Rainy-day flu ni Yasmien Kurdi, naghasik ng takot sa set ng teleserye niya

Ngayong nakalabas na sa lock-in taping ng Las Hermanas sina Yasmien Kurdi ay nakakaramdam daw sila ng separation anxiety ng mga co-stars n’yang sina Thea Tolentino at Faith Da Silva. 

PHOTOS: @yasmien_kurdi on Instagram

Ngayong nakalabas na sa lock-in taping ng Las Hermanas sina Yasmien Kurdi ay nakakaramdam daw sila ng separation anxiety ng mga co-stars n’yang sina Thea Tolentino at Faith Da Silva. 

Binalikan ng aktres na si Yasmien Kurdi ang naramdaman n’yang takot ng magkasakit habang nasa lock-in taping ng teleseryeng Las Hermanas. 

Sa virtual interview n’ya with GMA reporter Lhar Santiago na ipinalabas sa 24 Oras kagabi, September 3, sinabi n’yang natakot at nag-alala s’ya para sa kanyang mga kasamahan sa trabaho kung magkaka-COVID s’ya dahil marami ang madadamay. 

Natakot kami. Natakot actually ’yong buong production,” sabi ni Yasmien sa interview. “Ako personally, kaya ako natakot madami akong madadamay if ever.”

Matatandaang naiyak pa ang Kapuso actress sa kanyang YouTube vlog few weeks ago nang ibahagi n’ya ang mga naramdaman n’ya na kapareho sa sintomas ng COVID-19 gaya ng sipon, dry cough, diarrhea, at lagnat na umabot sa 38.2 degrees.

In the same vlog ay ipinakita rin ang pagpapa-RT-PCT test ng aktres para matiyak kung COVID na ba ang dumapong sakit sa kaya. Lumabas naman sa test na regular na trangkaso lang iyon dahil sa rainy season. 

Anyway, ngayong nakalabas na sa lock-in taping sina Yasmien ay nakakaramdam daw sila ng separation anxiety ng co-stars n’ya sa upcoming TV series na sina Thea Tolentino at Faith Da Silva

Magkakapatid ang role nilang tatlo sa teleserye pero parang ganu’n na din daw ang naging turingan nila sa isa’t isa even behind the camera. 

Nagkaroon kami ng parang ano…feeling na sepanx,” natatawang pahayag ni Yasmien. “Alam mo ’yon, separation anxiety talaga with my sisters, sila Thea Tolentino at si Faith Da Silva na lagi kong nakakausap nu’ng malayo ako sa family ko. Sila ’yong naging real life sisters ko.”

May patikim din ang StarStruck Season 1 alumna sa kanyang role sa Las Hermanas. 

Mahal ko si Dorothy, ’yong character ko dito dahil mapursige s’yang tao. Ginagawa n’ya ang lahat para maabot n’ya ang mga pangarap n’ya sa buhay at hindi s’ya susuko. Nandu’n s’ya bilang responsableng ate at mapagmahal na ate.

Mapapanood ang Las Hermanas na pinagbibidahan nina Yasmien Kurdi, Thea Tolentino, Faith Da Silva, kasama si Albert Martinez sa GMA Afternoon Prime soon.

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika’s Pick: Yasmien Kurdi laments the passing of her grandma, Teyta Laila Maamari Kurdi

Pika’s Pick: Yasmien Kurdi and husband Rey Soldevilla are witnesses to friend Charee Pineda’s civil wedding to Martell Soledad held at the Valenzuela City Hall

Pika’s Pick: Yasmien Kurdi belatedly shares photos of her YouTube Silver Play Button plaque

Pika’s Pick: Yasmien Kurdi’s daughter Ayesha turns 7

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment