Isinugod na sa hospital sa Maynila ang aktor na si Arjo Atayde matapos itong ma-positive sa COVID-19 habang nasa kalagitnaan ng shooting ng pelikula sa Baguio City.
Ayon yan sa inilabas na pahayag ang Feelmaking Productions, Inc., ang producer ng pelikulang sinu-shoot ni Arjo sa Baguio City ngayong araw, August 18.
Kahapon, August 17, lumabas ang balitang positive sa corona virus ang aktor pero naka-alis na umano ito ng Baguio City bago pa man lumabas ang resulta ng kanyang monthly RT-PCR test. Positive din lumabas sa swab test results ng siyam pang mga artista na kasama n’ya sa pelikula.
Sa interview ng Luzon Headlines kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, wala daw pasabi na umalis si Arjo pauwi ng Maynila noong August 16.
Iimbestigashan din daw ng pamahalaang lungsod kung may paglabag ba sa grupo ni Arjo sa health regulation na ipinatutupad nila.
Dahil dito, mas maghihigpit daw sila at wala munang production outfit na papayagang mag-shoot sa Baguio City.
Sa ngayon ay naka-isolate na raw ang siyam na artistang nag-positive sa COVID habang ang 90 namang staff at crew ay bantay-sarado sa kanilang tinutuluyang hotel para wala umano sa kanilang tumakas.
At ngayong araw nga, naglabas ng statement ang Feelmaking Productions, Inc. tungkol sa kondisyon ni Arjo na isinugod na sa ospital kahapon.
Nakikipagtulungan na daw ang pamilya nito kay Mayor Magalong para sa kalagayan ng mga naiwang staff and crew sa Baguio City.
Humihiling din sila ng dasal para sa aktor at sa siyam na artistang nagka-COVID.
Narito ang kabuuan ng pahayag na inilabas ng Feelmaking Productions, Inc.:
“Arjo Atayde tested positive for COVID-19 as shooting for his new film culminated in Baguio last August 16. Arjo was suffering from high fever, headaches, and difficulty in breathing.
“It was the mutual decision of Feelmaking Productions Inc., Arjo’s parents, and doctors to rush the actor, who has a pre-existing medical condition, straight to a hospital in Manila on August 17.
“We have provided assistance for nine others who tested positive for COVID-19 but are asymptomatic and are currently in quarantine. We have likewise coordinated with the local officials for the necessary safety protocols.
“The Atayde family has reached out to Mayor Benjamin Magalong and we assure him and the people of Baguio that we will comply with our commitments to the City.
“We are grateful for the opportunity to shoot in their beautiful city and apologize for whatever inconvenience that this unfortunate incident may have caused.
“We request for prayers for the speedy recovery of Arjo and the nine who tested positive.
“Ellen Criste
Head Of Production
Feelmaking Productions Inc.”
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Arjo Atayde, isinugod na sa ospital sa Maynila matapos magka-COVID sa Baguio City
Source: Pinoy Ako News
0 comentários :
Post a Comment