Alden Richards, hindi pa makakabalik sa Eat Bulaga; next pandemic, “pinaghahandaan” na raw kasi niya

Habang naka-break from TWBU, mag-o-online schooling daw si Alden about financial literacy and business at kung anu-ano pa. “So, gusto ko ring well-equipped ako so I can protect myself and my loved ones in the event na may dumating na pandemic version 2.0 or events alike na ganoon. So, ready ako. Hindi ako ’yong tao na saka lang magre-react pag nandoon na ’yong situation, e.”

PHOTOS: @aldenrichards02 on Instagram

Habang naka-break from TWBU, mag-o-online schooling daw si Alden about financial literacy and business at kung anu-ano pa. “So, gusto ko ring well-equipped ako so I can protect myself and my loved ones in the event na may dumating na pandemic version 2.0 or events alike na ganoon. So, ready ako. Hindi ako ’yong tao na saka lang magre-react pag nandoon na ’yong situation, e.”

Kahit magkakaroon ng season break ang pinagbibidahan niyang primetime series na The World Between Us (TWBU) ay hindi pa daw makakabalik sa kayang hosting job sa Eat Bulaga si Alden Richards.

Gayunpaman, tiniyak niya sa virtual media conference kamakailan na babalik pa rin s’ya sa noontime show kapag natapos na nilang gawin ang teleserye. 

“Yes po, babalik po ako. ‘Wag po silang mag-alala,” pahayag ni Alden sa press via Zoom. 

Maikli lang daw kasi ang pahinga nila pagkalabas sa lock-in taping tapos babalik na uli sila para mag-quarantine. 

“It’s just that, pag natatapos po kasi ’yong lock-in [taping] namin meron lang po kaming ilang araw para magawa po ’yong mga trabaho namin outside,” paliwanag ng aktor. 

Pero hindi po ganu’n kahaba kasi bumabalik po kami agad sa quarantine. Mahaba na po ’yong five days. Ganu’n lang po ’yong break namin because we really wanted to finish the show as much as we can. 

Kaya lang po, ayaw ko naman po na babalik ako sa Eat Bulaga tapos…and ’yon din naman, nagpaalam naman po ako in good faith. Nagsabi naman po ako na after ng [The] World Between Us babalik na po ako.

Kuwento pa ng prized star ng Kapuso network, ginugugol din daw niya kasi sa ibang commitments ang kanyang mga breaks sa show. 

Pag labas po [sa lock-in taping] nagshu-shoot po ako ng endorsements,” ani Alden. “Meron po akong shoot for different commitments as well. 

“So, medyo mahirap po ang scheduling kasi very tight din po. Kasi sobrang hindrance po nu’ng quarantine bago pumasok sa bubble.”

At kahit may two-month break, magpo-pokus pa rin daw siya sa TWBU. Ang alongside, marami raw siyang pinag-aaralan kasi sa ngayon bilang paghahanda sa future.

May mga naka-line up na kasing gagawin ko after ng TWBU, but I want to focus muna on the show. Dito ko muna ibubuhos lahat. 

“And also, I’m into studying…financial literacy, business, also acting…everything is available online so doon ko na yinu-utilize ’yong time ko kesa naglalaro lang ako—of course, I still a lot time for gaming pero hindi na ganoon kahaba. Morning, usually I study, I study, I study…

S’yempre kasi tumatanda na rin ako. I’m gonna be 30 on January, which is a few months from now. So, gusto ko ring well-equipped ako so I can protect myself and my loved ones in the event na may dumating na pandemic version 2.0 or events alike na ganoon. So, ready ako.

Hindi ako ’yong tao na saka lang magre-react pag nandoon na ’yong situation, e. ’Yong foresight is very important. What you think that will not happen might happen sooner or later than you know it. So, you have to be equipped.”

Samantala, nagbigay-linaw din ang tinaguriang Asia’s Multimedia Star ukol sa bali-balitang s’ya rin daw ang leading man ni Bea Alonzo sa kauna-unahan nitong teleserye sa GMA-7. 

Ang alam pa lang daw niyang proyekto nila sa ngayon ay ang film adaptation ng 2006 Korean movie na A Moment to Remember na ipo-produce ng GMA Pictures, APT Entertainment, at Viva. 

Kasi based on my knowledge po, ang alam ko po movie pa lang ’yong pagsasamahan namin,” lahad ni Alden sa press. 

“And wala pa naman pong naibibigay sa akin na word kung meron na po kami talaga kaming gagawin na teleserye. Titingnan ko po kung ano’ng advice ng mga bossing po. Pero for now po, ’yong movie po is tuloy. Tatapusin ko lang po ’yong The World Between Us.

Sa November 15 pa daw babalik sa ere ang teleserye nila ni Jasmine Curtis-Smith pero may pa-takam na kaagad si Alden sa kanilang mga taga-subaybay. 

Marami na pong mababago pag balik namin on air,” sey niya sa press. “Kagaya nga po ng sabi ko kanina na…nag-present po tayo na ayaw na po nila na masyadong ma-drama si Louie [character n’ya sa TWBU], ayaw na nila ng masyadong optional, paawa, inaapi… ’Yon po ’yong babaguhin natin. 

Hindi po ’yon ang ibibigay natin kasi po people are more interested in watching us kapag iniiba ko po ’yong take sa mga roles, sa mga eksena pong binibigay sa akin. Kumbaga, we tested it, now, eto ang naging result. 

“So we move forward. Doon po kami sa Plan B ngayon. We will do a different take on the role,” pagtatapos ni Alden.

At bilang patikim pa rin, sinabi ni Alden na makukulong umano si Louie dahil madidiin sa salang hindi niya ginawa at dahil doon ay lalaban na umano ang character niya at hindi na aapak-apakan na lang. 

Legal Wives daw ang papalit sa timeslot na babakantehin ng The World Between Us kaya’t bababa din umano sa airing time ng Endless Love rerun at nang papasok na bagong Koreanovela’ng Penthouse. Two months bale magbe-break ang TWBU at tatapusin muna ang Legal Wives. 

YOU MAY ALSO LIKE:

Producers ng Alden Richards-Bea Alonzo movie assure: hindi lang ito worth the wait, worth your money din

Gabbi Garcia sa pagpapalipat niya kay Alden Richards sa tabi ni Julie Anne San Jose: “Wala pong nag-utos… Dapat po nasa gitna siya ng ending dahil headliner po ang idol niyo.”

Fans ng AlDub, kinilig sa sagutan nila Maine Mendoza at Alden Richards sa Instagram

Pika’s Pick: Alden Richards flexes his new toy—a huge X-men collectible piece

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment