Vilma Santos, binalikan ang k’wento kung bakit Lucky ang naging palayaw ng anak na si Luis Manzano

“When I was pregnant with him, I was literally back to zero financially. When I gave birth to him…Alam mo ’yong recovery ko sa showbiz? Parang mas minahal ako ng mga tao.”

PHOTOS: @rosavilmasantosrecto & @luckymanzano on Instagram

“When I was pregnant with him, I was literally back to zero financially. When I gave birth to him…Alam mo ’yong recovery ko sa showbiz? Parang mas minahal ako ng mga tao.”

Naging maswerte daw sa showbiz noon si Cong. Vilma Santos-Recto nang ipanganak n’ya ang panganay na si Luis Manzano kaya ginawa n’yang Lucky ang palayaw nito. 

Ito ang ibinahagi n’ya sa YouTube vlog ng manugang n’ya na si Jessy Mendiola entitled “WIFEY vs MOMSKI: WHO KNOWS LUCKY BETTER?” na in-upload kagabi, August 19.

Si Luis mismo ang naghanda ng mga tanong tungkol sa buhay at pagkatao n’ya na dapat sagutin ng misis n’yang si Jessy at momski n’yang si Cong. Vilma. 

Isa na nga dito ay kung ano ang nickname n’ya noong bata pa s’ya. 

“Lucky,” mabilis na sagot ng tinaguriang Star For All Seasons.

Bukod sa Lucky?” balik na tanong ni Luis.

“Bako-bako,” sagot naman ni Jessy. 

P’wede,” tugon ng TV host-actor. “One all [sa score]. Lucky namin kasi…obviously ’yon ang tawag sa akin, Lucky.”

Pahabol naman ni Jessy, “Pero may question ako. Bakit Bako-bako?”

Alam ko baku-bako ’yong ulo ko nu’n, e,” pagre-recall ni Luis. “Ang tawag sa akin ng mga pinsan ko [ay] Lucky Bako-bako. Tapos ako, s’yempre nauurat ako, sinasabi ko, ‘I’m not Lucky Bako-bako. I’m He-man [action figure.]”

Hiling pa n’ya sa ina, “Once and for all, momski, mabilis lang kasi alam ko mahaba-haba ’yong k’wento kung bakit ‘Lucky’ ang pangalan ko. ‘Di ba, Nicolai ako dapat?

Paboritong name ko kasi ’yon, e,” sagot naman ni Vilma sa anak. “’Yon ang dream ko talaga [na ipangalan] pag nagka-anak ako…Nicolai.”

At dito na napa-throwback ang actress-turned-politician sa dahilan kung bakit nauwi sa ‘Lucky’ ang palayaw ni Luis. 

Ang nangyari was…noong time na nagkaroon ako ng problema financially…back to zero talaga, wala na akong pera, ipinagbubuntis ko s’ya [si Luis] nu’n,” lahad ni Cong. Vilma. 

“And then, nu’ng ipinanganak ko na si Lucky, April 21, 1981… So, April is fourth month, ’di ba? Plus two [and] one is seven. And then, nu’ng ipinanganak ko s’ya, ang birth weight n’ya ay 7.7 [kilograms].”

Doon na daw nagsimulang bumalik ang kanyang s’werte sa pag-aartista. 

“When I was pregnant with him, I was literally back to zero financially. When I gave birth to him…Alam mo ’yong recovery ko sa showbiz? Parang mas minahal ako ng mga tao,” pagpapatuloy n’ya.

Doon ko nakuha ’yong Box Office [award]. Doon ko nakuha ang mga best actress awards. Talagang naging very, very lucky s’ya sa buhay ko. I was able to recover. Kaya mula nu’n, sinabi ko talagang lucky s’ya sa buhay ko.

Sa puntong ito naman umandar ang kapilyuhan ni Luis.

Agad na dagdag niya: “At agad, ’wag nating kakalimutan. Pagka-panganak [sa akin], agad-agad, seven inches…”

Natawa na lang sina Cong. Vilma at Jessy sa sinabi n’ya. 

“...’yong isang kamay ko papunta sa kanan. Ano bang iniisip n’yo?” pahabol ni Luis.

Nasiko tuloy s’ya ng kanyang natatawang Momski Vilma.

YOU MAY ALSO LIKE:

First ever kiss nina Jessy Mendiola at Luis Manzano, taranta ang naging dahilan

Luis Manzano and Jessy Mendiola are now husband and wife

Luis Manzano, binulgar na nag-break sila ni Jessy Mendiola noong nag-ECQ last year

Rep. Vilma Santos slammed by celebrities and netizens for her vote over ‘Anti-Terror’ Bill

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment