Marion Aunor releases new single under her own record Label, Wild Dream

Nang matanong ng press kung saan nanggaling ang “Wild Dream,” lahad n’ya, mula daw ’yon sa nabasa n’yang text na “Wild Flower” sa shirt ng kanyang kapatid. Pero mas nag-resonate daw sa kanya ang pagiging dreamer n’ya kaya doon nabuo ang Wild Dream Records.

PHOTOS: @marionaunor on Instagram, Wild Dream Record/Viva

Nang matanong ng press kung saan nanggaling ang “Wild Dream,” lahad n’ya, mula daw ’yon sa nabasa n’yang text na “Wild Flower” sa shirt ng kanyang kapatid. Pero mas nag-resonate daw sa kanya ang pagiging dreamer n’ya kaya doon nabuo ang Wild Dream Records.

Kung meron mang artista na tila hindi natigil sa paggawa ng projects despite the pandemic, isa na rito ang singer-songwriter at record producer na si Marion Aunor

Last 2015 pa nang huling maglabas ng album si Marion at kasunod noon ay naging abala na s’ya sa pagsusulat at pagpo-produce ng official sound tracks (OST) para sa ilang movies.

This Berklee College of Music graduate and Grammy Academy member is the person behind some of the popular movie theme songs such as “Akala” for The Day After Valentine (2018), “Delikado” of Just A Stranger (2019), and “Maganda Kahit Matanda” for the Revirginized (2021). 

And now, heto’t may bago s’yang single entitled “Kama” na gaya ng mga nauna ay s’ya mismo ang nagsulat, nag-record, at nag-produce.

K’wento ni Marion sa entertainment press during the virtual media launch ng newest single n’ya kaninang hapon, September 8, naisulat daw n’ya ang kanta ngayong may umiiral na pandemya at kung kailan naka-quarantine ang lahat. 

Paliwanag ng prolific OPM singer-songwriter, “Kama” is about “missing someone and wondering if they miss you back.”

Tiyak na makaka-relate daw ang kanyang listeners sa bago n’yang kanta dahil sa sitwasyon ng lahat na kailangang mag-stay at home and observe physical distancing para makaiwas sa coronavirus.

Also, maliban sa makabago at sultry nitong tunog kumpara sa mga nauna n’yang kanta, “Kama” is even more special to her because it is her first-ever song na ire-release under her co-founded label, ang Wild Dream Records.

Feeling “lucky and blessed” naman ang pamangkin ni Superstar Nora Aunor dahil binigyan daw s’ya ng creative freedom ng Viva para mag-explore ng mga bagong genre at magtayo din ng sarili n’yang record label in partnership with Viva Records.

Nang matanong ng press kung saan nanggaling ang “Wild Dream,” lahad n’ya, mula daw ’yon sa nabasa n’yang text na “Wild Flower” sa shirt ng kanyang kapatid. Pero mas nag-resonate daw sa kanya ang pagiging dreamer n’ya kaya doon nabuo ang Wild Dream Records.

Sa ngayon, ang main goal ng kanyang record label is to encourage other Filipino artists to pursue their passion and explore their craft. 

Magbubukas din daw ito soon sa iba pang artists and fresh talent na may maio-offer na great music for the audience. 

Sa dami n’yang ganap sa ngayon, mukhang wala sa priority list ng talented singer-songwriter ang love life. Pero pinaka na-appreciate daw n’ya ang wish ng press na sana ay magka-love life din s’ya soon. 

Open to all blessings and opportunities daw kasi itong si Marion. Katunayan, maliban sa pagsusulat ng theme song recently for the movie Revirginized ay sumabak din s’ya sa aktingan with Sharon Cuneta

Dagdag tsika pa n’ya sa press, kasama din daw s’ya sa isa pang upcoming movie ni Direk Darryl na Sarap Mong Patayin na pagbibidahan nina Lassy Marquez at Kit Thompson

Anyway, Marion’s newest single “Kama” under Wild Dream Records is available in all streaming platform mula sa araw na ito. 

Congratulations, Marion!

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber



Marion Aunor releases new single under her own record Label, Wild Dream
Source: Pinoy Ako News

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment