“Viral Quotation Queen,” dagdag sa mga superlative titles ni Vice Ganda

“Dito man lang may mai-ambag ako na maganda sa mga followers at fans ko.”—Vice Ganda on her viral positivity quotes

Photos: @praybeytbenjamin / Vice Ganda Facebook

“Dito man lang may mai-ambag ako na maganda sa mga followers at fans ko.”—Vice Ganda on her viral positivity quotes

Phenomenal Superstar at Unkabogable Star ang dalawang titulong matunog na naka-kabit kay Vice Ganda. And that’s for conquering TV, films, recording, concerts, at ngayon, maging ang digital platforms.

Dahil sa kasikatan, coupled with being witty and opinionated kaya madalas ay nagiging big deal kahit ang mga jokes o hirit niya sa kanyang mga shows, lalo na sa It’s Showtime.

Kaya tuloy mukang dadagdag sa titles niya ang “Viral Quotation Queen” tag. ’Yung mga memes niya kasi na gawa ng Netizens ay sumasabog lagi sa social media. Ito ’yung mga random advices about lessons sa buhay na nababanggit niya sa kanyang dalawang shows ngayon, ang It’s Showtime at Everybody Sing. Agad pini-pick-up ito ng mga Netizens para gawan ng memes or quote cards. 

Pinaghuhugutan na ng inspirasyon ng mga tao ang mga advices niya. Dahil dito, ang Team Vice ay naisipan na ring maki-quote card at tinawag nilang AdVice of the day na nilalapag nila kung minsan sa kanyang official Facebook page (na may 16M followers) at ang mga ito ang palagiang nagba-viral dahil sa most numbered of shares and likes.

Ilan sa mga napakawalang quotable quotes niya ang:

“Tumutulong tayo sa tao para makatayo siya, pero dapat ’yung pagtulong natin, hindi maging dahilan para tuluyan siyang mawalan ng pa.”  Sinabi niya ito sa It’s Showtime.

Nilitanya naman niya sa Everybody Sing na: “Ang sarap sa pakiramdam kapag nanalo, ano? Kung pwede lang sana tayong nananalo everyday. Kaya sana sa eleksyon, tayo ang manalo.”

Sa pamamagitan chat messaging, hiningan namin ng reaksyon si Vice tungkol sa bago niyang incidental pagba-viral na positibo ang epekto as opposed sa naglipanang kanegahan a social media.

Hindi nito naitago ang kasiyahan dahil umano’y may naia-ambag daw siyang positivity, lalo na sa panahon na ito.

“Of course nandiyan ang harutan at kulitan sa It’s Showtime at Everybody Sing pero kailangan din natin magbigay ng inspirasyon at positive good vibes sa mga nanonood.

“Marami ang nag-guide sa akin at nagbigay sa akin ng inspiration so I’m just paying it forward now that I have a platform to reach a lot of people.”

Dagdag pa niya: “Gusto ng mga taong makalimot sa mga problema nila so, pinapatawa ko sila at inaaliw ko sila pero kailangan din ng tidbits of encouragement and life lessons na p’wedeng makatulong sa kanila sa mga pang-araw araw nilang buhay.

“Marami rin ako natutunan sa mga kaibigan ko at mga kasama ko sa work at sa family ko at sa mga contestants ng ‘ReINA ng Tahanan,’ so, masaya kasi give and take ang learning process. Dito man lang may maiambag ako na maganda sa mga followers at fans ko.”

Sa isang banda, naghahanda na raw si Vice sa pag-alis niya papuntang America para sa magiging two-night concert niya—October 15 at October 16—na gaganapin sa Pechange Resort Casino sa san Diego, California.

Produced by Star Media, ang two-night live concert, called Vax Ganda A dose of laughter, ang kauna-unahang concert niya abroad magmula nang mag-pandemic.

YOU MAY ALSO LIKE:

Vice Ganda sa “Channing Tatum-inspired” new look ni Ion Perez: “Ang gwapo mo. You look hot. Hotter than ever.”

Vice Ganda, tinalikuran na ang pagrampa, paninigarilyo at pag-inom ng alak: “Si Ion lang sapat na.”

Pika’s Pick: Vice Ganda starts doing shows in the US via StarMedia’s Vax Ganda (a dose of laughter)

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment