan ang paghahambing sa kanila ni Miss Universe winner, Andrea Meza

Aiko Melendez shares reflections after stepfather succumbs to COVID-19

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment