Technically, ang first ever gay role ni Christian Bables ay bilang si Amapola, ang bida sa librong Si Amapola sa 65 na Kabanata ni Ricky Lee na isinadulo ang ilang choice part as promo for the book launch. Workshopper palang siya ni Direk Rahyan Carlos noon sa mga pa-acting workshop ng ABS-CBN Star Magic. At siya ang inirekomenda kay Ricky Lee for the role.
Nasundan ito ng another beki role sa I Love You To Death (2016) na pinagbidahan nina Kiray Celis at Enchong Dee na co-produced ng The IdeaFirst Company ng mag-asawang producer/director na sina Perci Intalan at Jun Lana. Doon palang, agaw pansin na siya sa viewers.
Direk Perci and Direk Jun then asked him to audition for a tiny role in Die Beautiful (2016). Hindi raw ang role na Barbs, ang BFF ng bidang si Trisha Echevarria (played by Paolo Ballesteros), ang in-audition niya kundi bilang isang chiwariwap lang na may three-line dialogue lang. Pero nagulat nalang siya na sa kanya ibinigay ang role na mas nagpa-shine sa kanyang gay-acting talent.
Of course nasundan iyon ng LOL movie’ng Panti Sisters (2019), where he played as Sam Panti na isa sa tatlong beking anak ng pa-machong si John Arcilla.
Pre-pandemic, nakapag-shoot pa siya ng Big Night! para sa IdeaFirst Company ulit pero hindi pa ito pinapalabas. Beki na naman siya dito na nililinis ang pangalan para mawala sa listahan ng tokhang-victim-to-be ng kanilang barangay.
This time, around, beki na naman ang role niya sa Bekis on the Run ni Direk Joel Lamangan for Viva Films. In this comedy film he is Donald, ang beking kapatid siya ni Andres (Diego Loyzaga). Together, they would rob a construction site para matulungan ang medical expenses ni Nanay Pacing (Lou Veloso). Love interest niya dito ang mabentang-mabentang aktor ngayon na si Sean De Guzman.
Quota na nga raw sana muna Christian sa mga beki roles. Pero dahil kasing effective siya ni Roderick Paulate kaya’t panay ganoon ang nao-offer sa kanyang roles kahit napatunayan niyang equally efficient siya sa mga drama roles—at nananalo pa nga ng awards—gaya ng sa Signal Rock (2018).
“Actually ’yon nga ’yong napag-usapan namin before ng manager ko si Tito Boy Abunda, ‘Siguro ano pahinga muna ako sa paggawa ng gay roles,’ k’wento ni Christian sa virtual media conference ng Bekis on the Run kamakailan.
Natatawang dagdag niya: “Pero ’yong gay roles po ang ayaw magpahinga sa akin. Parang gustong-gusto po nila ako.”
Moreover, handpicked umano siya ng multi-awarded director na si Direk Joel Lamangan, na pangarap maka-trabaho ng maraming artista, para sa Donald role. Paano ka nga naman tatanggi sa pangarap?
“Masaya na ma-handpick ng isang Joel Lamangan para sa kanyang pelikula. Sino po ako para tumanggi. That’s Direk Joel Lamangan. Kahit siguro ang role na ibigay niya sa akin ay ipis gagawin ko po ma-experience ko lang maka-trabaho si Direk Joel Lamangan.”
Si Direk Joel pa nga daw ang mismong bumuo ng characterization niya with deliberate effort na ibahin sa mga nagawa na niyang gay characters.
“Kumbaga, parang sinabi niya po sa akin, ‘Christian gusto ko ganito lang…gusto ko ganito lang.’ Kaya medyo hindi na po ako nahirapan buuin ’yong character kasi si Direk Joel po sobrang ginabayan niya ako para buuin ’yong bagong character na malayo mula doon sa mga nagampanan ko na before…Barbs, Samuel Panti…ganu’n po.”
Marami raw pa-surprise sa set si Direk Joel ayon sa k’wento ni Sean De Guzman. Kagaya na lang noong kissing scene nila ni Christian na wala umano sa script at doon nalang sa set sinabi. Bigla tuloy na-level up ang gay portrayal ni Christian dahil kahit pa naka-ilang gay roles na siya ay first time umano niyang makipag-kissing scene at bed scene.
Aniya, hindi rin naman umano siya o-oo kung hindi si Direk Joel ito o iba pang pinagkakatiwalaan niyang director. Kaya kahit biglaan, hindi umano siya nag-atubili o nag-alinlangan.
“I did a lot of gay roles sa aking mga pelikula before. Pero ito po ang first time ko gumawa ng ganitong mga klaseng eksena,” latag ni Christian for the benefit of those who hadn’t seen his past films. “Tama nga si Sean ’yong mga ibang hinihingi ni Direk, wala doon sa script pero kasi once na nakapasok ka na doon sa shoes ng character, kung saan man dalhin ng direktor ’yong ano ship, kumbaga masasakyan mo ’yon, e. So, somehow magiging ready ka. Ikaw as an actor medyo may gulat factor. ‘Ah, okay, pinapagawa ito ni Direk.’ Pero sige lang. Dahil alam kong sa maganda niya kami dadalhin.
“And I think hindi ko rin siya ibibigay kung hindi si Direk Joel ito at kung hindi ’yong mga direktor na pinagkakatiwalaan ko at isa si Direk Joel doon.”
At this point, hindi na raw nag-o-overthink pa si Christian kung gay roles man ang mga dumarating pa ring offers. Ang mahalaga lang sa kanya ay maka-arte ulit dahil it keeps him sane sa gitna ng pesteng pandemic na hindi matapos-tapos.
“Thankful ako sa mga producers, dito sa Viva, kay Direk Joel, sa prod dahil ang dami pong mga actors and actresses ngayon na walang trabaho pero kami po ’yong napili nilang gumanap sa pelikulang ito. Salamat po. Thank you po talaga.
“Para po sa akin, nag-save ng sanity ko ito. Ang hirap pong tumawid ngayong pandemic. In my case ’yong sanity ayan… medyo challenging for me na wala masyadong ginagawa pero ngayon na napagkakatiwalaan ulit ako ng ibang mga productions, I am thankful.
“Sobrang thankful kasi sobrang miss na miss ko ’yong pag-arte. Siguro isang taon at kalahati akong hindi naka-arte. Ang pangit po sa pakiramdam.”
Ang Bekis on the Run will be streaming on September 17, exclusively on VIVAMAX.
Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.
For only P29, you can unli-watch all Vivamax titles for three days. You can also subscribe for P149/month and P399 for 3 months for bigger savings. You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.
Vivamax is also available in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar— for only AED35/month; in Europe, for only 8 GBP/month; and Asia—Singapore (SGD 13.50), Hongkong (HKD 77.00), Malaysia (RM 39.90), and Japan (JPY 1,080.00).
* Screen cast to TV feature will vary on user device
YOU MAY ALSO LIKE:
Christian Bables, umaming nabiktima ng “Popstar Meal” fan-made ad
FIRST LOOK: Bekis on the Run Stills
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
0 comentários :
Post a Comment