Ogie Diaz, pinayuhan si Andrea Brillantes sa himutok nito sa mga showbiz newbies na sikat agad

May ibinigay na payo ang comedian, vlogger, and talent manager na si Ogie Diaz sa aktres na si Andrea Brillantes hinggil sa naging sagot nito sa pinaka-ayaw n’yang experience sa pag-aartista. 

Naging guest kasi ang young actress sa online show na The Boom with SethyBoy hosted by her love-team partner, Seth Fedelin, sa YouTube channel ng The Squad Plus few weeks ago. 

Doon ay natanong si Andrea tungkol sa kanyang showbiz career, kabilang na nga ang pinaka-ayaw n’ya sa mga naging experiences niya sa kanyang trabaho bilang isang aktres. 

Sagot ni Andrea, masakit daw para sa kanya na may mga baguhan sa showbiz na tila mabilis lang na na-achieve ang kanilang goal samantalang s’ya ay taon ang binilang bago n’ya narating ang kinalalagyan n’ya ngayon. 

Antagal ko na kasi [sa showbiz] ’di ba? Sobrang sakit sa ’kin na pag may mga bagong dumadating sikat na sila agad,” may bahid na hinanakit na pahayag ni Andrea sa The Boom.

Na ako ’yong hindi na kailangan na… Ang sakit… parang plato na binasag, ako. ’Yon ako, ako ’yong plato, sa tuwing nakikita ko ang lahat ng taon na pinagtatrabahuhan ko,” patuloy na paliwanag n’ya.

Lahat ng taon na dasal nang dasal ako para makuha iyon. Tapos etong bagong ’to, makukuha n’ya lahat. Makikita ko s’ya diyan. 

Tanong pa n’ya, “Tapos ako, bakit? Ginawa ko naman lahat. Nagdarasal ako araw-araw. Ilang taon na. Tapos mapupunta lang sa iba? Anong kulang sa ’kin? Ano pa bang dapat kong gawin? 

Ang sakit-sakit…sakit-sakit,” may himutok na pagtatapos ni Andrea. 

Umani ng samu’t saring reaksyon mula sa mga netizens ang sinabing ito ng Kapamilya star. 

May mga fans na nakaunawa sa sitwasyon n’ya bilang dating child star na matagal din bago nabigyan ng break sa showbiz. 

Meron din namang hindi natuwa sa kanya dahil selfish at ungrateful daw ang dating ng kanyang sagot at hindi n’ya inisip na baka ’yong ibang nabigyan ng malaking break ay matagal ding nagdasal at umasam gaya n’ya. 

At ngayong araw, September 3, napag-usapan ito nina Ogie Diaz at ng ka-tandem n’yang si Mama Loi sa kanyang YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update. Dito ay nakapagbigay ng payo ang beteranong showbiz insider at talent manager din na si Ogie sa young actress. 

Ako naman bilang manager, no? Ano ito, e, kapalaran ’yan, e,” panimula ni Ogie. “Kung nakatadhana na sumikat ka kahit ngayon ka lang nag-artista tapos bukas sikat ka na, ibig sabihin nakalaan para sa ’yo ’yan. Right timing ang tawag doon at saka panahon mo.

Naihalimbawa pa n’ya ang viral online seller na si Madam Inutz na matapos kumalas sa Star Image Artist Management ay talent na ngayon ni Mr. Gay World Philippines titleholder, businessman, social media influencer, and philanthropist Wilbert Tolentino.

Parang si Madam Inutz,” pagpapatuloy ni Ogie. “Hanggang ngayon hindi pa rin makapaniwala si Madam Inutz na andito na s’ya [sa showbiz], na ‘Tama ba ’tong nararanasan ko ngayon? Parang nananaginip pa rin ako.’ 

Ang bilis-bilis ng mga pangyayari na kahit mismo s’ya nabibilisan. E, gusto lang naman n’ya magtinda ng mga ukay-ukay n’ya sa live selling, ’di ba? 

Doon mo mararamdaman kung gaano kahitik sa bunga ang isang Madam Inutz dahil lumalampas ng 100 thousand live views kada online selling n’ya.”

Ayon pa kay Ogie, hindi daw dapat si Andrea ang sumusukat sa kanyang sarili kung sikat ba s’ya o hindi. 

Si Andrea Brillantes, alam naman natin child star pa lang ’yan…maliit pa lang na bata, e, artista na ’yan. So, parang ngayon lang n’ya nae-enjoy [ang fame]. Pero ang mga tao naman ang magsasabi na sikat ka, hindi ikaw para sa sarili mo,” paliwanag pa ng talent manager. 

Kahit si Liza [Soberano] hindi naman n’ya sinasabing sikat s’ya or si Kathryn Bernardo sasabihin n’ya ‘Sikat ako.’ Hindi. 

’Yan, ’yong naiisip ni Andrea Brillantes na ‘Bakit ako, ang tagal ko? Ilang taon ang ginugol ko bago ko marating ’to. Bakit ’yong iba ke dali-dali, kakadating lang [sa showbiz], nandu’n na agad [sa kasikatan]? Ganu’n talaga.

Lahad pa n’ya, “Alam mo naman minsan, ’di ba, or madalas nangyayari… ’yong mabilis bumulusok ang career paitaas e s’ya ring mabilis bumulusok sa baba kung hindi alam o kung hindi marunong alagaan ang kanyang fame.

’Yong iba kasi inuunahan na ng paglaki ng ulo. E, since hindi naman lumalaki ang ulo ni Andrea Brillantes, sabi nu’ng iba, e di, i-maintain mo ’yan, Andrea. At saka ’wag ka nang nagtatanong ng ganyan, anak,” payo pa ni Ogie sa Huwag Kang Mangamba actress. 

Nausisa naman ni Mama Loi kung may pinatutungkulan ba si Andrea sa kanyang sinabi kahit wala naman itong binanggit na pangalan ng artista. 

Sagot ni Ogie sa kanya, “May nagtuturo na baka daw si Francine Diaz ang tinutukoy ni Andrea. O kaya si Seth Fedelin na biglang arangkada daw [ang career] pataas. 

Normal lang naman na nararanasan ’yan ng isang artista lalo na ang tagal-tagal mong nakamit ’yong pangarap mong fame, ’di ba? Kaya lang…bata ka pa naman, anak. Marami pang mangyayari. Kaya kapit ka lang… 

Dagdag pa n’ya, “’Wag mo nang isipin ’yan. Lalo lang ikaw mai-stress. Kasi mas pinatutunayan mo na hindi ka secure, hindi mo ipinagpapasalamat kung anong meron ka pag ganyan ang attitude natin. So, ipagpasalamat mo na lang kung saan ka dinala ng pangarap mo ngayon. 

“At matuwa ka din sa magandang sinapit ng career ng iba. Dapat mas masaya ka sa ganu’n. Walang inggit. Walang insecurity. 

Ganu’n talaga ang buhay. Ang importante, nakasayad ang pareho mong paa sa lupa kahit hindi ka, anak, biniyayaan nang magandang height, ang importante, alam mo kung saan ka nakatapak,” pagtatapos ni Ogie.

YOU MAY ALSO LIKE:

Ogie Diaz, sinaway ang YouTuber na nagsabing nakabuntis daw ang panganay ni Kris Aquino

Ogie Diaz, malakas ang pulso na sasabak na sa pulitika si Coco Martin sa 2022 elections

Seth Fedelin, umaming in love kay Andrea Brillantes sa IG Live!

Francine Diaz, inisip daw noon na baka hindi para sa kanya ang pag-aartista. “Never akong naging enough sa mga napag-audition-an ko.”

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment